Nang umuwi si Mark para sa tanghalian, nagsimula si Arianne ng isang interogation sa harap ng hapag kainan. "Mark, ilan na naging girlfriend mo?"Hindi inasahan ni Mark ang katanungan na ito. Nanatili siyang walang emosyon habang nagtatanong si Mark, "Bakit mo tinatanong?"Tumaas ang isang kilay ni Arianne. "Wala. Curious lang. Ayaw mo na akong magtanong, huh? O baka bawal pakialaman ang nakaraan mo?"Hindi niya ito sinagot ng diretso. Sa halip, nagtanong rin siya, "Naging saksi ka sa bawat sandali ng buhay mula noong eighteen years old ako. Kailangan mo pa bang magtanong?"Biglang nairita si Arianne. “Ito lang naman ang katanungan ko; ilan ang naging girlfriend mo? Bakit ka lumihis sa pinag-uusapan natin?" sagot niya bago niya kinagat ang kanyang mga labi.Nagdilim ang mga mata ni Mark. Ngayon niya lang ba nakita si Arianne na magalit dahil nagtatampo ito sa kanya? Masyadong cute ito -Pilit niyang pinigilan ang kanyang sarili na halikan ang labi ni Arianne habang nagpapanggap s
Ibinaba niya ang kanyang kutsilyo at tinidor at tumingin kay Arianne. "Hayaan mong ipaliwanag ko ito sayo. Ganyan ang pananaw ko noon; Wala akong planong magtiwala sa ibang babae. Syempre, bata pa lang ang tingin ko sayo. Ikaw ay kakaiba at magandang bata... Habang unti-unti kang tumatanda, bigla kong na-realize na nagbago ang nararamdaman ko para sayo. Isang araw, bigla akong nagkaroon ng idea. Kung pinalaki kita nang mag-isa, magiging masunurin ka at hindi magtataksil sa akin. Mula sa araw na iyon, hinintay ko ang araw na magiging isang adult ka. Pero minalas ako dahil… nagmahal ka ng iba. Paano matitiis ng isang tulad ko na kunin ng ibang tao ang nararapat na maging akin? Para naman sa nangyari kay Will... Hindi mo naman na ako kinasusuklaman, di ba? Wala namang problema kung kinamumuhian mo ako. Hindi na mahalaga kung hindi mo ako kayang mahalin ng lubusan. Sasabihin ko na lang ulit sayo na wala akong kakaibang kinks. Ang unang pagkakataon na nagkaroon ako ng damdamin para sayo ay
Kaswal na umupo si Tiffany sa tabi niya. "Mga empleyado kami. Masyado kaming abala na kumita ng pera para maitaguyod ang mga pamilya namin. Hindi kami katulad mo na nakahiga sa bahay kasama ang isang taong kayang bayaran ang lahat para sayo. Wala naman tayong choice, di ba? Kung gusto mong makasama kita araw-araw, sabihin kay Mark na bayaran ako para serbisyo ko sa pakikipagdaldalan sayo, at sasamahan kita 24/7. Makikipagdaldalan ako hanggang sa mapagod ka sa kakadaldal sa akin! Actually, nag-binge-watch ako kagabi dahil Friday nga naman. Halos hindi ako nagising kagabi. Patawarin mo sana ako, bestfriend!"Ngumuso si Arianne. “Gusto kong bayaran ka bilang personal companion... at ikaw ang magma-maneho para sa akin. Hindi pa rin naman pupunta kahit pa ganoon. Kumusta nga pala si Eric? Naka-adapt ka na ba sa working environment?"Napatingin si Tiffany kay Tanya. “Siyempre, nasanay agad ako lalo na't kasama ko si Tanya. Kahit na kaibigan ko ang boss ko, parang isang isda pa rin ako sa
Nag-alala si Mary nang makita niya si Arianne na tumatawa nang walang ingat. “Ari, huminahon ka. Tawa ka ng tawa at nanginginig na ang tiyan mo. Mag-ingat ka…"Pinilit ni Arianne ang kanyang sarili na tumigil kakatawa. “Okay, okay. Pipigilan ko nang tumawa... Nawalan lang ako ng control... Mary, pwede mo ba kaming dalhan ng meryenda at inumin?"Pagpasok ni Mary sa kusina, inilabas ni Tiffany ang kanyang cell phone at tumingin sa isang food delivery app. “Ang tagal ko nang hindi nakakakain ng fried chicken. Parang gusto ko. Pwede ka bang kumain ng fried chicken, Ari? Okay lang naman kung kakain ka ng kaunti, di ba?"Nag-alinlangan si Arianne bago siya umiling, “Sa tingin ko hindi dapat ako kumain nito. Gusto kong kainin ito pero kailangan kong kontrolin ang sarili ko... Umorder ka na lang ng kahit anong gusto mo.""Hindi rin ako kakain," sabi ni Tanya. “Mag-order na lang kayo ng gusto niyo. Tataba ako kapag nasobrahan ako ng kinain.""Tsk tsk tsk, nagsisimula nang magkaroon ng love
Pinilit ni Mark na pakalmahin ang kanyang sarili. "Hindi iyon ang ibig kong sabihin... Inakala ko lang na natumba siya o ano… Hindi ito magiging malala ng ganito kung walang masamang nangyari."Kinausap sila ng doktor pagkatapos ng examination kay Arianne, “May mga nakita akong signs ng premature labor. Kailangan mong mag-ingat mula ngayon. Inaasahan ito para sa kondisyon mo at may mga mapanganib na bagay sa pagpapanatili ng batang ito. Kailangan niyang manatili sa ospital sa ngayon para ma-protektahan ang fetus. Kailangan natin siyang obserbahan. Worst case scenario, kakailanganin niyang manatili sa ospital hanggang sa manganak siya. Napakataas ng posibilidad ng isang premature labor, pero mataas rin ang posibilidad na mabuhay ito hangga't nabubuhay ang sanggol hanggang sa seventh month nito. Hindi niyo kailangang mag-alala ng sobra. Syempre, mas maganda kung mapapanatili nating buhay ang fetus sa sinapupunan."Naghanda na si Mark para dito kaya medyo kalmado siya. "Sige, ako nang b
Binuksan niya ang pinto habang hawak ang alahas ni Summer. Nang makita niya si Jackson, bigla niyang ipinakita ang manhid niyang mukha. "Mukhang good mood ka ngayon, ginagawa mo ang mga gawain para sa nanay mo?"Itinaas niya ang kanyang baba at tinitigan ng maigi si Tiffany. "May freetime ako ngayon. Problema ba iyon?”Ibinigay nito sa kanya ang jewelry box. "Ito na."Itinaas ni Jackson ang kanyang kilay. “Hindi mo ba ako iimbitahan sa loob? Natatakot ka ba na malaman kong ginawa mong pugad ng aso ang bahay ko?"Naging matagumpay siya na galitin si Tiffany, “Gusto mo bang sampalin kita, Jackson West? Gusto mo?”Narinig ni Tanya ang kaguluhan at inilabas ang kanyang ulo sa kwarto. "Sino yun, Tiffie?""Ex ko!" Galit na galit na sinabi ni Tiffany.Napanganga si Tanya nang marinig niya ito, "Ah sige. Mag-usap muna kayo. Babalik ako sa pagbabasa ng libro ko. Wala akong narinig!"Ipinagpatuloy ni Jackson ang kanyang pang-aasar nang isara ni Tanya ang pinto ng kwarto. “Nagkamali ako,
Lumapit ulit si Jackson kay Tiffany. “Anong sinabi mo? Nagkabalikan na ba tayo?"Naging maingat si Tiffany at umatras sa kanya. "Gumagawa lang ako ng assumption!"Tumingin si Jackson sa kanya na parang walang pakialam. “Hindi ka pwedeng gumawa ng assumption. Hindi naman ito seremonial, dahil mong maging seryoso. Nagkabalikan kami. Pagkatapos nito, makikipaghiwalay ako sayo. Mas magandang gawin natin ito."Naging matiyaga siya si Tiffany at seryosong sinabi, "Fine, tayo na ulit, okay? Gawin mo na ang dapat mong gawin.”Sa sumunod na segundo, hinalikan siya ni Jackson direkta sa kanyang labi. Napahinto si Tiffany. Sa isang iglap, mabilis siyang binalot ng pamilyar na pabango nito. Bumilis ang tibok ng puso niya at medyo naiiyak rin siya. Makalipas ang ilang segundo, bumalik sa katinuan ang isip niya at sinubukang itulak siya palayo, ngunit niyakap siya ni Jackson ng mas mahigpit. Ang kanyang halik ay marahas at punong-puno ng pagmamahal, madali nitong sinira ang kanyang depensa.Sa
Medyo nadismaya si Tanya. "Ganoon ba? Pero... ganito lang siya kasi sinabi niya na abala siya. Pero kahit pa ganoon, lagi siyang nagre-reply sa mga text ko sa loob ng sampung minuto kahit pa late akong mag-message sa kanya. Kung hindi niya ako pinapahalagahan, dapat hindi siya magre-reply sa mga messages ko. Lagi naman siyang ganyan. Mabagal lang siguro siyang maging malapit sa mga tao. Huwag mo naman sanang hayaan na manghina ang loob ko. Gusto ko lang siyang makita at ilibre siya ng pagkain dahil medyo curious ako sa kanya."Naramdaman ni Tiffany na hindi niya dapat hayaan na panghinaan ng loob si Tanya dahil sinabi niya iyon. Pinag-isipan niya ito sandali at sinabing, “Tanungin mo siya ng direkta. Tingnan kung handa siyang makipagkita sayo. Huwag ka nang magpatumpik-tumpik pa."Pagkatapos nito ay naglakas-loob si Tanya at nagpadala siya ng text kay Hush. Parang hindi masigasig si Hush sa kanyang reply sa dalaga. Nagre-reply lamang siya kada sampung minuto. Parang sumasagot lang si