Napatango na lamang si Arianne bago siya pumunta sa escalator na dumiretso sa ibaba.Naging maginhawa ang pakiramdam ni Arianne nang marinig niya ang kumpirmasyon mula sa security ng hotel na walang matandang lalaki na umalis sa gusali. Matapos bigyan ng ilang mga tagubilin ang security, ginamit niya ang mga hagdan at sinuri niya ang bawat palapag.Makalipas ang ilang palapag, hindi na niya mahabol ang kanyang hininga. Iniutos ni Mark sa kanyang mga bantay na suriin din ang lugar, ngunit kailangan nilang manatiling mahinahon para hindi sila makagambala sa ceremony.Malapit nang mag-twelve o'clock. Ilang minuto pa, ay kailangan nang dumaan ni Tiffany sa mga ritwal kasama si Jackson, ngunit si Old Anderson ay hindi pa rin nila mahanap. Sa kritikal na sandaling ito, nakatanggap si Arianne ng tawag mula kay Eric, na agad na nagtanong, "Hindi ba sumama sayo si Tanya sa Capital? At hindi ba niya dinala ang kanyang lolo?""Paano mo nalaman?" Tanong ni Arianne. “Nagpapareserba ka ba ng mga
Kung hindi lang nag-alala si Arianne na baka masira niya ang engagement party ni Tiffany, mabilis niya sigurong sinuntok sa mukha ang babaeng iyon. Sa totoo lang, kahit si Arianne ay nabulilyaso sa biglaang pagiging brutal niya. Mula pa noong mangyari ang insidente kay Aery Kinsey noon, tila ang pinakamahusay na paraan para malutas ang isang problema para sa kanya ay nangangailangan ng kanyang mga kamao at wala nang usapan na kailangan pa. Minsan, ang mga aksyon ay mas malakas kaysa sa mga salita… nang literal.Humugot siya ng isang malalim na hininga para mapakalma ang kanyang sarili at sapilitang sinabi. "Sabihin mo sa akin: ikaw ba ang nanakit sa isang matandang lalaki sa eighth floor kanina? At bago mo pa man ako insulothin, ngayon pa lang ay hindi na ako naniniwala sa mga sasabihin mo. May kasama akong CCTV footage, at sa totoo lang, gusto kong malutas ito ngayon o hindi ka aalis sa lugar na ito. Gusto mong subukan?"Makikita ang bahid ng pag-aalala mula sa mga mata ng babae. Ga
Tumingin si Mark sa lolo ni Tanya at nagkaroon siya ng ideya sa nangyari. Inikot niya sulok ng kanyang mga labi sa isang mahinang ngiti nang maisip niya ang 'wildness' ni Arianne. Nagulat siya sa bagong mukha ng babaeng ito. Para siyang isang… maliit na ligaw na pusa?Itinulak ni Naya kay Mark ang kahon ng gamot. "Mr. Tremont, nasaktan din si Ari. Pakilagay ito para sa kanya."Gumamit si Mark ng isang alkohol na cotton swab para tanggalin ang dumi sa sugat ni Arianne. Naramdaman ni Arianne na kumirot ang kanyang sugat ngunit nahihiya siyang siyang umungol sa sakit. Ang gwapong mukha ni Mark ay malinaw sa harap ng kanyang mga mata. Mas malakas ang kanyang aura dahil mas malapit siya habang dinidikit niya ang cotton swab sa pisngi ni Arianne. Ang kanyang ekspresyon ay solemne at nakatuon sa babae. Hindi niya alam ang mga saloobing sumagi sa kanyang isipan at nagtaka kung napahiya si Mark sa mga kilos niya."Ari, hindi mo ba naisip na ang iyong rebellious stage ay late nang dumating?"
Humakbang si Tiffany at inabot niya kay Tanya ang pera ni Chloe. "Itago mo ito. Huwag tanggihan ang libreng pera. Isipin mo na lang na ito ay isang kagat ng aso. Hindi mo kailangan subukan na gamitin ang utak mo sa mga taong katulad niya. Mayroon ka bang matutuluyan? Hayaan mo akong mag-book ng isang hotel room para sayo. Huwag ka nang malungkot. Magpakasaya tayo sa mga susunod na ilang araw.""Manatili ka sa hotel na ito," sabi ni Jackson, "Sasabihin ko sa front desk na maghanda ng ilang mga kwarto para sa inyo. Ang hotel ay pagmamay-ari ng pamilya ko kaya hindi niyo kailangang mahiya."Gulat na napatingin si Tiffany kay Jackson. Hindi pa siya masyadong pamilyar tungkol sa yaman ng pamilyang West. Nagmamay-ari pala talaga sila ng isang malaking hotel. May iba’t ibang business pala talaga ang pamilyang West.Biglang hinawakan ni Mark ang balikat ni Arianne. "Tara na. Umuwi ka na sa Tremont Estate. ""Ayoko." umiling si Arianne.Yumuko si Mark at bumulong sa tainga ni Arianne. "Mas
Bahagyang nagsisi si Arianne dahil nalantad ang kanyang saloobin. Sobra siyang natatakot na salubungin ang mata ni Mark. "HIndi… hindi ako mananatili dito. Dadalhin ko rin ang lola ko. Kahit na pinipilit ng lola ko na manatili, ipinagtapat mo ba sa kanya ang lahat ng nagawa mo noon? Magkakaroon siya ng stroke kapag natuklasan niya ang katotohanan balang araw! Huwag kang magsinungaling. Pwede bang hayaan mo na lang ang pamilya ko? Hindi ko na babanggit ang nangyari sa nakaraan, gusto ko lang maglagay ng isang malinaw na linya sa pagitan natin, okay? Wala talaga… wala akong mahanap na rason para magkasama pa tayo…”Nasaktan pa rin si Mark sa mga sinabi ni Arianne, kahit na matagal na niyang alam na may pangangamba ang pangako ni Arianne na bumalik sa Tremont Estate. Hindi sila maaaring gumuhit ng isang malinaw na linya sa pagitan nila. Umabot na siya sa kanyang limitasyon nang iwan siya ng napakatagal ni Arianne, ngunit ang babae na ito ay tatalon sa anumang pagkakataon para iwan lang
Hindi sumagot si Arianne. Ibinaling niya ang kanyang mukha sa gilid, ipinikit ang kanyang mga mata at mahigpit na humawak sa mga kumot. Namula ang pisngi niya sa sobrang galit hanggang sa kumalat ito sa buong katawan niya, isang maliwanag na pula na kasing tingkad ng araw.Patuloy siya sa kanyang ginagawa at pagkatapos ay bumagsak siya sa ibabaw ni Arianne at tumigil.Sa wakas, napagtanto ni Arianne na parang may mali sa kanya. Nakaramdam siya ng sobrang init ng kanyang katawan! Mabilis siyang nag-panic at maya-maya ay nag-relax na rin siya. Dinampot niya ang mga damit sa lupa at isinuot kay Mark ang pajama nito. Pagkatapos, tumawag siya sa doktor ng pamilyang Tremont.Mabilis na sumugod ang doktor. Matapos ang isang simpleng check up, sinabi niya, “Si Mr. Tremont ay masyadong over-exhausted sa mga nagdaang mga buwan. Bukod pa dito, meron siyang sipon kaya siya nagkaroon ng lagnat. Ang kanyang katawan ay masyadong pagod kaya nawalan siya ng malay. Bumaba ang temperature niya kani-ka
Nagpumiglas siya palayo sa yakap ni Mark, “Sige. Hindi ba nangako ako na hindi kita lolokohin? Hindi pa ako nakakapag-decide... Matagal kang nakatulog. Hindi ba gumagana ang pagiging germaphobic mo? Naghanda si Mary ng lugaw para sayo. Pagod na ako sa kaka-alaga sayo sa dumaan na dalawang araw. Kailangan ko nang matulog."Bago siya matapos sa kanyang sasabihin, biglang hindi naging komportable si Mark. Tumayo siya at tumakbo papasok ng banyo. Napabuntong hininga si Arianne, napapikit, at pinayagan ang kanyang saloobin na unti-unting pumasok sa isang mapayapang pakiramdam. Hindi nagtagal ay nakatulog siya.Kinabukasan, pumunta sa opisina si Mark. Dumiretso si Arianne sa hotel ni Tanya at Naya. Nandoon pa rin sina Naya at Tanya, kaya hindi pwede na hindi niya pansinin ang mga ito. Siya ang nagdala sa kanila, at wala silang kakilala sa capital.Si Naya ay isang domesticated na babae. Wala siyang plano na masyading magpakasaya sa capital, dahil hindi niya kayang gumastos ng masyadong ma
Tinapik siya ni Eric sa likuran, "Hindi mo kailangang mag-alala sa maliit na halaga. Isipin mo na lang na karangalan ko na maging host niyo. Tara na! Dadalhin ko kayo sa beach. Medyo malapit yun dito."Biglang ngumiti ang matanda nang makita ang kanyang reaksyon, "Grandson-in-law ..."Sabay na napahinto sina Tanya at Eric. Biglang namula si Tanya, “Lolo! Huwag mong sabihin ang mga bagay na ito! Kaibigan ko si Ricky. Hindi… Hindi ko siya boyfriend…"Naging awkward din ng pakiramdam ni Eric kaya nauna na siyang lumabas.Sa isip ng matanda, boyfriend ng kanyang apo ang sinumang lalaking dumampi dito.Sa loob ng sasakyan, kinausap ng seryoso ng matanda si Eric, “Si Tan ay isang mabuting batang babae at masunurin rin siya. Muhay siya."Hindi tumanggi si Eric, "Alam ko."Ang matandang lalaki ay mukhang nagmamayabang, "Dapat mo siyang alagaan ng mabuti."Biglang sumakit ang ulo ni Eric, hindi siya sigurado kung paano ito ipaliwanag sa matanda. Nahiya si Tanya, “Ricky, alam mo naman ang