Ang iyak ni Huxley ngayon ay mas malakas kaysa dati at sobra siyang natatakot tungkol sa magiging kapalaran niya at ng kanyang pamilya. Ang kanyang pamilya ay hindi ganoon kayaman noong una, at alam niyang hindi madali para sa kanyang mga magulang na magtrabaho nang husto at suportahan ang pamilya. Pero ito ngayon si Chairman Harell! Sinasabi niyang dalhin niya ang kanyang pamilya dito at lumuhod sa harapan ni Mr. Lavington! Nanginginig ang bata sa takot habang nanghihina ang buong pagkatao niya! “Aalis kayo? Sa tingin mo ba magiging madali para sayo na umalis ngayon? Malapit nang magsimula ang conference, kaya huwag mong sayangin ang oras ko. Sa ngayon, kailangan mong tawagan kaagad ang lahat ng mga head mula sa iyong school at gayundin ang lahat ng miyembro ng pamilya mo. Ang lakas ng loob na saktan ang pinsan ko... Tama lang na gawin ko ito dahil sa ginawa mo!" ngumisi si Dixon. Takot na takot ang ibang estudyante kaya wala ni isa sa kanila ang nangahas na huminga ng masyadong m
Pagkaraan ng ilang sandali ay nakarating na silang dalawa sa private room. Pagpasok sa loob, nakita nilang dalawa si Master Nacol na naka-dekwatro at nakapikit sa tabi ng insenso burner, mukhang nagme-meditate siya. Narinig niya ang mga yapak ni Jace at Gerald, kaya iminulat ni Master Nacol ang kanyang mga mata bago siya bumati, "Nandito ka na pala, Mr. Crawford!" Binati lang siya ni Gerald bago siya dumiretso sa kanyang mga katanungan. Binigyan ni Jacr si Master Nacol ng mabilisang rundown kung ano ang dahilan ng pakikipagkita sa kanya ni Gerald ngayon. Sa pagkakaintindi ni Master Nacol, gustong malaman ni Gerald kung nasaan ang Ancient City. Handang magbigay ng audience si Master Nacol kay Gerald, hindi lang dahil malaking donation ang binigay ni Gerald para sa kanyang conference sa pagkakataong ito, ngunit narinig din niya mula kay Jace na iniligtas ni Gerald ang buhay ng lahat ng mga nagkasakit na sanggol! Dahil doon, talagang tumaas ang paggalang niya kay Gerald. "Alam ko
Ang master ni Nacol ay desperadong sinubukan na ipagtanggol si Nacol noong panahong iyon, kahit na inutusan na siyang tumakas sa Gunter Manor para manghingi ng tulong! Sa puntong iyon, eighten na tao na ang napatay ng binata nang hindi man lang pinagpapawisan. Biglang natuklasan ni Nacol at ng kanyang master na marunong din pala siyang gumamit ng black magic! Ang kanyang magic ay nagmula sa isang kakaibang bulaklak na hawak niya sa kanyang kamay. Ilang sandali matapos tumakbo si Nacol, nakahabol sa kanya ang binata at kahit nilagay ang bulaklak sa kanyang dibdib! Pagkatapos ng pangyayari na iyon, naramdaman ni Nacol na parang hinihiwa ang kanyang kaluluwa at nakaramdam siya ng matinding pagkahilo. Gayunpaman, alam ni Nacol na hindi niya kayang payagan ang sarili niya na sumuko sa sandaling iyon. Kung tutuusin, hinihintay pa rin ng kanyang master ang iba pang miyembro ng pamilyang Gunter na dumating at iligtas siya. Dahil doon, ininda ni Nacol ang sakit at nagpatuloy sa paggapang
Sobrang naguluhan si Gerald nang marinig niya ang kwento ni Master Nacol.Gayunpaman, naramdaman niya na parang may isang boses na nagsasabi sa kanya na mayroong ilang nakatagong sikreto sa likod ng Dead Annie.Ngunit ayaw sabihin ni Gerald ang lahat ng pagdududa niya kay Master Nacol.Kung tutuusin, si Master Nacol ay isang napakasimple at pinong tao.Pinakawalan na ni Nacol ang lahat ng kanyang hinanakit lalo na't hindi na siya kasing bata tulad ng nakaraan. Nag-concentrate lang siya at nakatutok sa kanyang meditation ngayon.Hinangaan niya si Gerald nang iligtas niya ang higit sa isang daang buhay ng mga sanggol. Kaya sumasagot si Master Nacol tuwing nagtatanong si Gerald sa kanya.Sa huli, gumawa si Master Nacol ng special letter para personal na ipakilala si Gerald sa pamilyang Gunter!Makakatulong ito kay Gerald na hindi na mag-abala tungkol sa maraming bagay.Kahit pa madalas na makipag-ugnayan si Master Nacol sa pamilyang iyon, meron pa rin siyang relasyon sa pamilyang
Halos gumaling na ang mga sugat ni Chester.Kaya dinala ni Gerald si Chester at ang sulat nang sila ay umalis papunta sa Qerton City pagsapit ng hapon.“Dumidilim na. Tama lang ba na pumunta tayo sa bundok ngayon?" tanong ni Chester.“Maghahanap muna tayo ng hotel na matutuluyan ngayong gabi. Pupunta tayo sa bundok ng maaga bukas!" Sagot ni Gerald habang nakatingala sa langit.Nilibot rin niya ang buong paligid ng Qerton City.Ito ay isang mountain city na napapaligiran ng hindi mabilang na matataas na bundok.Naghanap si Chester ng hotel para sa kanila bago siya nag-book ng dalawang magkahiwalay na kwarto.Matapos ilagay ang mga bagahe sa kani-kanilang kwarto, lumabas na silang dalawa para kumain sa isang simple at maliit na restaurant.Umorder sila ng ilang local specialty dish at bumalik sa hotel pagkatapos nilang mabusog.Ngunit sa oras na ito, ang receptionist sa front desk ay biglang tumawag sa kanila.“Sirs! Sorry talaga!” Lumapit ang receptionist habang nakangiti."A
“Lumuhod ka at yumuko sa harap ni Miss Sime! Baka patatawarin ka ni Miss Sime kung siya matuwa siya sayo!" Malamig na sinabi ng bodyguard.“Kuya, dapat maging mapagpasensya ka kung kaya mong maging mapagpasensya. Hindi mo kailangang lumampas sa limitasyon mo. Hindi namin sinasadyang saktan ka sa anumang paraan!" Sabi ni Gerald.Pagkatapos nito ay naglakad siya at kinuha ang kanyang bagahe na hinagis ng bodyguard bago siya muling naghanda na umalis.“Pfft! Sinabi ko bang pinapayagan ka nang umalis?! Sino ba ang nagsabing wala siyang pakialam kung ako si Miss Sime o si Miss Some kanina lang? Dave, basagin mo ang ngipin ng taong ito!" Sabi ng babaeng umiinom ng tsaa habang nakatayo siya.Galit na galit si Chester sa sandaling ito at tanging galit na lang ang napigilan niya.Nang marinig ng isa sa mga bodyguard ang sinabi ni Miss Sime, sinipa niyang muli ang mga bagahe na kinuha ni Gerald."Kasalanan mo ito!" Sabay-sabay na sumigaw ang apat na bodyguard.Habang nagsasalita sila, nag
Kasama ni Aiden ang isang grupo ng mga lalaki at babae.Tumingin si Gerald sa kanila ng ilang beses dahil may mahinang inner-strength na bumabalot sa kanilang lahat.Masasabi niya na silang lahat ay martial arts practitioners.“Maaga akong dumating ngayon, Kuya! Bakit ka nandito? Nandito ka rin ba para mag-training?" Nagtatakang tinanong ni Aiden."Anong training?" tanong ni Gerald.“Ehem! Ugh!”Sa pagkakataong ito, may isang babae na nasa tabi ni Aiden ang umubo habang sumesenyas kay Aiden na huwag ituloy ang kanyang sasabihin.“Kuya ko ito. Mag-uusap lang kaming dalawa ng saglit. Mauna na kayo!" Sabi ni Aiden habang nakatingin sa kanila.Plano sana ni Gerald na tumango muna sa kanila bago sila batiin.Kung tutuusin, hindi ba sila kaibigan ni Aiden?Gayunpaman, wala ni isa sa kanila ang tumingin kay Gerald o nag-hello man lang sa kanya.Dire-diretso lang silang pumasok sa elevator."Sino sila? Sila ba ay mula sa military region?"Tanong ni Gerald nang makarating sila sa k
“Hoy! Aiden, nandito kami!"Hindi nagtagal, bumaba sina Gerald, Aiden, at Chester.Ilang babae din ang nakakita sa kanila at nagmamadali nilang binati si Aiden.Ang babaeng nagsasalita ang leader ng grupo na ito at ang pangalan niya ay Lijane. Parehong nagtapos sina Lijane at Aiden sa Sunnydale University.Pagkatapos ng graduation, bumalik si Lijane para magtrabaho sa kanyang hometown at ito ang Qerton City.Gayunpaman, lagi pa rin niyang kinokontak si Aiden.Mahuhusay ang mga grupo ng babaeng ito at pwede silang hatiin sa iba’t ibang ranggo o class.Si Lijane ay halos pumapangalawa lang sa grupo na ito.Ito ay dahil may isang babae na may napakahabang buhok sa gitna ng grupo ng mga babae. Napakaganda at maganda ang kanyang pangangatawan, matangkad siya at maganda ang kutis niya, ang kanyang makeup ay light lang rin.Sa tuwing ngumingiti siya, para bang bumabagal ang lahat ng mga gumagalaw sa paligid niya.Ilan sa mga lalaki na naghihintay ng bus sa bus stop sa tabi nila ay n