Si Mark Tremont ay hindi kailanman lumingon patungo sa kanyang direksyon. Nawala lang siya sa crowd ng mga tao.Isang ngiti ang makikita sa maputlang labi niya. Gusto niyang hindi siya makita, hindi ba? Ito ang magiging mahusay para sa kanilang dalawa, sinabi ni Arianne sa kanyang sarili. Paano naman ang yakap sa club? Kalimutan na lamang ito. Ito ang pinakamahusay na gagawin.Sa pinakamataas na palapag ng office block kung saan makikita ang opisina ng mga higher-ups ng kumpanya, binisita ni Mark ang bawat department sa gusali. Sa likod ng kanyang mga salamin, ang mga mata niya ay makikitaan ng isang manipis na hamog na nagyeyelo habang sinusukat ang kanyang mga empleyado na kinakabahan habang ginagawa nila ang kanilang makakaya para matiyak na walang mga problema ang magaganap.Pagkatapos mag-order ng dalawang tasa ng kape sa pamamagitan ng Messenger, nahagip ng paningin ni Nick si Mark na papalapit sa kanyang direksyon. Mabilis niyang inilapag ang kanyang cellphone at bumalik sa
Ang isang senior executive ay sumugod sa opisina, "Uh... Mr. Tremont, sinabi sa akin ni Nick ang tungkol sa inyong misunderstanding. Hindi mo masisisi ang isang taong ignorante. Ngayong na may malay tao na siya, mananatili siya sa kanyang limitasyon. Si Nick ay isang may kakayahang miyembro ng team. Tingnan mo, Md. Tremont…”Naupo si Mark sa desk ng kanyang opisina at mahinahon na tiningnan ang report ng kumpanya. Ang kanina niyang malamig na aura ay ganap na nawala. "Hindi ko sinabi na gusto ko siyang tanggalin. Tulad nga ng sinabi mo, hindi ko masisisi ang isang taong ignorante. Mula ngayon, gusto kong maunawaan ng lahat sa kumpanya na si Arianne ay asawa ko. Maaaring magustuhan mo ang kanyang mga desserts, pero hindi siya pwedeng magustuhan. Kung hindi…"Tumango ang senior executive at yumuko, “Opo sir, opo sir! Alam na ng lahat ngayon. Pero... bakit nagbukas si Mrs.Tremont ng isang dessert shop sa isang lugar na tulad nito?"Ang kanyang tanong ay nakatanggap ng isang nakasisilaw
Agad na isinara ni Tiffany ang kanyang bibig habang tinitingnan si Naya ng masama. Naintindihan ni Naya ang kanyang banayad na kilos at bumalik siya sa trabaho.Pagdating nila sa bahay nang gabing iyon, tinitignan ni Arianne ang piraso ng papel nang ilang beses. Inilabas ni Tiffany ang pagkain na inihatid ni Jackson at bumulong, "Tara. Gamitin mo ito kung gusto mo, itapon mo kung hindi mo gusto. Susuportahan ko ang iyong desisyon sa alinmang paraan. Huwag nang titigan ito. Baka ma-possess ka."Inilayo ni Arianne ang piraso ng papel, “Kainin mo ang iyong pagkain. Sa palagay ko nagpapalaki siguro ng baboy si Jackson at ikaw ang sinasabi ko. Ikaw ang mataba na baboy. Kung patuloy kang kumakain ng hapunan araw-araw na tulad nito, madadagdagan ang timbang mo. Sasabog ka tulad ng isang lobo!"Sa kabilang banda, si Tiffany naman ay lubos na umaasa, "Bakit ako matatakot? Hindi ako makakahanap ng mabuting lalake na pakakasalan ko. Mas komportable akong mabuhay nang mag-isa. Kaya kong gawin a
Hindi nagtagal napagtanto ito ni Arianne, “Hayaan mo na. Itigil na natin. Tatawag tayo ng isang door repairman para palitan ang pinto."Sumakit ang puso ni Tiffany, "Mahal ang pintuang ito. Mahuhuli ko ang kakila-kilabot na g*go na iyon at tuturuan ko siya ng leksyon!"Maaga pa kaya hindi agad mababago ang pinto. Maraming mga negosyo ang hindi pa nagbubukas, kaya natagpuan nina Arianne at Tiffany ang ilang mga tool at sinira niya ang pintuan. Kailangan nilang panatilihin ito dahil magsisilbing ebidensya ito sa kanilang report sa pulis. Ito ay maituturing na illegal property damage. Ang halaga ng kanilang pinto ay sapat para magsampa ng kaso.Sabay na dumating ang pulis at ang door repairman. Nang makita ng pulis ang estado ng pintuan ng salamin, kinunan nila ito ng larawan bilang katibayan at pagkatapos ay umalis para suriin ang mga surveillance camera. Ang nakapaligid na lugar ay under surveillance, kaya't hindi mahirap kumuha ng footage.Sa oras na ang iba pa sa shop ay dumating
Nagpatuloy si Arianne, "Binayaran namin siya ng kanyang sahod sa araw na tinanggal namin siya at hindi kami naniningil para sa pagkain ng mga desserts o pag-inom ng aming inumin araw-araw. Nagtanggal kami ng isang maliit na bahagi dahil sa kanyang pagiging late araw-araw. Sobra siyang hindi nasisiyahan at nakipagtalo siya sa amin bago umalis. Mula sa araw na iyon, sinabi niya sa kanyang mga kaibigan na gumawa ng mga order na takeaway app para sa aming mga desserts araw-araw. Pagkatapos, nang matanggap nila ang order, mag-iiwan sila ng pangit na reviews. Walang sinumang nagkaroon ng anumang mga problema sa aming mga produkto at sigurado na wala kaming mga isyu sa kalinisan. Sinisiraan niya lang kami.""Sa wakas, personal akong pumunta para maihatid ang kanilang order. Pero, hindi ko siya binanta. Nialagay ko sa blacklist ang mga account niya at ng kanyang mga kaibigan, para pigilan ang mga ito na gumawa ng bad reviews. Sinabi ko pa sa kanila na ni-record ko ang buong bagay nang, sa kat
Tinalikuran siya ni Arianne, "Ayoko na ulit siyang isipin."Pagod na sila ng pasado seven o'clock ng gabi. Humikab si Tiffany at bumangon para magluto ng isang pot ng instant ramen. Ang kanyang mga kasanayan sa paggawa ng ramen ay hindi kasing galing ni Arianne at ang mga pansit ay dumikit sa isa't isa. Hindi naman nagreklamo si Arianne. Natapos niya ang buong mangkok.Matapos ang hapunan, umupo sila ng magkasama upang mag-binge watch sa kanilang paboritong drama series. Biglang nagpasya si Arianne, "Sa palagay ko gagamitin ko ang secret recipe na iyon mula kay kilala mo na. Siguro nakuha niya ito mula sa top class pastry chef. Hindi ko ugali na itapon ang mabuting kalooban ng ibang tao."Tumawa si Tiffany hanggang sa napasinghal siya, “Kailan ka natututong hayaan na lang ang isang nakakahiyang sitwasyon? Matigas ang ulo mong tumatanggi na gamitin ito noong una. Naliwanagan ka ba sa wakas? Kung tatanungin mo ako, hindi ako naniniwala sa 'kung sino ang may utang kung kanino' pagkatap
Nakatingin sa kanya si Jackson, "Ano ba ang dapat mong harapin ngayon?"Nag-alala si Tiffany sa titig ni Jackson sa kanya, "Lubayan mo ako! May kinalaman ka ba dito?"Ngumisi si Jackson, "Medyo mainit dito. Hindi ba mainit sa ilalim ng scarf na 'yan?"Hinugot ni Tiffany ang scarf sa leeg niya at nakaramdam siya ng kakaibang init. Nagtataka siya kung nawala ang isip niya nang magdesisyon siyang isuot ang scarf na ito upang makita si Jackson ..."Sinuot mo ba ang scarf na ito, para sa akin?"Nanigas ang katawan ni Tiffany. Damn it, Jackson. Mahirap ba sa kanya na itikom ang kanyang bibig? Nagsisimula na siyang mag-isip na nawala sa isip ni Jackson; bakit kinailangan niyang sabihin ang mga kagalit-galit na mga bagay sa kanya?Galit na sumabad si Tiffany, “Pfft! Ito ay isang random scarf kinuha ko noong lumabas ako! Walang sinumang magagandang mga babae sa isang bar na tulad nito ang kukuha ng atensyon mo. Hindi ka nagbago, tama ba? Ang isang lalaking katulad mo ay bagay na maging m
Mabilis siyang hinabol ni Jackson. Pumara siya ng isang taksi, pumasok sa kotse at kinaladkad si Tiffany kasama siya, "Sa Port Le Triomphe Hotel!"Ang paghinga ni Tiffany ay naging hindi matatag, "Bakit tayo pupunta sa isang hotel? Gusto ko nang umuwi! Sir, Franc Park Avenue!"Lumabas si Jackson ng isang salaping cash at sinampal ito sa co-driver's seat, "Sa hotel ka dumiretso!"Nakita ng drayber ang makapal na pera at itinuring ito bilang away ng mag-asawa. Samakatuwid, mariin niyang dinala ang kotse sa hotel.Mapang-akit na hinila ni Jackson si Tiffany papasok. Alam niya na seryoso siya ngunit hindi naglakas-loob na gumawa ng isang eksena. Medyo nagpumiglas si Tiffany habang sinabi niya, "Huwag... Pumunta tayo sa ibang lugar at mag-usap, okay? Hindi ako tatakbo..."Hindi siya pinansin ni Jackson at hindi siya hinayaan na magsalita pa habang hinihila siya papasok sa elevator.Nang makita niya na wala nang iba sa elevator, sumigaw si Tiffany, "Nababaliw ka ba? Pakawalan mo ako! B