Kanina pa ba naghihintay si Mark sa labas ng pintuan?Hindi siya mapalagay sa sobrang hiya. Kinuha niya ang kanyang damit, isinara ang pinto, at mabilis na sinusuot ang kanyang damit. Pagkatapos, naglakad siya palabas at kumilos na parang walang nangyari. Mukhang walang planong gawin si Mark sa kanya at mukhang normal ang kalagayan niya ngayon, "Matulog ka ng mahimbing. May kailangan pa akong asikasuhin sa trabaho. Goodnight."Napansin ni Arianne na ginamit ni Mark ang gentleness para bitagin siya. Ito ay talagang kakaiba para sa kanya. Bigla siyang kinilabutan matapos marinig na nag ‘goodnight’ si Mark sa kauna-unahang pagkakataon. Siya ang unang nakaranas ng pagiging manhid at siya rin ang nakatanggap ng mga masasakit na salita mula kay Mark. Ang mga salitang "goodnight" ay mga salitang kinagulat niya. Ang puso niya ay kikilabutan kapag maririnig niya ulit si Mark na sabihin ang mga salitang iyon.Pagsapit ng gabi, nakaramdam ng malalang pagkabalisa si Tanya at hindi siya makatulo
Bakit matatakot si Arianne kay Eric na dumating pa ang punto na naisip niyang sinamantala niya ang babae na ito? Natatakot siya na baka nagkaroon sila ng drunken sex!Gayunpaman, hindi maikakaila na maayos pa rin ang itsura ni Tanya, kaya nakahinga siya ng maluwag, "Uh... Pwede ka bang maghanda at sumama ka sa akin sa ospital? Kailangan nating tapusin ang funeral procedures para kay Old Anderson. Dadalhin mo ba sa bahay niyo ang abo niya?"Niyakap ni Tanya ang kanyang kumot at tumahimik bago siya magdesisyon, "Hindi, sinabi ng lolo na gusto niyang ihagis ang abo niya sa dagat. Iyon ang kanyang huling hiling. Kailangan kong tuparin ito para sa kanya. Mag-isa na ako mula ngayon. Masakit na isipin ito... Totoo na nahirapan ako sa buhay ko, pero hindi ako nag-iisa... Ngayon ... hindi ko kayang mapakalma ang sarili ko. Masakit talaga. Para akong nawalan ng pag-asa. Ari, masakit talaga."Ramdam ni Arianne ang sakit na nararamdaman niya. Napagdaanan niya ito, kung tutuusin, "Okay lang ‘
Ito ay isang mahirap na problema. Ayaw makita ni Arianne ang pagkabigo sa mukha ni Mary, ngunit hindi siya maaaring manatili sa lugar na ito, "Babalik ako, Mary."Umupo si Tiffany sa bagong ayos na kama, "Huwag mo siyang pansinin, Mary. Malokong tao si Mr. Tremont niyo. Hindi nakakagulat na hindi siya pinagbibigyan ni Ari. Manatili dito si Ari sa tamang panahon.”Bumuntong hininga si Mary, “Si Henry ang nakiusap sa akin na tanungin ka. Hindi siya mahilig makipag-usap at siya ay isang malamig na tao. Siya ay katulad ni Mr. Tremont pagdating sa ganoong sitwasyon. Pero hindi siya isang manhid na tao. Medyo makatao pa rin siya. Wala akong sasabihin sa kanya dahil ito pala ang kasalukuyang sitwasyon. Sana maging mas madalas ang pagbisita mo, Ari. Inaasahan kong permanente ka nang titira dito sa susunod at makakasama mo na si Mr. Tremont. Ang bahay na ito ay parang walang buhay kung wala ka."Naisip ni Arianne kung paano nagkasakit si Mark matapos ang mahabang panahon ng sobrang pagod han
Matagal siyang naupo sa kama bago niya tinawanan ang kanyang sarili. Pagkatapos nito, tumayo siya mula sa kama at naghilamos tulad ng nakasanayan niya, upang maghanda na pumunta sa shop. Habang nagsisipilyo, napansin niya ang mga patak ng tubig sa ilalim ng kanyang tasa. Ang sipilyo ni Mark ay medyo basa rin. Nangangahulugan iyon na ang nangyari kagabi ay hindi isang panaginip. Talagang nandito siya, at… ginamit niya ulit ang tasa ni Arianne!Naging manhid ang kanyang isipan. Itinapon niya ang kanyang sipilyo sa basurahan. Umalis siya pagkatapos niyang samantalahin ang katawan niya nang hindi man lang nagpaalam sa kanya. Ano ba si Arianne para sa kanya? Nakatulog siya ng maayos kagabi, hindi ba? Walang insomnia? Siya naman ay hindi nakatulog nang maayos at nagising siya ng one hour late!Nagpatuloy ang mga reklamo niya habang nagsisipilyo siya, bigla niyang narinig ang tunog ng pagbukas ng pinto mula sa labas. Naninigas ang buong katawan niya. Sa isang saglit, lumitaw si Mark sa pin
Lumapit si Tanya sa tainga ni Naya at maingat na tinanong, "Naya, base sa mga kasalukuyang nangyayari, sa palagay mo ba ay malapit nang magsara ang dessert shop? Si Ari ay si Mrs. Tremont pa rin. Kailangan niya pa rin bumalik sa marangyang buhay niya kahit papaano…"Napahinto si Naya at napa-isip, pagkatapos ay sinabi niya ang kanyang saloobin, "Nabanggit ni Ari na hindi niya kailanman naisip na umalis. Magandang balita naman kung babalik siya sa capital. Ayaw mo ba na ayusin niya ang kanyang kasal? Hindi natin ito kailangang pag-isipan pa ng sobra hangga't ang shop ay nakatayo pa rin. Kahit na magsara ang shop, ang tanging inaalala ko lamang ay ito ay masasayang kung ito ay tatalikuran. Pwede pa rin naman tayong maghanap ng bagong trabaho. Huwag mong isipin ito."Umiling si Tanya, "Siyempre, gusto kong ayusin ni Ari ang kasal niya. Hindi ko masyadong iniisip ito. Nagtatanong lang ako. Wala na ang lolo ko ngayon ... Mag-isa na lang ako sa buhay ko ngayon. Haharapin ko na lang ang baw
Inabot ni Tiffany ang isang bote kay Aye, “Ito, patas na tayo, okay? Maliit ang mga boobs mo. Dapat kang uminom ng mas marami pa nito, baka lumaki sila kapag may ganito ka."Hinampas siya ni Aye sa sobrang hita, “Tumigil ka nga! Siya nga pala, mukhang okay ka nitong mga nakaraang panahon ah. Pareho naman tayo ng sahod, pero mukhang magaganda ang binibili mo para sa sarili mo. Palagi kang nakasuot ng iba`t ibang damit at nagdadala ng iba't ibang bag araw-araw. Ang relo na suot mo ay nagkakahalaga rin ng libo-libo. Hindi ka naman isang mayaman na babae, pero hindi malabo na maituring ka bilang isang yuppie."Hindi sumagot si Tiffany. Sa kanyang nakaraang kumpanya, kumalat ang mga tsismis tungkol sa kanya dahil lamang sa bitbit niya ang isang handbag na nagkakahalaga ng ilang sampung libong dolyar. Na-trauma siya kaya ngayon ay pinigilan niya ang kanyang sarili na gawin ang parehong pagkakamali sa kumpanya ni Jackson. Nagbihis siya ng average at ginamit ang pinakamurang relo na meron si
Makikita na parang nasaktan si Aye, "Akala ko malapit na tayo sa isa't isa. Natatakot ka bang malaman ko kung saan ka nakatira? Plano kong imbitahan ka sa isang shopping trip ngayong weekend. Nalulungkot naman ako. Tinatrato kita bilang isang kaibigan, pero parang nakikita mo lang ako bilang isang kasamahan!"Kabado na tumingin si Tiffany sa paligid, takot na baka biglang sumulpot si Jackson. Malalaman ng buong opisina ang tungkol sa kanila kung nalaman ito ng isang madaldal na tulad ni Aye. Malalaman ng lahat na siya ang kanilang magiging lady boss. Sinungitan niya na lang ito, "Bakit naman ako matatakot?"Isinulat niya ang kanyang address.Bigla namang umilaw ang mga mata ni Aye, "Parehas tayo ng dadaanan! Ang bahay ko ay nasa maliit na neighborhood na katapat mismo ng bahay mo. Ang iyong bahay ay nasa mas mamahaling lugar kumpara sa akin. Alam kong mula ka sa isang pamilyang yuppie!"Hindi ito inasahan ni Tiffany na mangyayari. Paano nangyari ito? Nangangarap si Tiffany na dumati
"Huwag kang mag-alala," kaawa-awang sinabi ni Jackson, "Hindi naman ako hayop. Hindi lang iyon ang nasa isip ko. Gusto ko lang matulog kapag pagod ako. Gusto ko lang yakapin mo ako at matulog nang kasama ka.”Hindi naniniwala si Tiffany sa kanya. Sinungaling ang lahat ng mga tao. Nagiging halimaw si Jackson kapag silang dalawa lang ang magkasama. Gagawin niya ang lahat ng gusto niya kay Tiffany bago siya makatulog.Nang makarating sila sa White Water Bay Villa, naligo si Tiffany bago siya dumiretso sa kama. Gayunpaman, takot na takot siyang matulog dahil sigurado siyang gusto ni Jackson na lamunin siya ng buo. Kailangan niyang hintayin na matapos niya ang kanyang ginagawa bago siya matulog.Nagulat siya dahil walang ginawa sa kanya ang lalaking ito. Niyakap lang siya nito at humiga. Naisip ni Tiffany na mapapasaya niya si Jackson pagdating sa pakikipagtalik. Mas malaki pa ang naibigay sa kanya ni Jackson kumpara sa ibinigay niya sa lalaking ito, kaya hindi niya ito karaniwang tinata