"...Chester, alam mo ba... Paano ka nabuhay muli...?" tanong ni Gerald habang dahan-dahan siyang lumapit sa kanya. Mukhang marami pang gustong sabihin si Chester kay Gerald. Mabagal at maingat na nagpaliwanag si Chester sa kanya, ngunit kahit papaano ay naiintindihan ni Gerald ang sinasabi ng kapatid. Noon, pagkatapos mailibing ni Gerald ang katawan ni Chester, muli itong hinukay ni Tiara at gumamit siya ng secret technique, na itinuro sa kanya ni Queena, para buhayin si Chester at gawin siyang killing machine! Ipinaliwanag rin ni Chester ang long-standing heritage ng Holy Witchcraft. Lumalabas na ang kaluluwa ni Queena ang nagtatag ng Holy Witchcraft, at bago siya namatay, gumawa siya ng mga special preparations para mabuhay muli siya makalipas ang daan-daang taon! Nang marinig ito, sa wakas ay naintindihan na ni Gerald ang lahat. Kaya pala natakot si Tiara nang matanggap niya ang sulat mula sa tauhan ni Queena sa harap ng mansyon noong araw na iyon! Ninuno niya pala si Queena
Sumagot si Jace nang makita niyang nakatingin sa kanya si Gerald, “Si Master Nacol ay nagtuturo ngayon sa Mayberry City. Kung gusto mo siyang makilala, pwede ko siyang ipakilala sayo. Siya ay isang matandang kaibigan ni Mr. Sawyer Wytt!” “Sige, walang problema! Aabalahin muna kita ngayon, Dr. Mab!" sabi ni Gerald sabay tango. Pagkatapos ng kanyang pangungusap, isang subordinate ang biglang tumakbo papunta sa kwarto ay sinabing, "Mr. Lyle! Mr. Crawford! Nahukay na namin ang karamihan sa bundok at nakakita kami ng isang makulay na bato doon!" "Isang makulay na bato?" gulat na sumagot si Gerald. Sa sandaling iyon, naramdaman ni Gerald ang napakalakas na aura ng lalaki na sumasabog mula sa loob ng kanyang katawan. "Paniguradong Zircobsite ito!" sobrang saya ni Gerald nang sabihin niya ito. Nahanap na niya sa wakas ang bato! “Zack, pakisabihan mo ang iyong mga tauhan na harangan ang mga surrounding areas palibot ng Mountain Top. Hindi pwedeng lumapit ang kahit sinuman dito!" uto
Hindi namalayan ni Gerald na umatras siya nang mapansin niya ang hindi kumikibo na tao na nakaupo sa sulok ng kweba. Pagkatapos ng maikling sandali, napagtanto ni Gerald na ang tao ay hindi gagalaw mula sa lugar na iyon. Sinuri niya ang taong iyon at nakahinga ng maluwag si Gerald nang makita niyang payapang nakapikit ang mga mata ng tao na iyon. Kahit sino ay mabibigla kapag nakita nila ang isang buhay na lalaki na nakaupo sa loob ng bundok ng mag-isa! Maingat siyang lumapit sa tao na iyon at nakita ni Gerald na ito pala ay isang matandang puti ang buhok at nakasuot siya ng robe. Ang kanyang mga mata ay nakapikit at ang kanyang kutis ay mamula-mula, ang matanda ay mukhang isang monk na nakatutok sa kanyang meditation. Lumapit siya para tingnan kung humihinga ang matanda at mabilis niyang napagtanto na hindi pala iyon ang totoo! Dahil doon, patuloy na lumapit si Gerald sa matanda para suriin niya ang kanyang katawan. Gayunpaman, nang mahawakan niya ang kamay nito, ang mukha ng
Masyadong malakas ang sandata ni Gerald, kaya talagang natakot ang siyam na tao hanggang sa tumakbo sila para iligtas ang kanilang buhay. Nang makatakas sila, naalala nila na hindi pa nakontrol ni Gerald nang maayos ang kapangyarihan ng jade pendant. Unti-unting binawi ng siyam na tao ang lakas nila nang naisipan nilang nakawin ang dagger ni Gerald bago nila ito dadakipin. Dahil doon, silang lahat ay nagsimulang maglakad patungo sa Mountain Top nang mabawi nila ang kanilang inner-strength. Gayunpaman, hindi inasahan ng dalawang magkalaban na makakasalubong nila ang bawat isa. Hindi maiiwasan na mag-away sila habang lumalakbay sila sa buong daan doon. “Malas ka dahil nagkasalubong tayo ngayon! Sinisiguro ko sayo ngayon na ako ang makakakuha kay Gerald at sa jade pendant na iyon!" Pagkatapos ng kanilang panandaliang pagtatalo, silang siyam ay mabilis na nakalampas sa restricted area sa Mountain Top. Natakot ang ilang sa mga bodyguard nang mapansin nila ang mabilis na pagpasok
Wala nang pakialam si Chester kung ano man ang mangyari ngayon. Bilang huling laban niya, itinaas niya ang kanyang braso para subukang kontrahin ang huling suntok ni Tiara! "Masyado mong pinahahalagahan ang abilities, bata!" ngumisi si Tiara habang naghahanda siyang gawing doble ang lakas ng suntok niya! Determinado siyang putulin ang lahat ng meridian sa katawan ni Chester para matapos na ang lahat! Nang magkasalubong ang kanilang mga kamao, isang malakas na pagsabog ang narinig! Hindi nakagalaw si Chester mula sa impact, ngunit iba ang nangyari para kay Tiara. Ang matandang babae ay bigla na lang lumipad paatras mula sa impact, sinira nito ang dose-dosenang makapal na puno nang bumangga ang kanyang katawan sa mga ito! Para siyang tinamaan ng malakas na tornado at naramdaman niya na parang nasira ang buong katawan niya mula sa epekto nito! Nag-iwan siya ng maraming dugo sa lapag nang sumuka siya dahil sumuka siya dahil sa lahat ng damage na natamo niya. Sa wakas ay huminto siy
“P-please, maawa ka sa akin, Mr. Crawford…!” takot na takot ang lalaki habang gumagapang pabalik bago siya lumuhod sa harap ni Gerald, habang nanginginig siya sa sobrang takot. Naramdaman ni Gerald na siya ay isang panibagong tao pagkatapos ng tatlong araw nang huli silang magkita! Masyado siyang malakas! May utak naman ang lalaki at niya na hindi niya dapat ipagpatuloy ang pakikipaglaban kapag masyadong malakas ang kanyang mga nilalabanan. Ang magagawa niya lang ngayon ay tumakas kung gusto niyang makalabas nang buhay! "K-kung hindi mo ako papatayin, may sasabihin akong ng isang malaking sikreto sayo, Mr. Crawford!" Nag-aalangan na sinabi ng lalaki habang humihinga siya ng malalim. Gayunpaman, itinaas lang ni Gerald ang kanyang paa at tinapakan ang ulo ng lalaki. Napalunok ang lalaki bago siya nagsalita muli, "S-Sasabihin ko sayo ang lahat ng nalalaman ko basta't ipapangako mo sa akin na hindi mo ako papatayin...!" Susubukan na sana ng lalaki na kunin ang sandata na nakata
Lumingon si Gerald kung sino iyon at nagulat siya nang makita niya na nandoon si Naomi. Ilang araw niya na rin itong hindi nakikita. "Anong ginagawa mo dito Naomi?" tanong ni Gerald. "Si Master Nacol ay nagbibigay ng lecture ngayon at ako ang in-charge sa participation ng pinakamahusay naming mga estudyante! Anong ginagawa mo dito? Interesado ka rin sa ganitong lecture?" sagot ni Naomi habang nakangiti siya kay Gerald. Isang magandang surpresa para kay Naomi kapag nakikita niya o nakakasalubong niya si Gerald. Sa katunayan, kapag hindi siya makatulog, gusto ni Naomi na tawagan si Gerald para malaman kung ano ang ginagawa niya at para kamustahin siya. Hindi siya updated sa buhay ni Gerald. Alam din ni Naomi na sinusubukan niya itong iwasan dahil ayaw niyang mahulog kay Gerald. Alam ni Gerald na may nararamdaman si Naomi para sa kanya. Kahit pa ganoon, alam din ni Naomi na tapat si Gerald kay Mila. Walang makahahadlang sa kanyang paghahanap sa kanya, at hindi niya maibabalik an
“Hin-Hindi ko ito sinasadya…!” sagot ng lalaking estudyante nang maramdaman niya ang mahapdi na sampal. Nakakakuha ng maraming atensyon ang babae at mabilis na nakaramdaman ng kahihiyan ang estudyante dahil napakaraming tao na ngayon ay nakatingin sa kanya. Alam ng estudyante na hindi niya pwedeng ma-provoke ang mga ganitong tao lalo na’t ang mga taong ito ay mayayaman. Dahil dito, nauutal siya sa matinding kahihiyan na nararamdaman niya. “‘Hindi mo ito sinasadya’?! Hindi mo ito sinasadya, pero basang-basa pa rin ang asawa ko sa alak, di ba?! Maliban na lang kung sasabihin mo na plano mong gawin ito!" angal ng asawa ng babae habang agad nitong sinipa ang bata sa tiyan! Sa isang sulyap, mapapansin ng lahat na ang kanyang asawa ay hindi ang tipo ng tao na pwedeng galitin. Dahil doon, nalulungkot ang lahat habang nakatingin sila sa bata na sinipa sa malayo. “Humph! Ang damit na ito ay nagkakahalaga ng mahigit sampung libong dolyar! Hindi ko na ito masuot ngayon! Mas mabuting bay