Nakaramdam ng pangangamba si Gerald nang makita ang text message.Ano kaya ang nangyari sa shantytown?Mukhang hindi pa bumabalik ang tito na tinatawag nila.Hindi pwede, kailangan niyang magmadaling bumalik para tingnan kung ano ang nangyari.Sa pagkakataong ito, inangat ni Gerald ang ulo niya para tingnan si Seth.“Seth, pwede mo ba akong tulungang pakinggan at tingnan kung may nangyayari sa shantytown na pinanggalingan ko?” tanong ni Gerald.Agad namang pumayag si Seth.Pagkatapos nito, lumuhod siya sa lupa para makinig.“Parang maraming tao ang pumunta doon. Maraming tao ang nagtitipon-tipon doon. Pero… hindi ko alam kung ano ang nangyayari!" Sabi ni Seth.Nakakunot ang noo ni Gerald habang iniisip niya ang sitwasyon.Masama ito!Ang mga ito ay mula siguro sa pamilyang Gunter!Si Felton ang nanakit kay Sierra at ang tito niya ang nanlaban at nagpalayas sa kanya.Kaya naman, hindi sila hahayaan ng pamilyang Gunter ng ganoon lang. Bukod dito, paniguradong malalaman nila
“Nandito ka pala, Gerald! Alam kong walang sinuman ang makakatago sa akin sa planetang ito! Parating tama ang aking hula!” sigaw ni Felton habang pilit na ngumiti. “Gerald! Bilisan mo at patayin mo ang lalaking ito! Siya ang humiwa ng braso ni Sierra, pero muntikan na niya akong patayin kung hindi ka dumating dito ng mas maaga!" sigaw ni Monica habang nakatitig kay Felton at unti-unting nalulusaw ang kanyang kaninang takot na nararamdaman. Dahan-dahang hinimas ang ulo ni Monica at tumingin si Gerald kay Felton bago siya nagsalita, “Hindi ko inasahan na magiging ganito ka ka-confident, Mr. Gunter. Bukod sa ‘judgement’ mo sa village na ito, ano pa ang iba mong alam?" “Oh? Nagtataka ka? Well, hula ko na mabubura ko ang lahat ng skill at lakas mo! Pagkatapos nito, ibabalik kita sa Gunter Manor para harapin ka ni lola! O baka gusto mo na ako ang papatay sayo?!" “Masyadong malakas ang loob mo, ayan ang masasabi ko. Masyado kang matapang kahit na wala ka pang magagawa!" “Anong masas
“Pagkakataon? Anong sinasabi mo diyan?" tanong ni Gerald habang nakatingin kay Felton, na nakahandusay pa rin sa lupa, bago siya pumalakpak. "Kung palalayain mo ako ngayon, sasabihin ko sa lola na huwag nang pahirapan ang mga nakatira sa shantytown na ito! Kung hindi mo ito gagawin, well... paniguradong ikaw ang magiging dahilan sa pagpatay ng lola ko sa lahat ng mga tao dito!" sagot ni Felton. “Hindi ako sigurado kung anong mga delusyon ang nasa utak mo, pero sinabi ko lang kay Leo na huwag kang patayin kaagad dahil kung mamamatay ka ng ganito ay mababawasan ang paghihirap ng lola mo! Walang kwenta kung mangyayari iyon!" nakangiting sinabi ni Gerald. Nang makita niya ang nakakatakot na ngiti ni Gerald, biglang nanigas ang buong katawan ni Felton at gayundin ang espiritu niya. Makalipas ang ilang segundo, nauutal siyang nagsalita, "...A-ano ba ang sinasabi mo...?" "Sasabihin ko pa lang sayo ngayon na pinag-isipan ko na kung paano haharapin ang problemang ito habang papunta ak
"Sa totoo lang, hindi ito masamang idea! Bukod pa dito, gusto kong magtanong saiyo ng ilang iba pang mga katanungan... Kung sasagutin mo ang mga ito ng matapat, baka magdalawang-isip pa akong hindi maglagay ng lason sa katawan mo!" ngumisi si Gerald. “P-pwede mo akong tanungin ng kahit ano! Nangangako ako na sasabihin ko ang totoo basta alam ko ang sagot sa mga ito! Pakiusap, huwag mo akong patayin…!” nakiusap si Felton dahil ang nasa isip niya na lang ngayon ay ang manatiling buhay. Kung tutuusin, hindi natatakot si Gerald kahit na ginamit niya ang kapangyarihan ng kanyang lola para pagbantaan siya! Takot na takot rin si Felton sa lason na nilagay sa kanya ni Gerald! Masyadong brutal at masama ang method na ginamit niya! Gusto na lang ni Felton na kainin na lang niya ng buhay si Gerald sa sandaling iyon at alam na alam niya kung sino ang mas makapangyarihan ngayon. Dahil dito, sinimulan niyang turuan si Gerald kung paano gamitin ang Dead Annie at ng Dead Annie Mother. Siniguro r
“Sumunod ka sakin! Ihahagis kita sa cellar!” sabi ni Leo sabay chuckle bago binuhat si Felton gamit ang isang kamay. Sa kanyang kasalukuyang estado, nadama ni Felton na siya ay walang iba kundi isang maliit na sisiw na hindi man lang nangahas na lumaban o magsalita. Tungkol naman sa panig ni Gerald, siniguro ni Suri na makontak si Rosie kapag sumapit ang tanghali, na sinasabi sa kanya na may gustong makipagkita sa kanya. Dahil sa sobrang tiwala ni Rosie kay Suri, pumayag siyang makipagkita kay Gerald sa kabila ng kanyang busy schedule. Dahil doon, dumiretso sina Gerald, Suri, at Seth sa kumpanya—sa Qerton City—kung saan kasalukuyang naroroon si Rosie. Nang makilala siya, naramdaman agad ni Gerald na napakalakas ng aura ni Rosie, gaya ng inaasahan niya sa kanya. Sa madaling salita, mayroon siyang perpektong katawan para sa babaeng nakaputi. Hindi alintana, habang nakatayo sa harapan niya ang tatlo, ang maputi at magandang babae—na mukhang dominanteng chairman sa edad na dala
“Hindi ko rin siya kilala. Meron akong iba pang mga bagay na dapat asikasuhin, Mr. Crawford. Mukhang hindi ako makakatulong sa kahilingan mo. Excuse me, kailangan kong alagaan ang nanay ko ngayon!" sabi ni Rosalie. Sa totoo lang, kung hindi lang si Suri ang naghatid kay Gerald ngayon, hindi na aaksayahin ni Rosie ang oras niya noong una pa lang! "Pag-isipan mo ang suggestion ko, Chairman Slow. Maganda ang terms na binigay ko at makakatanggap ka ng isang bundok ng pera na hindi pa nahahawakan ng maraming tao. Para maging sulit ang deal, gagamutin ko ang sakit ng nanay mo basta pumayag ka sa proposal ko!" sagot ni Gerald. “Tama, Chairman Slow! Kaya niyang gawin iyon!" dagdag ni Suri. Sa totoo lang, sinubukan ni Suri ang kanyang makakaya na irekomenda si Gerald kay Rosie dahil gusto niyang tulungan niya itong gamutin ang nanay ni Rosie. Kung tutuusin, alam ni Suri kung gaano kalala ang sakit ng nanay ni Chairman Slow para kay Rosie. Sigurado si Suri na makakatulong si Gerald dah
Nang makalapit si Hiro kay Gerald, itinaas lang ni Gerald ang kanyang braso at sinampal ang mukha ni Hiro gamit ang likod ng kanyang kamay. Hindi masyadong malakas ang pwersa na binigay ni Gerald, ngunit ginamit niya lamang ang inertia mula sa pagtaas ng kanyang braso para tamaan si Hiro kaya dalawang beses umikot sa ere si Hiro bago siya tuluyang lumapag sa ibabaw ng coffee table na tuluyan nang nabasag! Ang kanyang pisngi ay namamaga nang niluwa niya ang ilang sirang ngipin at hindi agad ito namalayan ni Hiro, kaya nagulat at natulala siya. Malakas pala ang taong ito?! Hindi man lang nakayanan ni Hiro ang biglaan at matinding suntok na iyon! Paano nangyari iyon?! Sa puntong ito, gulat na gulat si Titus sa kanyang nakita kaya napalunok na lamang siya habang umuurong. Kahit si Rosie ang kumikibot ang talukap ng kanyang mga mata nang makita niya ito. Kitang-kita niya ngayon ang kalakasan ni Gerald at nalampasan nito ang kanyang inaasahan. “…A-alam mo ba kung sino ako? Ako ang
Walang sinuman ang maniniwala sa pahayag ni Gerald kung hindi nila narinig ito sa sarili nilang mga tainga. Gayunpaman, narinig ni Rosie ang sinabi niya sa pagkakataong ito at alam din niya na ang espesyal na tseke ay totoo at naramdaman niya na si Gerald ay nagyayabang lamang. Hindi niya alam kung paano niya nakuha ang tsekeng iyon, pero nag-iisip si Rosie kung papayag ba siyang ibigay na lang ang pera kung isusulat niya ang five billion dollars sa tseke at alam niyang kaya niyang taasan pa ang halaga nito! Si Titus ay masyadong tulala para isara ang kanyang bibig ngayon! “Dalawang minuto na ang nakalipas. Naisip mo na ba ang halaga na gusto mong ilagay? Kung naisip mo na, ilagay mo na ang halagang iyon sa tseke,” sabi ni Gerald habang pilit na nakangiti. “...Ikaw ang nag-suggest nito, okay? Pwede kong isulat ang anumang halaga na gusto ko sa tseke na ito, tama? Hindi mo ito pwedeng bawiin?" reklamo ni Rosie sa sobrang inis. "Tulad ng sinabi ko, ilagay mo ang kahit anong h