Sa huli, inaprubahan ni Mark ang kahilingan ni Arianne na kumain ng hotpot sa isang restaurant ngunit kailangan niyang isama si Mark. Hindi siya mahilig sa hotpot ngunit sumama siya para bantayan si Arianne.Sa kasamaang palad, kasama pa nila ang isang bodyguard kaya naramdaman ni Arianne na parang may nakapalupot na isang tali sa leeg niya at natural lamang na unti-unting nawala ang excitement niya. Nang makarating sila sa kanilang destinasyon, biglang sumigla si Arianne nang makita niya si Tiffany na sumasalamin sa kanyang ekspresyon dahil tinanggal rin sa kanya ang karapatang malaya na magsaya sapagkat kasama niya rin si Jackson.Sa wakas, kumpleto na ang kanilang grupo dahil dinala rin ni Tanya si Eric, na naghahanap siguro ng isang lugar upang gugulin ang kanyang libreng oras.Mula nang sila ay bumaba, ang kamay ni Mark ay hindi kailanman nawala sa protective position nito sa baywang ni Arianne. Mapapaisip ka na lang kung kaya niyang itago ang babae gamit ang kanyang isang ka
Ang mga mata ni Arianne ay napunta kay Mark sa loob ng isang millisecond bago niya ibinaba ang kanyang ulo at nagpatuloy sa kanyang pagkain. Binalot ng iba’t ibang saloobin ang kanyang isipan.Kinilabutan si Arianne sa kanyang abnormal na pang-unawa sa isip ni Arianne. Parang ang kanyang mga mata ay bumubutas sa kanyang skull at kaya nitong basahin ang bawat pag-iisip na nasa kanyang utak. Sa "tulong” ni Mark, si Arianne ay nakatanggap ng pinakamasarap ng pagkain simula nang mabuntis siya. Sa ilang kadahilanan, mas ganado siyang kumain ngayon.Nang malapit na matapos ang hapunan, hinila ni Tiffany sina Arianne at Tanya papunta sa banyo. Hindi na siya makapaghintay ng ilang sandali pa bago niya mailabas ang kanyang saloobin, "Naku, akala ko sasama pa si Gerald sa banyo! Mukha siyang alerto sa lahat ng oras! Butler mode siya sa buong dinner. Akala ko talaga ibang tao siya! Pero sa totoo lang: natandaan ko si Will sa kinikilos niya ngayon."Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nabangg
Nakasimangot na hinila ni Arianne si Tiffany sa tabi niya at sinagot para sa kanyang kaibigan, "Tapos na ang relasyon nila ni Ethan, Angel... At sa isang magandang kadahilanan din. Out of his league si Tiffany. Sa totoo lang, engaged na si Tiffany kay Jackson West - sigurado ako na kilala mo ang apelyido na iyon base sa mga balita na nakuha mo, hindi ba? Kung nakausap mo lang si Tiffany ng mas maaga, sigurado na yayayain ka niya sa engagement party.”Nagulat si Angel sa biglaang pagdating ni Arianne kanina. Ngunit ngayon, nakatuon ang atensyon niya sa taong kilala bilang kilalang asawa ni Mark Tremont. Alam na alam ni Angel ang kanyang kwento sa pamamagitan ng balita.Sinuri niya muna mula ulo hanggang paa si Arianne at kahina-hinala ang tono ng pananalita niya, “Sayang! Na-miss ko ang engagement party! Kakaiba ito, hindi ba? Ikaw at si Tiffany ay ikinasal sa isang tao na hindi niyo mahal noong simula, pinapatunayan lang na walang permanenteng bagay sa mundong ito. Oo nga pala, nakas
"Sa tingin ko, mas mainam na ituring mo na lang siyang patay," sabi ni Arianne habang inaayos ang kwelyo ni Tiffany. "Walang silbi na balikan pa ang nakaraan. Ang mahalaga lamang ngayon ay ang masaya mong buhay na kasama si Jackson, parte na ng nakaraan mo ang mga pangyayari noon. Higit sa lahat, hindi na sisirain ng douchebag na iyon ang future. Hindi ka na niya kayang saktan."Sa sandaling ito, unti-unting bumukas ang pintuan sa isang cubicle. “U-um, ano...!” nauutal niyang sinabi. "Wala akong narinig! Ibig kong sabihin ... Um, pasensya na dahil narinig ko ang ilang mga bagay?"Inilagay ni Tiffany ang kanyang kamay sa noo. “Oops, muntikan na kitang makalimutan. Kanina ka pa diyan nagtatago, inakala ko na na-stuck ka na sa loob ng toilet. Huwag mo na lang irto masyadong isipin, kung narinig mo ito, narinig mo ito. Sinong may pakialam kung ano ang nangyayari sa buhay ko ngayon? Hay, tara na. Magiging imbestigador na si Mr. Tremont kung hindi tayo agad makakalabas!"Tumango si Tanya
Nakahinga siya ng maluwag nang makita niyang nakahiga na si Mark. Gulat na gulat pa rin siya. Hindi talaga siya sanay na iwanang bukas ang pinto habang naliligo. Kahit na medyo transparent ang pinto ng banyo, binalot pa rin ito ng fog at naitago nito ang kanyang katawan sa shower. Ngunit ngayon, nararamdaman niya na awkward pa rin ang pakiramdam niya kahit na hindi naman nakatingin sa kanya si Mark...Isinara niya ang pinto nang konti pa nang hindi na nakatingin si Mark at nag-iwan ito ng kalahating nakabukas na pinto.Pinatay ni Mark ang ilaw pagkatapos niyang maghilamos at humiga siya. Mas madali para sa kanya na makatulog sa dilim.Kakaiba dahil good mood si Arianne at hindi pa siya inaantok. Malamang dahil nakakain siya ng isang pagkain na matagal na niyang hinahangad pagkatapos niyang mawalan ng gana sa loob ng mahabang panahon, at pagkatapos nito ay naligo pa siya. Malamig ang panahon dahil taglamig ngayon at ang kumot ay mainit sa pakiramdam. Wala nang mas komportable pa kays
Ginawa niya ang lahat para maging matatag ang paghinga niya ngunit hindi pa rin siya nakatulog. Akala niya ay tapos na si Mark pagkatapos magnakaw ng ilang halik, ngunit nagsimulang gumala ang kamay nito. Naging magulo ang isip niya. Ito ba ay... normal? Sila pa rin ay mag-asawa. Naging intimate naman na sila noon, ngunit ito ang kanyang unang pagkakataon na… palihim siyang gumawa ng mga galaw sa kanya.“Ari?” pabulong niyang tinawag ang pangalan ni Arianne. Ang tono ay hindi sapat na malakas upang subukang gisingin siya dahil sinusubukan lang niyang alamin kung natutulog siya.Nagdalawang isip si Arianne kung susunod ba siya o hindi, at sabihin sa kanya na gising pa siya... Habang pinag-iisipan niya ito, lumapit pa si Mark ng kaunti at hinalikan siya sa labi. Bigla niyang naramdaman na hindi magandang unawain siya batay sa mga trato sa kanya ni Mark noong nakaraan. Kahit na malayo ang kanyang ugali pagdating kay Arianne, lalaki pa rin siya. Bihira na may mangyari sa kanila, kahit na
Kinaumagahan, bumaba si Mark na may ngiti sa kanyang labi. Nakita ni Mary kung gaano siya kasaya kaya nagtanong siya, “May magandang nangyari ba ngayon, Mr. Tremont? Mukhang maganda ang mood mo ngayong umaga. Gising ba si Mrs. Tremont? Tatawagin ko ba siya para mag-almusal?"Inayos ni Mark ang kanyang tie, “Wala naman, gusto ko lang ang panahon ngayong araw. Gising na siya. Sabihin mo sa kanya na bumaba."Kahina-hinalang tumingin si Mary sa may bintana. Umuulan na ng snow. Paano naging maganda ang panahon?Nanginginig si Arianne nang makarating siya sa ibaba. Iniisip niya kung sino ang nag-iwang nakabukas ang pintuan sa ibaba. Ang mga snowflake ay hinihipan ng malamig na hangi kaya mabilis na isinara ni Mary ang pinto, “Nilalamig ka ba? Magsuot ka pa ng mas maraming damit, ayaw mo naman siguro magkaroon ng sipon. Palagi kang nagsusuot ng manipis na damit sa school tuwing taglamig noong maliit ka pa, kaya giniginaw ka tuwing taglamig at gagaling lamang pagkatapos magbago ang panahon.
"Ari, parang ibang tao si Mr. Tremont, napansin mo ba?" Biglang umalingawngaw ang boses ni Mary mula sa likuran niya.Bumalik sa katinuan ang isip ni Arianne at walang ingat na sumagot, “Hindi naman. Masyadong malamig ngayon. Wala akong ganang gumalaw. Aakyat na ako sa taas para matulog. Oo nga pala, kung lalabas si Henry, sabihin sa kanya na kumuha siya ng dalawang libro para sa akin. Pumili lang siya ng uri ng libro na karaniwan kong binabasa. Pwede mong sabihin sa kanya na tanungin ako kung hindi siya sigurado."Bumuntong hininga si Mary, hinintay siyang umakyat sa itaas at pagkatapos ay tinawagan si Mark, “Sir, humingi pa si Mrs. Tremont ng dalawa pang libro, maaari mo bang kunin ang mga ito kapag pauwi ka na? Pwede na ang usual series na binabasa niua. Iyon lang ang sinabi niya... Okay.”Sa White Water Bay Villa.Pinilit ni Jackson si Tiffany na manatili sa bahay sa araw na ito. Sa katunayan, hindi na sumasakit ang tiyan niya, pero hindi niya makalaya si Jackson sa pagpupumili