Tumigil si Amy sa pamimintas sa kanya, siguro dahil masyado nang late. “Masanay ka na lang sa working environment for today. Magtatrabaho ka para sa akin. Handa na ang iyong desk sa opisina. Nasa likod ito, sa left side."Lumingon si Tiffany sa gilid para tingnan ang tinutukoy niya. Nagulat siya at naisip kung bakit bibigyan ng sariling opisina ang isang supervisor? At nasa tapat din ito ng kwarto mula sa opisina ni Amy. Nasa tapat ng office desk niya si Amy at ganoon din ang interior. May mataas bang posisyon ang mga supervisor sa subsidiary company?"Hindi ka nandito para maging isang supervisor, ikaw ang assistant director," paliwanag ni Amy nang makita niya ang pagkalito kay Tiffany. “Alam ko na kulang ka sa experience, kaya tutulungan kita bilang isang mentor. Nilinaw iyon ni Mrs. West.”Assistant director? Hindi ba dapat siya ay isang supervisor? Nagpanic si Tiffany sa sandaling iyon. Kung nalaman ni Jackson na naging assistant director siya sa kanyang subsidiary company, mala
Tumingala si Tiffany sa kisame at mahinahong sumagot, “Pasensya na at na-disappoint kita. Kasalanan ko kung bakit nangyari ito... Hindi ito kasalanan ni Jackson." Kung mas maaga lang sana niyang pinuntahan si Jackson, hindi na sana nagkaroon ng pagkakataon si Tanya na gawin ito. Ilang beses na niyang sinumpa ang kanyang sarili dahil dito. Sa kasamaang palad, nangyari na ito, kaya ano pa ba ang magagawa niya?Hindi si Summer ang tipo ng tao na gagawa ng mga malalang bagay. Sinabi niya ito dahil alam niyang alam na ito ni Tiffany. Hindi siya magpapanggap na wala siyang alam dahil ayaw niyang maramdaman na wala siyang kinalaman dito. "Tapusin na natin ang usapan. Magpahinga ka ng maayos at galingan mo sa trabaho. Tawagan mo ako kung may problema ka. Tinuturing na kita bilang isang anak. Kung sasampalin ko man ikaw o si Jackson, sasampalin ko si Jackson. Goodnight."Nag-message si Tiffany kay Arianne pagkatapos ng tawag para sabihin sa kanya na nakarating na siya ng ligtas. Pagod na pago
Ngumiti ang abogado. "Kakaiba ang paraan mo para makakuha ng pera, medyo feisty. Mukhang hindi mo pipirmahan ang kontratang ito. Ipapaalam ko na sayo ngayon ang follow-up expenses para sa pangangalaga ng bata. Una, kailangan mong patunayan na si Mr. West talaga ang ama ng iyong sanggol. Pagkatapos, kailangan mong mag-apply ng appeal para sa childcare expenses. Kung hindi pumayag si Mr. West, hahaba pa ang proseso ng procedure. Babae ka, mag-isa, at wala kang pera. Kaya mo bang ituloy ang pagbubuntis na ito? Pag-isipan mo ito ng mabuti. Aalis na ako."Hinagis ni Tanya ang tasa na nasa coffee table sa lupa habang pinagmamasdan niyang umalis ang abogado. Desidido siyang ipanganak ang sanggol na ito, kahit na wala siyang matanggap na kahit ano sa huli. Kahit pa mag-isa siya, wala siyang dapat ipag-alala. Hangga't nabubuhay ang batang ito... Hangga't sabihin niya na anak ito ni Jackson West, ito ang magiging pasakit kay Tiffany Lane. Kung hindi niya makukuha si Jackson West, hindi rin siya
Dumating si Summer sa condo. Hindi niya pinakita ang pagiging kalmado niya nang dumating siya doon. Kumatok siya sa pinto hanggang buksan ito ni Tanya at pagkatapos ay bumunot kaagad ng $30,000 na cash. “$30,000. Bilangin mo ang pera. Ito ay sapat na para ipalaglag ang bata at lahat ng nutrition na kakailanganin mo pagkatapos nito."Tinitigan ni Tanya ang nakatambak na pera sa mesa at naramdaman niyang nabawasan ang kanyang dignidad. "Mahilig talaga gumamit ng pera ang mga mayayaman bilang isang insulto sa iba. Mahirap ako, pero nasa akin pa rin ang aking dignidad.”"Oh talaga?" Napangiti si Summer. “Nasaan ang dignidad mo? Bakit hindi ko ito makita? Ang isang babae na may tunay na dignidad ay hindi kailanman bibisita sa bahay ng isang lalaki sa gabi. Hindi niya kailanman sasamantalahin ang iba at hindi niya i-blackmail ang iba para sa child care expenses pagkatapos mabuntis ng isang bastard. Kung ako sayo, ang bagay na ito ay isang aksidente lamang at ipapalaglag ko ang sanggol nang
"Hindi ko ito pipirmahan!" Hindi nagbago ang desisyon ni Tanya. “Sige, pilitin mo ako kung kaya mo. Hinahamon kita!"Itinuro ni Summer ang kanyang daliri sa kanya at galit nagalit na sinabi, “Nakakahiya na naging mabait sayo sina Tiffie at Jackson. Naawa sila sayo dahil wala kang kasama. Paano ito naiiba sa pagpapasok ng ahas sa bahay? Ang mga taong tulad mo ay nararapat na magkaroon ng miserableng buhay! Dinala mo ito sa sarili mo! Ang pamilya ni Tiffie ngayon ay hindi rin itinuturing na angkop para sa pamilyang West. Gusto ko si Tiffany dahil iba siya sayo. Mayroong pagkakaiba sa pagitan ng material poverty at mental poverty. Naiintindihan mo ba ako?"Ito na ba ang kanyang kapalaran? Tumagos sa puso ni Tanya ang mga sinabi ni Summer. Tumayo siya at hinampas ang kamay ni Summer. "Hindi mo kailangang magdesisyon kung ano ang magiging takbo ng buhay ko!""Ang kapal ng mukha mo para ilagay ang kamay mo sa akin!" Nagulat si Summer sa sinabi ni Tanya.“Labas! Labas!" hinihingal na sumi
Hindi siya ang may kasalanan dito, pero siya ang sinisisi. Para saan ang ginagawa nila? Walang maidudulot na kabutihan pagsisisi sa mga pagkakamali na hindi niya ginawa! Bakit kailangang banggitin ni Summer ang mga masasakit na alaala na ito?!Nang makabalik sa katinuan ang isip ni Tanya, pinakawalan niya ang kanyang pagkakahawak sa leeg ni Summer at umiiyak, “Oh my god… Jusko! Pasensya na talaga! Pasensya na at hindi ko ito sinasadya. Sorry! Huwag mo akong awayin dahil dito... Huwag mo nang banggitin sa akin ang mga salitang iyon…”Hinawakan ni Summer ang kanyang sariling leeg bago niya itinulak ang babae palayo sa kanya. “Ehem… Sinusubukan mo akong patayin! Ehem, ehem... Ikaw... Baliw kang babae ka!" sigaw ni Summer habang umuubo siya.Tumulo ang luha ni Tanya habang paulit-ulit siyang umiiling. “H-Hindi! Hindi ko ito ginawa! Hindi ko... hindi ko ito sinasadya. Ayaw kong patayin ka... I’m sorry, Pa-..”Ang sobrang flip-flop sa kilos ni Tanya ay nagpahiya kay Summer. Isa ba iyon p
Ang kalampag sa pinto ay nag-udyok kay Tanya na gumulong mula sa kanyang kama at mabilis na tumungo dito. Masyado siyang pagod para isipin kung sino ang kanyang bisita.Binuksan niya ang pinto at nakita niyang galit na galit si Jackson, hindi niya alam kung paano magre-react.Hinanap siya ng lalaking gustong umiwas sa kanya.“Kung gusto mong manakit ng tao, gawin mo ito sa akin! Huwag mong saktan ang nanay ko!" Nagalit si Jackson habang mahigpit na nakasara ang kanyang mga kamao. Wala sa kanyang ugali ang manakit ng mga babae, kaya kahit na sa sobrang galit ay pinigilan niya ang kanyang sarili na kumilos ng padalus-dalos.Naintindihan agad ni Tanya kung ano ang nangyayari. Napayuko siya sa hiya nang maalala niya ang nangyari kanina."Hindi ko ito sinasadya," bulong niya. “Alam kong hindi mahalaga ang masasakit na sinabi ng nanay mo. Hindi dapat ako nawalan ng kontrol sa mga emosyon ko... I'm sorry. Kung kailangan niya ng tulong sa medical bills, magbabayad ako. Ang hinihiling ko l
Isinara ni Tanya ang pinto at sinimulang ikwento ang kanyang nakaraan nang walang pag-aalinlangan. "Bata pa lang ako, mga apat na taong gulang, noong sinabi ng mga tao na may pinatay na isang lalaki ang tatay ko."“Mula noon, wala na si papa sa buhay ko. Iniwan ako ni mama. Wala na akong ibang kasama kundi ang lolo ko. Tuwang-tuwa ang mga tao sa paligid ko na ako ay anak ng mamamatay-tao sa tuwing nakikita nila ako. Sinabi nila sa kanilang mga anak na huwag sumama sa akin para maglaro at sa hindi mabilang na beses... binugbog nila ako. Tinatrato nila ako na parang... parang basura. Natakot si Lolo na baka mapahamak ako ng lahat ng taong iyob, kaya isinakripisyo niya ang lahat ng naipon niyang pera at nilayo niya ako sa birthplace ko at umupa kami isang bahay sa city."Ako ay eight years old noon, pero hindi pa rin nawawala ang trauma na makita ako bilang isang anak ng mamamatay-tao. Hindi ako makalaya. Sinubukan kong maging mabuti. Sinusunod ko ang payo ng aking lolo. Nginitian ko a