Dahil matagumpay na nakabalik si Gerald sa nakaraan, ang ibig sabihin nito ay dalawa siya sa panahon na ito at paulit-ulit na idiniin ni Zyla na hindi sila pwedeng magkita. Dahil doon, alam ni Gerald na kailangan muna niyang hanapin ang kanyang past self at pansamantalang itago siya sa isang tahimik na lugar. Kapag tapos na iyon, siya ang magiging kapalit ng sarili niya sa loob ng isang buong linggo. Sa ngayon, kailangan muna niyang magsuot ng simpleng disguise... Samantala, isang malakas na 'kulog' ang maririnig sa loob ng university campus habang ang isang lalaking estudyante ay sinipa ng isa pang mas matangkad at malaking estudyante. Kumapit sa balikat ng matangkad na lalaki ang isang babae na maganda ang damit habang tinuturo ng kanyang boyfrend si Gerald at sinabi, “Nakakahiya ka talaga, Gerald, alam mo ba iyon? Alam mo bang muntik mo nang makabangga ang girlfriend ko habang namumulot ng basura? Nakakahiya ang taong tulad mo!" Sinipa niya muli si Gerald bago nagsalita ang
Masaya siya nang maramdaman niya ito... “…K-kahit na bugbugin mo ako, nakikiusap ako sayo na pakawalan mo ako kapag tapos ka na…!” pagmamakaawa ni past Gerald. Naramdaman ni Gerald ngayon na wala nang mawawala sa kanya pagkatapos makipaghiwalay ni Xavia sa kanya... Kahit pa pagalitan o bugbugin siya, hindi siya magkakaroon ng kakayahang lumaban o ipagtanggol ang kanyang sarili! “Jusko!” sabi ni future Gerald dahil hindi siya makapaniwala sa kanyang past self. Mabilis na sinundot ni Gerald ang acupuncture point ng kanyang past self para tumahimik siya. Pagkatapos nito ay nawalan na siya ng malay! “Malapit nang magbago ang buhay mo, buddy... Sana huwag ka na magpatuloy sa pagiging isang walang kwentang wimp tulad ko noon pagkatapos magbago ng buhay ko! Lalaki ka, hindi ba? Kumilos ka na parang isang totoong lalaki!" bulong ni Gerald habang binubuhat niya ang kanyang past self at nakangiti. Ang plano niya ay ang itago ng mabuti ang kanyang past self at pagkatapos nito, buburah
Nang lumingon si Gerald, nakita niya ang ilang matangkad at magagandang babae na nakatayo sa kanyang harapan. Gayunpaman, hindi naiwasan ni Gerald na umiyak nang makita niya kung sino ang kasama sa grupo ng mga babaeng ito. Nasa harapan niya ngayon si Mila! Bumibilis ang paghinga ni Gerald nang matandaan niya ang kanyang pag-aalala kanina. Buong puso niyang hinihintay ay pagkakataon na makita muli si Mila, ngunit hindi siya sigurado kung anong emosyon ang ihaharap niya nang tumayo na siya sa harapan nito. Naging blangko ang kayang isip habang nakatingin siya kay Mila. Iniisip niya ngayon kung gaano siya kaganda, kaibig-ibig at ang kanyang totoong kabutihan! Makikita ang emosyon sa mga mata ni Gerald, ngunit hindi maiwasan ni Mila na matakot nang makita niya kung paano siya tinitingnan ni Gerald. Natatakot siya pero napansin niya ang hindi maipaliwanag na emosyon na nakapinta sa mga mata ng lalaki. Ang mga babaeng nakapaligid ay ganoon din ang nararamdaman at mabilis nilan
Noon pa man, simple lamang ang pagmamahalan nilang dalawa mula pa noong una niyang nakilala si Mila. Kahit pa yumaman siya, hindi niya naisip na gumawa ng kahit anong engrandeng bagay para sa kanya. Kung tutuusin, naramdaman ng past self ni Gerald na ang mahalaga lang para sa kanilang dalawa ay ang pagmamahal nila sa bawat isa. Huli na nang maintindihan ni Gerald na kahit nagmamahalan ang dalawang tao, kailangan pa rin sa isang relasyon ang romance. Ngunit huli na ang lahat nang subukan niyang maging romantic sa taong minamahal niya. Meron siya ngayong pagkakataong bumalik sa dati, kaya gusto ni Gerald na gawin ang lahat para makabawi sa lahat ng ginawa niya. Gusto niyang ibigay kay Mila ang lahat ng romance sa mundo. Gagawin niya ang lahat para siya ang maging pinakamasayang babae sa planeta! Iyon ang pinapantasya niya, ngunit naisipan niyang huwag na munang bumalik sa campus. Alam din niyang makabubuting huwag na niya munang ligawan si Mila pagkatapos ng lahat ng nangyari. Nat
“Teka lang! Saan ka pupunta? Sa tingin mo ba isa itong lugar na pwede mo lang puntahan?!" sigaw ng isang security guard habang ang ilan pang mga guwardiya ay pinagbabantaan si Gerald gamit ang kanilang electric baton. Siyempre, agad na napatigil si Gerald nang subukan niyang pumasok sa villa at ang lahat ng mga guwardiya ay mukhang handa nang bugbugin si Gerald kung susubukan niyang pumasok. “…Hmm? Hubby, tingnan mo ‘yan! Sinusubukan ng nakakadiri na taong iyon na pumasok sa isang prestigious na lugar na gaya ng Wayfair Mountain Entertainment! Dapat talagang tingnan muna niyang mabuti ang kanyang sarili bago niya subukang gawin ang bagay na iyon!" kinutya ng isang babae na nakakulong na nakapatong ang kanyang kamay sa braso ng kanyang asawa. Makikita ang satirical na itsura sa kanilang mga mukha habang nakatingin sila sa kanya. Walang pakialam si Gerald sa kanila kahit pa narinig niya ang kanilang mga sinabi. Ito na ang oras para makipagkita siya kay Zack. Umatras lang si Geral
Gayunpaman, pilit na nakangiti lamang si Gerald. Lalo niyang naramdaman na siya ay masyadong bata at walang muwang noon. Nakita ni Xavia na parang walang pakialam ang itsura ni Gerald, kaya napatanong siya, "...Ano ang ibig mong sabihin, Gerald?" "Naiintindihan mo naman ang sinasabi ko!" sagot ni Gerald. "…Nakakaawa ka! Matagal ko nang gusto si Yuri! Alam mo naman na mahirap ka lang hindi ba?! Tanga lang ang magiging interesado sayo!" nakangusong sinabi ni Xavia. “Hindi mo rin ako masisisi na nagustuhan ko siya! Sisihin mo ang sarili mo sa pagiging isang disappointment at dahil hindi mo binibigay ang expectations ko! Alam mo, bukod sa nakabili ako ng mga branded handbag at cosmetics, binigyan pa ako ni Yuri ng access sa Wayfair Mountain Entertainment! Anong binigay mo sa akin? Wala kang binigay na kahit ano!" pasigaw na sinabi ni Xavia malamang sa sobrang kahihiyan. “…Sino ang lalaking ito, Yuri? Classmate mo ba siya?" tanong ng babae na kanina pa tahimik na nakatayo sa gilid
"…Ano? Sino ka?" sabi ng nagtatakang security guard. Hindi siya makapaniwala na ang binatang ito na kilala bilang isang mahirap ay maglalakas-loob na sabihin na siya si Mr. Crawford! Talagang hindi siya maniniwala kay Gerald base sa kanyang itsura, ngunit ang guwardiya ay nabigla nang makita niya ang hitsura sa mga mata ng binatang ito. Hindi niya talaga masyadong pinapansin si Gerald kanina, pero naramdaman niya ang mabagsik na aura sa lalaki nang tingnan niya ito sa kanyang mga mata. Kinilabutan ang guard at lalo siyang naniwala sa lalaking ito nang mapagtanto niya ang matinding lakas at aura ni Gerald. Maging si Xavia at ang iba ay nagulat sa sinabi ni Gerald. Maya-maya pa, bumalik sa katinuan ang isip ni Xavia bago siya tumawa at sinabing, “Tama ba ang narinig ko? Sino ka sabi mo? Haha!” Nabigla si Xavia dahil inakala niyang masasaktan si Gerald dahil sa katigasan niya, ngunit hindi niya inaasahan na magiging ganoon kahusay at kalakas si Gerald! Nakatutok pa rin ang a
Naisip noon ni Zack na medyo matagal bago masanay si Gerald sa transition ng kanyang buhay. Pagkatapos ng lahat, si Mr. Crawford ay lumaki sa kahirapan mula nang bata pa lamang siya! Dahil doon, inihanda ni Zack ang kanyang sarili na salubungin ng isang medyo mahiyain at honest na Mr. Crawford. Hindi niya inasahan na ang Mr. Crawford na makikilala niya ngayon ay matapang at malakas ang loob. Naramdaman niya rin ang malakas na aura ni Gerald mula nang makita niya ito kanina! Ang mga normal na taong titingin sa kanya ay mahihirapang huminga kapag nakita nila ang kanyang kakaiba na aura. “Tama ka. Isa pa, hindi mo lang ito bibilhin para sa akin pero kailangan kong utusan ka na kumuha ng isang engineering team para simulan ang paghuhukay ng Mountain Top ngayon din. Sabihin na nating may napakalaking bato sa loob na kapaki-pakinabang sa akin... Anuman, mayroon kang anim na araw para tapusin ang iyong gawain. May gusto ka pa bang itanong?" bilin ni Gerald. "...Wa-wala naman... gagawi