”Isang Jade na singsing!”“Napaka-filial mo naman Kenneth! Ang jade ring na ito ay nagkakahalaga ng higit sa ten o twelve thousand dollars! Tsk tsk tsk!”Hindi mapigilan ng lahat na mapahanga.Dahil talagang napaka-filial ng isang lalaki na bigyan ang lola ng kanyang girlfriend ng isang jade na sising para sa kanyang kaarawan."Okay, okay. Irene, bilisan mo at paupuin mo na si Kenneth!"Napakasaya ng kanyang lola nang matanggap ang singsing na hindi na niya napigilan na ngumiti. Hindi niya magawang ilapag ang singsing.Habang tinitignan niya si Kenneth, mas lalo niya iyong nagugustuhan.Kahit ang tatay ni Irene ay naging proud sa mga sandaling iyon.Sa katunayan, ang dahilan kung bakit nagtipon ang lahat dito ngayon ay upang ipagdiwang at batiin ang golden lady para sa kanyang kaarawan ay hindi lamang upang ipakitaang kanilang filial piety.Maliit na bagay lang ito.Ang malaking rason ay ang dahil hawak padin ng matandang ang ari-arian na naiwan ng mamamatay ang kanyang asawa
Nagsimulang mag usisa si Helen tungkol sa pagkakakilanlan ng boyfriend ng kanyang anak na babae ngunit tumanggi si Mila na ibunyag ang tungkol kay Gerald. Pasimple niyang sinabi sa kanila na maging matiyaga at sumunod na lang. Hindi maintindihan nina Gavin at Helen ang iniisip niya. "Ma, tingnan mo, nandito na si Mila!" Sa mismong sandaling iyon, maingat na kinuha ni Mila si Gerald sa tabi niya habang naglalakad sila sa gitna ng mga tao. Mas maaga sana sila doon kung hindi dahil kay Gerald na kailangang gumamit ng banyo. "Wow, pamangkin, si Mila ay talagang nagiging mas maganda!" “Tingnan mo! Boyfriend ba ang taong nakahawak sa kamay ni Mila?" "Sino ang lalaking ito? Kaninong anak siya? Bakit hindi ko pa narinig ang tungkol sa kanya?" "Talagang mapalad ang taong iyon!" Isang grupo ng mga kamag-anak at kaibigan ang tumuro kay Gerald. "Siya ito!" Nang makita ni Helen si Gerald, nanlaki ang mga mata niya sa hindi makapaniwala. Hindi nakakagulat na ang kanyang anak
"Hindi ako nagdala ng regalo." Hindi mapigilan ni Gerald na iharap ang kanyang nakalulungkot na ngiti. Plano na niya noong una na maghanda ng regalo para kay lola ngunit pinigilan siya ni Mila. Naramdaman niya na pareho silang maaaring magbigay sa kanyang lola ng isang regalo at natural na hahanapin niya mismo ang regalo. Samakatuwid ang dahilan na si Gerald ay walang dala ngayon ay dahil dumalo siya sa pagdiriwang ng birthday para mapaligaya ang lola ni Mila. Sino ang makakaalam na sadyang sasabihin ito ni Irene para pahirapan siya? "Ano? Hindi siya nagdala ng regalo? Akala ko ang boyfriend ni Mila ay magdadala din ng isang bagay na mahalaga para sa kasama niya!" "Hindi ba ang boyfriend ni Mila ay isang second generation rich kid din? Sa madaling salita, dapat ay marunong rin siya sa proper etiquette at may aayos dapat siyang asal. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakilala niya ang lola ni Mila, pero wala naman siyang dala na kahit ano?" "Tiyak na nagkukulang siya
Ang tsismis ay isang nakakatakot na bagay. Sa isang saglit, parang may hindi mabilang na kakaibang boses sa tainga ni Gerald. Ang lahat ay nakatingin ng masama kay Geral. "Okay! Ang batang ito ba ay nagsisinungaling sa ating Mila?" Mainitin ang ulo ni Rita. Agad siyang tumayo at tinaasan ng boses si Gerald. Ang mukha ng matandang ginang ay hindi maiwasan naging mataray sa puntong iyon. Tiningnan ni Irene si Kenneth bago niya inilabas ang isang sardonic na ngiti. Sobra siyang nasiyahan na nailabas niya ang lahat ng kanyang pagkamuhi at hinanakit! Humarap si Rita kay Mila at nagtanong: "Mila, hindi ba sinabi na bumili si Gerald ng isang BMW 7 Series? Naramdaman ko na na may hindi tama kanina. Maaari ka lang magmaneho dito si Gerald ngunit hindi niya ito ginawa. Hayaan mong tanungin kita, nakita mo na ba ang kanyang BMW?"Walang imik si Mila dahil hindi niya alam ang kanyang sasabihin. “BMW 7 Series? Rita, mayroon kaming kabuuan ng tatlong branches ng BMW sa buong Mayber
Habang nagsisimula nang mag-chat ang lahat, biglang nakatanggap ng tawag sa cellphone ni Rita. Nagliwanag ang mukha niya sa tuwa habang sumisigaw, “Ano, ate? Nakarating ka na sa airport? Hindi ba sinabi mo na hindi ka makakabalik para sa birthday ni lola? Ahh Sige! Sige! Sige! Pupunta ako at susunduin ka ngayon!" Binaba ni Rita ang tawag at sinabi, “Lola, darating ang kapatid ko. Bumalik siya mula sa M country at naghihintay na siya sa airport ngayon!" “Naku, ang batang yan, si Cara talaga... sige. Alam ko na talagang babalik siya...”Ngumiti ang matandang sinabi niya kaagad: "Mason… Mason, sunduin mo si Cara! Ikaw na lang mag-isa. Gusto kong manatili si Queenie dito at samahan ako.""Okay, lola!" Ngumiti si Mason habang kumakaway, hawak ang BMW sports car key sa kanyang kamay bago mabilis na nag-excuse. Pagkabigo ang makikita sa mukha ni Mila. Si Cara ay kapatid ni Rita. Mula pa noong pagkabata, laging may pinakamahusay na relasyon si Mila sa dalawang magkakapatid na ito
Nang maglakad si Gerald, nakatipon dito ang buong pamilyang Smith. Kasabay nito, ipinaliwanag ni Mason ang sitwasyon: "Dad, hindi ko talaga sinasadya. Ito ay kasalanan ng security guard na ito! Nakasalalay ako sa kanyang mga direksyon at sinabi niya sa akin na i-reverse ang kotse. Nabangga ko tuloy ang sasakyan!" "Ang kotseng ito ang pinakamahal na kotse na ginawa ng Lamborghini. Magkakakahalaga ng hindi bababa sa one hundred hanggang one hundred and twenty thousand dollars upang maayos ang mga pinsalang dulot ng aksidenteng ito. Dagdag pa, sira na ang mga ilaw sa harap ng sasakyan!" Ang ilan sa mga kamag-anak na alam ang kotseng ito ay hindi mapigilang sumigaw ng malakas. "Sinumang nagmamaneho ng kotseng ito ay tiyak na hindi lamang kahit sino. Sigurado na kayang bayaran natin ang presyong iyon para maayos ang mga pinsala. Ngunit pwede rin nating mabastos ang isang napakataas na pigura. Bukod dito, mukhang bago ang kotseng ito! " "Isipin mo na lang. Sa Mayberry City, sinong a
Pagkatapos magsalita, lumakad si Gerald patungo sa kontse upang tignan ito.Nagsisinungaling siya kung sasabihin niya na hindi siya namomroblema ng makita ang sasakyan niya na masira.Bukod pa dito, anong pa ang magagawa niya ngayon? Nangyari na ang nangyari. At saka kaarawan ng lola ni Mila ngayong araw.Kung magdedemanda siya na magbayad sila para sa natamong sira, ano nalang ang iisipin nila kay Mila?Maliban dito, sobrang nakakahiya iyon gawin.Dahil wala na siyang magawa, nanahimik nalang siya at kinimkim nalang ang sakit na kanyang naramdaman.At dahil dito, sinabihan nalang sila ni Gerald na ipagpatuloy kung ano man ang kanilang ginagawa. Siguro ay dadalhin niya nalang mamaya ang kanyang sasakyan sa 4S shop para ipagawa ang sira.“Sino ka ba sa tingin mo? Sa tingin mo ba magiging okay ang lahat dahil lang sinabi mo?”“Iisipin ng mga hindi nakakaalam na ikaw talaga si Mr. Crawford ng Mayberry Commercial Street. Pag-usapan nalang natin lahat ng ‘to kapag narating mo na an
Two million six hundred dollars!Anong klaseng estado ang meron siya?Imposible!Tumakbo si Irene patungo sa saksakyan bago niya buksan ang car driving permit ng walang paalam.“Snap!”Pagkakita na siya permit, napatigil si Irene at nabitawan niya ang car driving permit sa sahig.Laking gulat niya.“Kung ayaw mong tignan yung permit, edi ‘wag mong tignan. Kailangan ba talaga na ihagis sa sahig?”Napangiti nalang si Gerald sa mga nangyari.“Sadyang wala lang talagang alam o karansan ang ibang tao. Pati kaming mga magulang ni Mila. Wala kaming alam o karanasan sa mga bagay na ito. Gerald, bakit hindi mo ikwento sa akin kung paano mo nakilala ang anak namin na si Mila?”Agad na tumakbo si Helen para pulutin ang car driving permit bago niya ito tignan. Pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay ni Gerald agad-agad.Nagsimula siyang umasta na para bang hawak niya ang kamay ng sarili niyang anak.“Oh, auntie. Nagkakilala po kami ng nag-aaral kami magmaneho!”Sagot ni Gerald.“Hahah