Hindi sumagot si Arianne at simpleng hinigpitan niya ang hawak sa tuwalya na nakapalibot sa kanya. Pinikit niya ang mata dahill ayaw niyang tumingin kay Mark Tremont. Siguro hindi siya magiging matatakot ng sobra kung maiiwasan niya ang pagtingin sa lalaking ito... Napatingin si Mark sa peklat sa balikat niya. Naiwan sa kanya ang peklat na ito dahil kay Mark Tremont... Ngunit ngayon, nakita niya ito na parang isang asar para sa kanya. "Nakakadiri ka!" Umalis si Mark at wala na siyang ibang ginawa kay Arianne. Ito ay naiiba mula sa kanyang karaniwang paraan ng pagharap sa mga bagay. Sinara niya ng malakas ang pinto ng kanyang kwarto. Matigas na naupo si Arianne sa tabi ng kama tulad ng isang papet na walang kaluluwa. Gising siya buong gabi, at walang tumawag sa kanya para sunduin ang isang lasing na si Mark Tremont. Hindi din naman siya magiging ibang tao sa kapag nalasing sita at hindi niya hahawakan ang leeg ni Arianne na tulad ng isang pusa...Eight o'clock umaga, biglang ku
Hindi sumagot si Arianne. Paano siya pagkakatiwalaan ni Mark Tremont? Kailanman ay siya nagtitiwala sa kanya… Sumasakit ang puso ni Mary sa nakikita niyang itsura ni Arianne. Gayunpaman, wala pa rin siyang lakas sa ngayon. Nang gabing iyon, sa pagpupumilit ni Arianne, umuwi na si Mary upang magpahinga. Hindi niya kailangang manatili sa tabi ni Arianne sa ospital; baka magkasakit pa siya at maaalagaan naman ni Arianne ang sarili. Kailangan niyang manatili sa ospital ng isang araw sa ilalim para obserbahan pa ang kalagayan niya. Mapapalabas na agad siya kinabukasan. Tila hindi siya makatulog, siguro dahil sa sobrang pagtulog niya sa umaga. Pinikit niya ang kanyang mga mata at humiga siya sa kama ng ospital, napakaraming mga bagay ang sumasabog sa kanyang isipan. "Anong ginagawa mo?!" may tao sa labas ng ward na biglang sumigaw. Napatalon sa takot si Arianne. Dinilat niya ang kanyang mga mata upang masilayan ang mukha ng isang lalaki na unti-untinh nawawala mula sa maliit na bin
Dahan-dahang hinalo ni Arianne ang isang mangkok ng mainit na lugaw gamit ang kutsara; hindi siya sumagot sa sinabi ni Mary. Hinanap ba siya ni Mark kagabi dahil pakiramdam niya ay responsable siya sa nangyari kay Arianne? Hindi alam ni Arianne na naiimpluwensyahan niya pala ang ugali ni Mark Tremont. Kung hindi handa si Mark na umuwi, sa gayon ay makakaramdam lamang siya ng pagkasuklam kahit na lumuhod si Arianne at nakiusap sa kanya. Ang balita ay nagpatuloy na kumalat sa Internet, ngunit hindi kailanman direktang nagsalita tungkol dito si Mark. Nag-donate pa siya sa isang elementarya noong Bisperas ng Bagong Taon. Hindi sinasadyang natuklasan ni Arianne ang pinakabagong artikulo habang binabasa niya ang balita. Ito ay isang larawan na lihim na kinunan noong nasa ospital siya. Nakahiga siya sa kama, mukhang maputla at walang buhay. Ang nilalaman ng artikulo ay nagtatanong kung siya ay na-ospital dahil sa karahasan sa tahanan at kung ang banayad na ugali ba ni Mark Tremont ay pa
"Hindi ka sasama kung nag-aalala ka talaga," malamig ang boses ni Mark. Nag pout sa kanya si Aery. "Aww, halika na." Tumingin si Butler Henry kay Arianne ngunit nilunok niya ang sasabihin niya. Umakyat siya at binati si Mark, "Sir." Binati siya ni Mark saka tinanong, "Inasikaso mo ba ang lahat ng gawain sa bahay?" "Opo, nasweldohan sila nang naaayon sa trabaho nila," sagot ni Butler Henry. Kumuha si Mark ng isang kard at iniabot kay Butler Henry. "Para sayo, salamat sa lahat ng pagsusumikap mo sa taong ito." Ginawa ito ni Mark bawat taon; siya ay napaka mapagbigay sa kanyang mga tagapaglingkod. Hindi ito tinanggihan ni Butler Henry. "Ito ang trabaho ko." Mabilis na inihain sa mesa ang pagkain. Naupo sa hapag si Mark kasama si Aery. Hindi sinasadyang ibinaba ni Arianne ang kanyang ulo at sinubukang hindi tumingin sa kanila. Umupo sila sa tapat lamang niya. Ito ay parang... siya ay isang outsider...“Ang mga magulang ko ay nagbakasyon sa ibang bansa. Halos mabaliw ako sa s
Bumagsak ang puso ni Aery. Bihira niyang makita si Mark na mukhang seryoso at nakakatakot ito. Hindi maintindihan ni Aery kung bakit hindi iiwan ni Arienne si Mark kahit hindi niya ito mahal. Hindi niya rin maintindihan kung bakit ayaw ibigay sa kanila ni Mark ang kanyang mga bendisyon kahit na parang wala siyang pakialam sa kanya. Ito ba ay dahil sa kanyang pride bilang isang lalaki? Kung magpapatuloy ito, siya ay magpakailanman maging lihim na kabit ni Mark. Ang hinahangad niya ay maging si Mrs Tremont. Nakuha ito ni Arianne nang walang kahirap-hirap, ngunit hindi niya ito pinahahalagahan. Hindi mapigilan ni Aery na magalit sa pag-iisip nito. Habang si Mark ay nagtatrabaho sa study room, si Aery ay lumusot sa kanyang kwarto upang maligo. Pagkatapos ay kinuha niya ang isa sa silk na pajama ni Arianne at isinuot ito. Mukha siyang mistress ng bahay, lumakad siya papuntang sala at buong pagmamalaki na inutos kay Butler Henry, "Ihanda mo ang guest room." Nanatiling nakatayo si Butle
Bumangon si Arianne at umakyat sa taas, ngunit huminto muli nang nasa harap siya ng kwarto ni Mark. Habang nag-aalangan si Arianne, itinulak ni Butler Henry ang pintuan, na walang iniiwan oras para sa kanya na ihanda ang kanyang sarili. Muli niyang iniwas ang kanyang tingin mula sa kwarto. Ano ang magiging reaksyon niya kung may nakita siyang hindi dapat makira? "Sir, hindi maayos ang pakiramdam ni madam, kailangan niyang magpahinga ngayon. Sana ilagay na ang hindi gaanong mahalaga bisita sa kabilang kwarto." Ang tono ni Butler Henry ay mapagpakumbaba, gayunpaman may dala itong mabigat ng awtoridad. Si Mark ay naninigarilyo sa isang silya aa harap ng French window. Tahimik lamang siyang tumingin kay Arianne. "Sino ang tinawag mong hindi gaanong mahalaga?" Mabilis na gumanti si Aery. “Naninigarilyo pa rin si Mark dear. Kung hindi maganda ang pakiramdam mo, bakit hindi ka matulog sa guest room, big sis?" Walang sinabi si Arienne. Si Mark lang ang tinignan niya. Dahan-dahan si
Napagkamalan ni Mark ang pagkalito ni Arianne sa pag-asang magkita pa sila ni Will. Lalong lumakas ang galit sa kanyang mga mata. Mahigpit niyang sinara ang kanyang kamao bago niya ito unti-unting binuka, umalis siya at hinampas ang pintuan sa kanyang likuran. Habang ang kanyang sasakyan ay nag-drive palayo sa Tremont Estate, umupo si Arianne sa malamig na sahig at nakatalikod siya sa tabi ng kama. Niyakap niya ang kanyang mga binti at ibinaon ang mukha sa kanyang tuhod. Siguro, mawawala ang kalungkutan na nararamdaman niya sa pagiging mag-isa na naman... Bumalik si Mary makalipas ang tatlong araw. “Ari, bakit pinili ni sir na mag-business trip nitong New Years Eve? Hindi mo ba sinubukan sabihan na isantabi muna ang trabaho nang kaunti? Nalulungkot ka siguro ngayon dahil iniwan kang mag-isa lang." Naupo si Arianne sa sofa at hindi siya sumagot. Bigla nalang nag ring ang phone niya. Ito ay isang mensahe na pagbati mula kay Eric, at isang holiday bonus na kasama nito. Hindi tinan
Bago pa siya makabalik sa kanyang normal na sarili, sumugod si Mark sa kanya at nilapit ang kanyang labi. "Hindi ako papayag. Hindi ka pwedeng umalis! Bawal kang umalis sa paningin ko!" paos na bulong ni Mark Tremont. Ang kanyang labi ay humihimas sa labi ni Arianne.Gustong ipaliwanag ni Arianne na pupunta lamang siya sa lugar na ito makapagpahinga at masiyahan sa art exhibit, ngunit hindi binigyan ng pagkakataon ni Mark si Arianne na makapagsalita. Napansin niya na si Mark ay may sakit, at ito ay medyo malubha na din. Medyo nagkagulo ang isipan ni Mark. Sa paghawak ni Mark sa kanya, nawalan siya ng paraan para lumaban pa. Pagkatapos, nang malapit na siyang mawalan ng hininga, tuluyang iginalaw ni Mark ang labi niya sa leeg ni Arianne... Huminga ng malalim si Arianne at hinabol niya ang kanyang hininga. "Mark ... May sakit ka, pumunta tayo sa ospital ... Itigil mo ito..." Hindi siya pinansin ni Mark na para bang hindi niya ito narinig. Lumabo ang isipan ni Arianne. Sa huli,