Dinala niya ang thermal lunch box papunta sa opisina ni Jackson at nagtanong, "Plano mo ba talaga na dalhin ako ng lunch araw-araw?" Si Jackson ay nasa kalagitnaan ng pagtatrabaho sa isang bagay, napatingin siya kay Tiffany nang marinig niya ang boses nito. "Bakit? Pangit ba ang lasa?" Nilagay ni Tiffany ang lunch box sa kanyang mesa at sinabi niya, "Hindi iyon, gusto ko lang malaman kung bakit mo ginagawa ito. Huwag kang magdahilan na isang boss ka na nag-aalala para sa kanyang empleyado. Maraming mga buntis na babae sa building na ito at hindi ko kailanman nakita na gumawa ka ng anumang katulad nito para sa alinman sa kanila. At huwag mong sabihin na dahil si Ari ay kaibigan ko, o ginagawa mo ito para kay Mark. Sinungaling iyon at alam nating lahat ito." Inilapag ni Jackson ang kanyang tinatrabaho at tinitigan siya, pabiro na nagtanong, "Come on, 'natulog' tayo nang magkasama, hindi ba? Pagkatapos ng lahat ng iyon, hindi ka dapat mag-alala tungkol sa isang maliit na bagay na tu
Napabuntong hininga si Jackson. "Mabuti naman. Kainin ang pagkain, dahil nandito naman na. Sa susunod, kung magising ako ng maaga at magkaroon ng ilang ekstrang oras, pwede kitang lutuan ng pagkain at dalhin ito para sayo, dahil ginagawa ko na rin naman ito. Ito ay nagkataon lang para di ka na mahirapan, kaya't hindi mo kailangang mahirapan pa."Huminga ng maayos si Tiffany. Kinuha niya ang thermal lunch box at umalis.Sa Tremont Tower.Pinaypayan ni Lillian ang kanyang sarili ng isang flyer habang nakatingin sa malaking gusali. Maya-maya, naglakad na siya papasok sa front desk. "Miss, pwede mo bang tawagan ang iyong CEO para sa akin? Sabihin mo sa kanya na ako ang ina ni Tiffany Lane at mayroon akong sasabihin sa kanya. Ang asawa ng iyong CEO ay nanatili sa bahay ko."Kinuha ng receptionist ang telepono nang marinig niya ito, "Sige, maghintay ka po ng sandali."Nakakonekta ang tawag. Maingat na sinabi ng kabilang linya, “Mr. Tremont, mayroong isang tao dito na gustong makipagkita
“Buntis si Ari. Nakita ko ang medical report niya at twelve weeks na siyang buntis. Halos tatlong buwan na din, hula ko. Hindi siya nag-iisa ngayon at kailangan niyang mag-overtime hanggang gabi na. Palagi siyang namumutla at napapagod pagdating sa bahay, para sa kaunting sweldo. Ang sakit sa puso. Hindi ko alam kung anong nangyari sa inyong dalawa. Malamang tumatanggi siyang sabihin ito sayo dahil ayaw niyang bumalik sa bahay. Buntis nga naman siya, kung tutuusin. Mas mahalaga para sa kanya na manatiling masaya. Sinasabi ko lang sayo para alam mo. Mas mainam pa rin na hayaan mo siyang manatili kung saan niya gusto. Ano sa tingin mo?" Maingat na sinabi ni Lillian ang bawat salita sa kanyang pagsisikap na basahin ang ekspresyon ni Mark.Nanginginig si Mark. Buntis na naman siya? Agad na naisip ang araw na nasa ospital si Arianne, sobra ang pagdudugo niya noon. Naalala din niya ang sinabi ng doktor - maliit na ang pagkakataong mabuntis si Arianne … Ilang beses lang silang nagtalik at hi
Matapos maibaba si Arianne at tiyakin na nakapasok na siya sa elevator, hinugot ni Brian ang kanyang cellphone at tumawag, "Sir, hinatid ko si Mrs. Tremont sa bahay. Gusto mo bang ihatid ko siya araw-araw? Maghihinala siya, hindi ba? Maiisip niya na nagkataon lang kung isa o dalawang beses itong nangyari... Maiisip niya na sinasadya na kung naulit ulit ito...""Alamin mo kung anong gagawin mo," ang malamig at malinaw na boses ni Mark na umalingawngaw sa kabilang linya.Biglang naguluhan ang isip ni Brian, "Hindi ko na kaya... Sir, bakit hindi mo na lang sabihin sa kanya na ihahatid ko siya papunta at pauwi mula sa trabaho niya? O di kaya... pwede mong bigyan ng kotse si Tiffany at sabihin mo sa kanya na ihatid pauwi si Mrs. Tremont mula sa trabaho?"Hindi siya nakakuha ng sagot mula kay Mark, dahil binaba na niya ang tawag.Sa Tremont Estate, tumayo si Mark sa harap ng French window sa kanyang kwarto at tinawagan siya bigla ni Jackson, "Mag-isip ka ng isang paraan na bigyan si Tiff
Nag-alala si Arianne kaya sinabi niya kay Tiffany, “Tiffie, sabihin mo ang totoo sa akin. Kumusta ang mga bagay sa pagitan mo at ni Jackson? Hindi ka pwedeng sumuko para lang sa pera. Mabuti kung talagang gusto niyo ang bawat isa at balak niyong magpakasal, pero kung naglalaro ka lang para sa pera o damit o kotse, huwag mong gawin ito. Natatakot ako na baka mahirapan ka. Alam kong baka masyado ko lang itong iniisip; walang lalaking magdadala sayo ng tanghalian at kotse nang walang magandang dahilan!" Si Tiffany ay nababaliw na. Takot siyang ibunyag na nalaman ni Mark ang tungkol sa kanyang pagbubuntis at sigurado na ipaalam ni Mark na siya ang nagbigay sa kanya ng kotseng ito. Bukod pa dito, pinaghihinalaan niya na si Lillian ang nasa likod ng lahat ng ito... Natatakot siya na baka hindi niya kayang magpanggap kung magtatanong pa si Arianne. Hindi siya ang tipo ng babae na maaaring magtago ng mga sikreto, kaya bakit nila ilalagay si Tiffany sa ganitong posisyon? "Hindi sa ganon, Ar
Pinagsisihan ito ni Tiffany. Tama iyon, sa lahat ng problema nila ni Lillian, ito ang kauna-unahang pagkakataon na naramdaman niyang nagkamali siya. Nasabi lamang niya ang mga bagay na iyon sa sobrang galit, kaya hindi niya mapigilan ang kanyang sarili. Gayunpaman, si Lillian ay sumobra na din. Kailangan niyang linawin ang bagay bago aminin ang kanyang pagkakamali. Tiniis niya ang sakit na naramdaman, huminga ng malalim, at sinabing, "Binigyan ka ba ni Mark ng pera nang walang dahilan? Ang perang binigay niya sayo ay para kay Ari, di ba? Hindi mo ba naisip na sobra na ang ginawa mo para gastusin mo ang pera na iyon para sayong sarili?"Ngumisi si Lillian, "Wala ito. Ang halaga ng pera na ito ay tulad ng isang patak ng ulan sa karagatan para kay Mark. Hindi mo ba naisip na ang pangangalaga kay Rice Ball at kay Arianne ay nagkakahalaga ng pera na ito? Nananatili din siya sa bahay natin. Inalagaan mo rin siya sa school. Itabi natin ang lahat ng iyon. Siya ay isang babae na walang sarilin
Unti-unting lumubog ang puso ni Arianne habang naglalakad sa taas si Mary. Hindi niya inaasahan na malalaman agad ang kanyang pagbubuntis. Ano ang magiging reaksyon ni Mark kapag nakita siya nito?Saglit lang siyang nag-isip bago dumating si Mary sa baba. “Ari, sinabi ni sir na umakyat ka sa taas. Kakagising lang niya."Nagbigay ng naniniguradong tingin si Arianne kay Tiffany, pagkatapos ay bumangon at pumunta sa itaas. Nang siya ay pumasok sa kwarto na pag-aari nila, pakiramdam niya na parang nagkaroon siya ng deja vu. Ang kwarto ay napuno ng amoy ni Mark. Sa ilang kadahilanan, hindi na bumigat ang puso ni Arianne dahil dito.Wala sa kama si Mark, ngunit naririnig niya ang tunog ng agos ng tubig sa banyo. Hindi ito tulad ng shower; naghuhugas siguro siya.Matiyaga siyang nakatayo sa harap ng mga French window at hinintay si Mark. Pagkalipas ng sampung minuto, lumabas si Mark mula sa banyo nang naka pajama. Ang buhok niya ay hindi magulo, hindi katulad ng dati niyang hairstyle. Nag
Hindi mawari ni Arianne kung ano din ang iniisip ni Mark. Nagulat din siya dahil hindi nila nabanggit ang kahit ano tungkol sa bata. Natandaan niya na manhid na tao si Mark kaya normal lang ito. Bakit magaalala ang lalaking tulad nito sa kanyang sariling blood relative? Sinabi niya kay Arianne na mahal niya ito, nagkamali ba siya? O… lumipas na ba talaga ang pag ibig na 'yon? Inilabas ni Tiffany ang kanyang mga pagkabigo sa Audi nang sila ay lumabas mula sa Tremont Estate, "Kung mayroon lang akong sapat na pera para tumanggi, hindi ko na muling imamaneho ang kotseng ito. Sino ang nagbigay kay Mark ng pagkakataon na magkaroon ng napakaraming pera? Sa oras na ito, wala na tayong magagawa kundi ibaba ang ating ulo sa mga masasamang puwersa. Oo nga pala, ang nanay ko ay may mga masasamang plano pa kung mananatili ka sa bahay ko. Kapang nangyari 'yon, hindi natin magagawang linisin ang anumang gulo na sisimulan niya. Tutulungan kita na makahanap ng isang kwarto sa susunod na dalawang ara