Ganito na ang ugali niya noon pa man. Kung tutuusin, karaniwan para sa mga mag-aaral sa Mayberry University na makipag-date sa ibang mga mag-aaral doon, ngunit iba ito pagdating kay Yasmeen. Nakipag-date siya noon sa isang divorced na presidente ng isa sa mga kumpanya sa Mayberry. Dahil sa kanilang relasyon, naghanda ng fireworks ang president sa bawat sulok ng unibersidad sa kaarawan ni Yasmeen. Nang gabing iyon, ang buong unibersidad ay naiilawan ng magagandang fireworks at ito ang dahilan para humanga at mainggit sa kanya ang ibang mga babae. Gayunpaman, hindi iyon ang pinakanaalala ni Gerald sa nakaraang insidente. Ang pinakanaaalala niya sa pangyayaring iyon ay noong sinabihan siya ni Yasmeen na linisin ang lahat ng mga dumi mula sa paputok sa paligid ng university para sa halagang fifteen dollars. Malaki na ang halagang iyon para sa kanya noon. Nang makuha na niya ang pera, agad niyang nilibre si Xavia sa KFC. Naalala pa niya na nagdagdag pa siya ng seven dollars para magin
Kahit na medyo gabi na, nakita pa rin ni Gerald ang duguan na katawan ng middle-aged na lalaki na kasalukuyang tinutugis ng mahigit sampung mga tao na may hawak ng baril na nakasakay sa limang speedboat. Papunta rin sila sa direksyon ni Gerald.Mabilis na tumakbo ang mga taong nakakita sa kanila sa may dalampasigan, masyado silang abala na makatakas mula sa lugar na iyon na wala man lang nag-abala na tumawag sa pulis! Mabilis na nawalan ng mga tao ang kaninang buhay na buhay na dalampasigan, ngunit si Gerald ay nanatili pa rin doon. Sumimangot si Gerald nang makita niya ang mga humahabol. Kung tutuusin, medyo naiinis siya na pinutol ni Yasmeen ang kanyang train of thought kanina. Hindi nagtagal ay dumating sa pampang ang duguang middle-aged na lalaki. Nakita ng lalaki na wala na siyang matatakbuhay kaya tumakbo na lamang siya papunta kay Gerald, ang tanging taong nakikita niya! Kinaway niya ang kanyang mga kamay habang tumatakbo at sumisigaw, “I-ibigay mo sa akin ang cellphone mo!
Mapanuya na sumugod si Gerald sa kanila. Narinig ang mga tunog ng mga nabaling mga buto mula sa mga kalalakihan nang umatake siya. Ilang segundo lang ang lumipas nang mabali ang mga binti at kamay ng kaninang mga kalalakihan. Ang kanilang mga ngipin ay nabasag at mga paa'y nabali habang sila ay nakahiga sa lupa, silang lahat ay nanghihina dahil sa matinding sakit. Sa kabila ng nararamdaman nila, silang lahat ay nakatitig pa rin kay Gerald na parang nakatingin sila sa isang halimaw. 'Anong klaseng tao siya...? Paano natin makakalaban ang ganoong klase ng tao...?' Makikita kay Gerald ngayon na wala siyang pakialam sa mga taong nasa lupa. Pinapalakpak niya ang buhangin sa kanyang mga kamay at nagpatuloy siya sa kanyang paglalakad na parang walang nangyari. Bago pa siya makalayo, sinundan niya ng kaninang middle-aged na lalaki na puno ng dugo aang katawan, “Ma-maraming salamat sa pagligtas mo sa akin, mister! Ako ay isang lokal ng Halimark City at ang pangalan ko ay Wagner Yarne! A
Biglang huminto si Gerald sa kanyang paglalakad patungo sa gitna ng city. Lumingon siya at malamig niyang sinabi, “Hindi ko talaga sinasadyang iligtas ka, kaya tigilan mo na ang kakasunod sa akin. Mas mabuting umalis ka na habang maganda pa ang mood ko. Kung hindi, magiging katulad ka ng mga lalaking pinatumba ko kanina." Sabi niya kay Wagner. "Huwag kang magagalit, sir! Parang kamukha mo kasi ang isang tao na kilala ko! Ang taong iyon ay mahalaga sa pamilya ko, ang pamilyang Yarnes... Kaya gusto sana kitang makilala pa ng kaunti!” magalang na sumagot si Wagner. Bago pa man makapagsalita si Gerald, nagpaliwanag agad si Wagner, “Ganito kasi iyon, sir, ang pamilyang Yarne ay may taong hinihintay sa loob ng mahabang panahon. Sinasabi na darating ang taong iyon at ang pangangatawan at itsura mo ay pareho ng tinutukoy nila! Sabihin mo na na nakukulitan ka sa akin, pero sinusundan kita para sa isang dahilan!" “…Hmm? Naghihintay ng 'isang tao'?" Nakasimangot na sumagot si Gerald. “O
Sinundan ng tango ni Wagner ang kanyang mga sinasabi. Nang marinig iyon, dahan-dahang binuksan ni Gerald ang scroll. Totoo sa mga sinabi ni Wagner, ang scroll na ito ay nagsiwalat ng isang napakalinaw at makatotohanang larawan ng isang general. Ang general ay may hawak na mahabang espada at nakakatakot ang itsura niya. Kahit si Gerald ay natakot nang makita niya ang painting. Gayunpaman, hindi iyon ang nakakuha ng atensyon ni Gerald. Ang nakakuha ng interes niya ay ang katotohanan na kamukhang-kamukha ng deity sa eternal coffin ang general na ito, nangangahulugan na kamukha niya ang mga ito! At saka, ang espada sa kamay ng heneral ay ang Lightbane! Ang mahabang espada na laging dala-dala ni Gerald! “Siya yun!” sigaw ni Gerald habang kumukurap. “Kilala mo ba siya, sir? Ito ang dahilan kung bakit kita pinapunta dito! Ang pamilya ko ay naghihintay para sa isang taong kamukha ng nasa picture, at nandito ka na rin sa wakas!" Hindi rin alam ni Gerald kung paano sasagutin iyon.
Pinag-isipang mabuti ni Gerald ang dalawang pangungusap na ito. 'May isang isinilang muli sa langit sa tabi ng pulang spider lily...' At pagkatapos ay may ilang dragon na lilitaw malapit sa duguan na daan... …Teka lang. Duguan na daan? Crawford?! Sobrang namangha si Gerald sa realization na ito. Hindi talaga siya naniniwala noong una na may isang tao may kakayahan na lumampas sa lahat ng mga limitasyon at magiging isang eksperto sa pag-travel ng pabalik-balik sa pagitan ng sinauna at modernong panahon. Gayunpaman, kahit na ayaw niyang maniwala sa posibilidad na ito, ang lahat ng nahanap niya ay nagpapahiwatig lamang na ang lahat ng ito ay totoo. “Alam mo, naisip ng mga ninuno ko na kapag isinilang muli ang taong nasa painting na dadalhin niya ang apelyido na Crawford... Totoo na kamukha mo ang taong nasa portrait, pero ang apelyido mo ang kailangan kong malaman... Kung ito ay Crawford… ikaw na talaga ang hinihintay namin, sir!” sabi ni Wagner habang nakatingin kay Gerald. Napak
Gayunpaman, dahil maraming mga herb gatheres ang namamatay sa karagatan at mga bulubundukin, marami sa mga halamang ibinebenta doon ay may malabong pinagmulan. "Sabi nga naman nila, ang mga bukod tanging mga bagay ang may mataas na halaga. Malamang ay mahahanap mo ang herb na kailangan mo lalo na’t nagtitipon ang napakaraming mayayamang merchants at prestihiyosong tao ang pupunta sa Enchanted Feast para lamang sa pagkakataong makuha ang mga sinaunang halamang gamot, baka mahahanap mo ang herb na gusto mo doon,” sabi ni Wagner. Tumango lang si Gerald bilang sagot. “…Speaking of which, narinig ko na binanggit mo ang isang tao na nagngangalang Master Ghost kanina... Sinabi mo na nahulaan niyang darating ako, tama? Anong klaseng tao siya lalo na’t ganoo ang kanyang kakayahan…?" tanong ni Gerald nang maalala niya ang sinabi ni Wagner kanina. Hindi rin iyon ang unang beses na narinig ni Gerald ang pangalang iyon. Tinulungan din ni Master Ghost si Alice na makatakas sa kanyang problem
"Nagtataka ako kung sino ito… si Zoey Minshall pala..." kaswal na sinabi ni Wagner habang nakatingin siya kay Gerald. “Huwag kang magpalinlang sa kanyang magandang hitsura, Mr. Crawford... Si Zoey ang young lady ng pamilyang Minshall at kilala siya sa pagiging malupit at mabagsik... Alam mo, narinig ko na ang old master ng pamilyang Minshall ay may sakit at lumalala ito habang lumilipas ang taon... Hindi sikreto sa mga lokal ng Hailmark City na nag-hire siya ng maraming tao para i-refine ang isang partikular na pellet. Ito ang dahilan siguro kung bakit isinagawa ng pamilyang Minshall ang Enchanted Feast at inimbitahan ang maraming eksperto na dalhin dito ang mga valuable na mga halamang gamot. Sa malamang ay may hinahanap rin siyang medicinal herb!" dagdag ni Wagner. "Mukhang hindi maganda ang relasyon mo sa pamilyang Minshall. Sila ba ang pinakamakapangyarihang pamilya sa Halimark City?" tanong ni Gerald habang nakatingin siya kay Wagner. Tumango sa awkward na pamamaraan si Wagn