Habang paalis na si Tiffany, ang tingin niya ay napunta kay Ethan na muling buksan ang kanyang computer. Hindi man lang siya nag-abalang tumingin sa kanya o ihatid siya sa pintuan. Huminga siya ng malalim pagkatapos ay isinara niya ang pinto. Hindi ito ang unang pagkakataon na nakaramdam siya ng pagod. Sa oras na ito, ang pakiramdam na ito ay mas malakas kaysa sa dati… Sa Tremont Estate, si Arianne ay walang alam sa anumang nangyari kay Tiffany. Dumiretso siya pabalik sa art studio pagkatapos bumili ng mga gamit. Naglinis lang siya at bumaba nang tinawag siya ni Mary para maghapunan.Napagtanto niya na sa tuwing tatawagin siya ni Mary na "Madam", nangangahulugan ito na si Mark ay nasa bahay. Tulad ng inaasahan, natagpuan niya si Mark na nakaupo sa sofa, binubuklat ang isang magazine nang siya ay dumating sa baba. "Oras na para kumain ng hapunan," paalala ni Arianne sa kanya. Isinara ni Mark ang kanyang magazine at naglakad papunta sa silid-kainan. Hindi siya nagpakita n
Ang puso ni Arianne ay kusang sumabog. Ang amoy ng katawan ni Mark Tremont ay naamoy niya sa kanyang bawat paghinga niya. May matamis itong amoy na may mga pahiwatig ng kanyang natatanging amoy ng lalaki, kahalo nito ang amoy ng alak. Bumilis ang kanyang paghinga dahil dito. Inilabas ni Mark ang kanyang bahagyang mamasa-masang katawan, sariwa mula sa shower, palapit sa kay Arianne. Pagkatapos, iniunat niya ang kanyang braso at ibinalot sa bewang ni Arianne. Naging magulo ang paghinga ni Arianne. Napagtanto ni Mark na hindi siya natutulog, kaya tumalikod siya at lumapit sa kanya. Pagkatapos, lumapit si Mark sa kanyang malambot na labi... Naalala ni Arianne ang sakit mula noong isang gabi, at ang amoy ng alak sa kanya ay lalong sumindak sa kanya. Dinikit niya ang mga kamay niya sa dibdib ni Mark Tremont. "Lasing ka…!" Hinawakan ni Mark ang balikat ni Arianne at sumagot sa malalim at husky niyang boses. "Gampanan mo ang mga tungkulin mo bilang isang asawa!" Wala na siyang sina
Hindi siya masyadong nagsalita, alam na gusto ni Mark Tremont ng kapayapaan at tahimik kapag kumakain. Ang pakikipag usap sa hapag kainan ay mga ingay na pumatay sa mood niya. Ten o'clock na ng umaga, naihatid na ni Brian ang kanyang pormal na damit, takong, at alahas. Nagmadali si Arianne sa taas para magbihis. Sinubukan niyang i-style pataas ang kanyang buhok sa kauna-unahang pagkakataon. Nagmukha siyang mas mature dahil dito; ang kanyang mga style ay palaging tila inosente at simple.Ang pormal na damit ay sakto sa katawan niya. Ito ay isang tube dress na hindi niya tipo. Puti ang kulay nito, pero hindi masyadong masakit sa mata. Ang hemline ng damit ang umabot sa kalahati ng kanyang takong. Ipinaalala sa kanya ni Mark na ito ay isang outdoors na venue para makapag suot din siya ng isang makapal na jacket. Malamig pa rin ang panahon kahit na hindi na bumabagsak ang snow sa nakalipas na ilang araw. Nang sumilip siya sa salamin, napagtanto niya na ang kanyang leeg ay nagpakit
Hinawakan ni Tiffany ang kamay niya. "Halika, lumayo tayo sa lugar na ito!" Hindi siya maintindihan ni Arianne. "Kailangan mong ipaliwanag sa akin ang nangyayari.. Hindi ako pwedeng umalis. Magagalit si Mark kung mawala ako… ” "Wala man lang siyang pakialam kung mabuhay ka o mamamatay. Bakit may pakialam ka pa kung magalit siya? Nakikita ko ang pagkatao niya. Hindi ka niya mahal, pinapahirapan ka niya! Gusto niyang kunin ang buhay mo!" Malapit nang magwala si Tiffany. Ang kanyang ekspresyon ay isang kakila-kilabot. Walang masabi si Arianne sa kanyang reaksyon. "Tiffie ... Ano ang pinagsasabi mo?" Si Tiffany ngayon ay nabulabog at nababalisa. "Alam mo ba kung kaninong engagement partt ito? Kay Will Sivan! Ayokong sabihin sayo. Nalaman ko ito nang makausap ko si Will kahapon. Paanong hindi ito alam ni Mark? Alam niya na kung anong nangyayari nang dalhin ka niya dito. Gusto ka ba niyang makita na nasasaktan? O para galitin si Will? Hindi ko alam kung mahal mo ba si Will o hindi, p
Napigilan ni Arianne ang luha niya at nakangiti pa rin siya. Natatakot siya na ang kanyang luha ay maaaring magdala ng masamang kapalaran sa engagement party ni Will. Samakatuwid, sinubukan niya ang kanyang makakaya para ngumiti ... Kahit papaano ay napakaganda ng fiancée ni Will Sivan. Siya ay isang naaangkop na tugma para sa pamilyang Sivan. Inaasahan niyang magkaroon siya ng masayang buhay. May puwersa na naglapit sa kanilang dalawa at ang titig ni Will ay sumalubong sa mga mata ni Arianne. Agad na nawala ang ngiti niya. Ang bituin na kumislap sa kanyang mga mata ay agad na sinalanta ng kalungkutan. Dalawang segundo silang nagtitigan bago nagmadaling tumingin si Arianne sa ibang lugar. Wala siyang lakas ng loob na tingnan siya sa mata. "Ari," galit na ngumisi si Tiffany, "Hindi ko alam kung nagkamali ako, pero ang wedding gown na suot ng fiancée ni Will… ay isa sa mga disenyo mo. Si Mark Tremont ay… masyadong malupit! ” Sa wakas ay napansin ito ni Arianne nag ituro ito ni Ti
Si Mark ay kalmado, ngunit si Jackson ay nabulabog. Hinila niya palayo si Tiffany. "Mabuti pang manahimik ka, bata. Wala itong kinalaman sayo. Tara na!" Kahit na sinubukan ni Tiffany na pumiglas sa pagkakahawak ni Jackson, hinila pa rin siya ng malakas nga lalaking ito. Ang presyong kailangan niyang bayaran para sa paggawa nito ay ang kagat ni Tiffany sa kanyang pulso na may tumutulong dugo. Parehas siyang nagalit at sabay na nalibang dahil dito. “Ano ka ba? Aso? " Masama ang tingin ni Tiffany sa kanya. "Hindi ako aso, pero okay lang na maging aso ako tuwing nakikita kita. Bastard ka tulad ni Mark Tremont!" Nasaktan si Jackson sa sinabi ni Tiffany pero hindi niya maipagtanggol ang kanyang sarili. "Sige, sige. Pwede mong isipin ito, kung ito ang nagpapasaya sayo." Hindi nagpakita ng kasiyahan o galit si Arianne kay Mark. Hinawakan niya lamang ng kusa ang braso nito. “Gusto ko nang umuwi. Sabay ba tayong aalis? O baka pwede na akong mauna at ikaw ay maiiwan dito kasama ni Aery?"
Binigyan ni Tiffany si Arianne ng isang address, at mabilis niyang pinalitan ang kanyang damit sa itaas. Nang malapit na siyang umalis, tumabi sa kanya si Butler Henry. "Madam, bilin ni sir na 'wag kang umalis hanggang sa makabalik siya." Kinagat ni Arianne ang labi niya at matigas na nanatili sa kinatatayuan niy. Siya ang asawa ni Mark Tremont, hindi isang ibon sa isang hawla. May karapatan siyang pumunta at makipagkita sa sinumang gusto niya. Hindi dapat ipagkait sa kanya ang kanyang kalayaan! "Uncle Henry, lalabas lang ako para makipagkita sa ang isang babaeng kaibigan. Babalik ako agad, 'wag mong sabihin kay Mark. Kahit na malaman niya, ako mismo ang magdadala ng parusa niya," nagmamakaawa niyang sinabi. Bahagyang nag-alangan si Uncle Henry. Binantayan niya sila Arianne at Mark mula noong mga bata pa sila. Minsan, mas mabuti para sa kanya na hindi gaano maging mahigpit sa kanya. "Kung ganon... bumalik ka sa lalong madaling panahon. Kapag tumawag si Sir para magtanong mamaya,
Nahulaan ni Arianne na si Mark ay sumugod sa bahay dahil siya ay lumabas ng bahay hanggang umabot sa umabot ng hatinggabi. Inayos niya ang kanyang damit at humakbang papasok, naghanda siyang sumugod sa baguio. Nang siya ay pumasok, hindi pa nagpapahinga ang mga katulong sa bahay sa Tremont Estate. Si Butler Henry, Mary, at ang iba pang mga tagapaglingkod ay pawang nakatayo sa isang linya sa sala. Tumingin si Butler Henry kay Arianne, saka bumuntong hininga at walang sinabi. Huminga siya ng malalim at sinabi, "Mabuti na ako ang magpaliwanag sa kanya." "Si Sir ay bad mood ngayon dahil nakainom siya. Mas mainam kung magdahan-dahan ka lang…" Binalaan siya ni Mary. Ngumiti si Arianne at umakyat na. Ang pintuan ng kwarto ay nakabukas. Si Mark Tremont ay nakaupo sa upuan sa harap ng French Window na may nakailaw na sigarilyo sa pagitan ng kanyang mga daliri. Binalot ng usok ang kwarto, at ang katawan ni Mark Tremont ay bahagyang malabo. Nakasuot pa rin siya ng suit, na nangang