Bumalik siya at kwarto at inalog si Jackson na natutulog, "Bilisan mo, bumangon ka at magbihis ka. Bumalik na amg papa mo!"Nabigla si Jackson, "Ano?"Masiglang tumango si Tiffany, "Hindi ako nagsisinungaling. Totoo iyon. Nasa baba siya. Bilisan mo at bumaba ka kasama ko. Masyado akong kinakabahan na gawin ito nang mag-isa…"Sumimangot si Jackson. Dahan-dahan siyang pumunta sa banyo at naligo. Sinuot niya ang kanyang mga damit at bumaba. Malamig ang kanyang itsura habang nakatingin siya sa kanyang ama. Hindi niya ito binati ngunit hinila si Tiffany sa isang upuan sa sopa sa tabi niya."Malaki ka na, Jackson."Umangat ang ulo ni Jackson at tinitigan ang lalaking nasa harapan niya. "Lahat ng mga tao ay lumalaki na. Dapat ba akong manatiling bata para sayo?"Pinikit ng tatay ni Jackson ang kanyang mga mata at ang kanyang mata ay puno ng pagkakasala, "Kasalanan ko ang lahat ng ito."Naging curious si Lillian, ngunit ito ay isang family affair kaya't tinikom niya ang kanyang bibig. N
Hindi kaya ni Jackson na piliting ngumiti lalo na sa oras na ito. Hinila niya na lang si Tiffany sa kanyang yakap, "Okay lang. Hindi ako galit sayo. Huwag mo masyadong isipin ito. Alam kong tinawagan siya ng nanay ko, pero hindi ko talaga inasahan na talagang magpapakita siya at sa lalong madaling panahon din. Medyo umaasa ako na hindi na siya babalik. Para sa akin, patay na siya. Wala namang problema kung talagang babalik siya para magkaroon ng isang mapayapang buhay kasama ang nanay ko, pero hindi na niya ito kakayanin kung umalis ulit siya. "Walang masabi si Tiffany, "Hindi ako marunong kung paano mag-comfort ng mga tao. Subukan mo muna sigurong huminahon. Aalis muna ako at huhugasan ang makeup ko bago maligo. Dahil hindi ka pa natutulog mula kahapon, subukan mong makatulog ng maaga ngayong gabi. Kailangan ko pang maghanap ng trabaho bukas."Tatayo pa lang siya nang hilahin siya ni Jackson, "Sabay na tayong mag shower..."Namula si Tiffany dahil sa ginawa ni Jackson, "Ano... Hi
Biglang pumatak ang mga luha sa kanyang mga mata. Ang pulbos sa kristal ay ang abo ni Rice Ball. Kahit na hindi ito maikukumpara sa isang branded at mamahalin na regalo, ang halaga naman nito ay hindi kailanman mabibili ng salapi. Hindi niya inaasahan na magsisikap si Mark dito.Maingat niyang isinabit ang dreamcatcher sa itaas ng kanyang kama. Nilabas niya ang kanyang cellphone at pinadalhan ng message si Mark: 'Salamat.'Dalawang simpleng salita lamang ito, ngunit nagdadala ito ng daan-daang libong damdamin. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na naramdaman niya na naantig siya sa kanya. Ang malamig at malayong taong ito ay may malambot at banayad pagdating sa kanyat. Sa oras na ito, talagang ipinakita niya kay Arianne na nagmamalasakit siya at hindi ito panandalian lamang.Hindi sumagot si Mark sa kanyang message ngunit diretso siyang tinawagan nito. Hindi niya binaba ang kanyang tawag at sinagot agad ito, “Salamat sa binigay mo. Itatago ko ito."Nakaupo si Mark sa upuan na nasa h
Seryoso siyang tinitigan ni Nina nang sabihin niya, "Mahal mo pa rin siya, tama? Iyon ang dahilan kung bakit sinusubukan mo akong pigilan na habulin siy. Napaka-provocative kon pagdating sa kanya, pero parang hindi ka nagalit. Muntikan na akong maniwala sayo."Hindi nagbigay ng diretsong sagot si Arianne, "Kung nandito ka para magpakasaya, e di magpakasaya ka. Mag-enjoy ka sa pagkain mo, may kailangan pa akong gawin."Tumitigil sa pagsasalita si Nina at sinimulan niyang kainin ang kanyang mga dessert. Nabigla siya sa kanyang unang kagat, "Ito ay standard ng isang top notch pastry chef! Inggit na inggit ako; ikaw ay halos perpekto sa lahat ng ginagawa mo! Palagi akong pinupuna ng tatay ko dahil sa wala daw akong talento. Kailangan kong ikulong ang sarili ko!”Inilabas ni Arianne ang kanyang ulo sa labas ng kusina, "Huwag kang exaggerated diyan. Paano ko magagawang masarap ang isang bagay? Binigay sa akin ni Mark ang recipe na ito mula sa isang top class pastry chef. Hindi dapat ako
Hindi na nagpumilit si Mark at winagayway niya ang kamay patungo sa camera, "Good night."Napahawak si Arianne sa kanyang dibdib nang matapos ang tawag. Ramdam na ramdam niya ang pintig ng kanyang puso. Naisip niya noong una na hindi siya mababaliw sa lalaki kahit anong mangyari at hindi siya tutupi sa kanyang nakakaakit na boses o ng mukha nito na kanyang tinitignan nang higit sa sampung taon. Nababaliw na ba siya?Naisip ni Mark na lalo silang napapalapit sa tuwing nag-uusap sila. Sigurado din siya dito. Nang malapit na siyang matulog, muling tumunog ang kanyang cellphone at ito ay isang tawag mula kay Charles Moran.Nagkaroon ng mabuting relasyon ang lalaking ito sa kanyang ama, ngunit hindi siya kailanman tatawagan nito nang walang magandang kadahilanan. Tinanong siya nito kung alam niya na may anak sa labas ang kanyang tatay sa unang pagkakataon na nagkita sila pagkatapos nitong bumalik sa bansa… Sumimangot si Mark at sinagot ang tawag, “Hello? Uncle Moran."Sinagot siya ni Ch
Hindi napansin ni Nina ang galit sa kanyang boses, "Haha... palalayasin mo ako? Mababaw ba ang pinagsamahan natin para sayo? Akala ko malapit tayo sa isa't isa para pag-usapan natin ang lahat. Hindi ba ako pwedeng makatulog sa higaan mo?"Nanatiling tahimik si Mark at hindi agad siya sumagot. Lumabas siya mula walk-in closet matapos magpalit ng damit at agad siyang bumaba. Ang mga salitang iniwan niya kay Nina, "Hindi tayo malapit sa isa't isa. Bahay ko ito kaya dapat mong sundin ang patakaran ko. Minsan ko lang ito sasabihin."Hinintay ni Nina ang kanyang sasakyan na umalis sa Tremont Estate bago siya umakyat sa kanyang kama.Hindi na casual at walang pakialam ang kanyang itsura. Sa loob ng puso niya, alam niya na ang lalaking ito ay hindi dapat maliitin. Gayunpaman, siya rin ang rason kung bakit siya nababaliw sa lalaking ito. Napilitan siyang sumuko nang makita niya pagmamahalan ni Mark at Arianne. Ngayon, sa wakas ay naghiwalay na sila. Ayaw niyang sumuko at gusto niyang subukan
Hindi kailanman sa buong buhay ni Charles Moran na sinampal niya ang mukha ng kanyang anak na babae.Umalingawngaw ang malakas na hampas sa buong lugar at makikita na tulala si Nina sa unti-unting namumula niyang pisngi na tinatakpan ang kanyang mga kamay. Binalot ng kaba ang kanyang maluha-luhang mga mata habang nakatutok ito sa kanyang ama."Bakit ... Bakit mo ako sinaktan ?! Mali ba ako?" Sabi niya. "Mga tauhan mo lang naman ang nandito, kaya bakit ka kumikilos na parang hindi ko dapat sinabi iyon?"Hinugot ni Charles ang pill na naipasa sa kanya ng kanyang bodyguard. Huminahon siya ng kaunti at doon lang siya sumagot, "Ang-ang lalaking ito ay ang parehong tao na pumatay sa kanyang kapatid na lalaki nang hindi man lang nakokonsensya sa ginawa niya. Sino ka para isipin na magiging mabait siya sayo? Kung gusto ka niya, ikaw ay hahawak sa kanyang puso. Kung hindi, hindi ka ililigtas ng kalandian mo mula sa galit niya!"“Ikaw lang ang anak kong babae, Nina. Sa palagay mo kaya kong p
Nag-pause si Mark at napa-isip, "Alam mo, huwag na tayong lumabas para kumain. Medyo late na at tayong dalawa lang rin naman ang magkasama. Pupunta tayo sa apartment mo at lutuin ang kahit anong nandoon. Hindi mo ba alam kung paano gumawa ng ramen?"Naalala pa niya ang ramen na ginawa ni Arianne? Iyon lamang ang pagkain na kaya niyang lutuin ng maayos. Bukod pa dito, ito ay masarap lamang sa kanyang sariling mga standard at higit sa lahat ay nakasalalay kung ito ang niluto ng maayos o hindi, "Okay... pero hindi ito masyadong masarap, kaya't tiisin mo na lang ito. Gagawa ako ng paraan na magkaroon ng libreng oras bukas at bibilhan kita ng pagkain para magpasalamat sa regalo mo sa akin."Sumimangot si Mark ngunit hindi siya sumagot. Nararamdaman niya na ayaw ni Arianne na magkaroon siya ng utang sa kanya dahil sa regalo na iyon, kaya ito ang kinagalit niya. Gayunpaman, hindi na siya nakipagtalo kay Arianne nang maalala niya na babalik ito sa kanya pagkatapos ng isang taon.Binuksan ni