Biglang tumawa si Eric. "Okay lang. Mula ngayon, wala akong kinalaman sa mga Nathaniel. Narinig ko na ang aking pinakamatandang kapatid na lalaki ay sinusubukan na kumbinsihin si Mark na makipagtulungan sa kanya. Alam mo bang hindi pumayag dito si Mark? Dahil ang asawa ni Mark ay nandito ngayon, hayaan mo akong linawin ito sayo; kalimutan niyo nang lahat ang paggawa ng relasyon kay Mark Tremont. Habang nandito ako, hindi ito mangyayari! Ang mga kita ay maaaring maging mahalaga kay Mark, pero hindi ito kasing halaga ng pagkakaibigan. Kung hindi ka naniniwala sa akin, subukan mo!"Napatingin si Mr. Nathaniel kay Eric bago ibinaling ang tingin niya kay Arianne. Walang makapagsabi kung ano ang iniisip niya. Sa huli, nanatili siyang tahimik at umalis.Napabuntong hininga si Arianne. Natakot talaga siya. Natatakot siya na hindi lang saktan ni Mr. Nathaniel si Eric, ngunit papatayin din niya ito. Iyon ang dahilan kung bakit binanggit niya si Mark simula pa lang. Mukhang napaka-epektibo ng p
Ang tahanan ng pamilyang Nathaniel.Tumawag si Mr. Nathaniel para sa isang meeting ng pamilya nang siya ay dumating sa bahay. Naturally, hindi inimbitahan si Eric.Ang lahat ng gustonv makinabang mula kay Mr. Nathaniel ay natural na kailangang lumapit sa kanya bago pa siya mamatay.Dumating na ang kanyang panganay at pangalawang anak na lalaki. Hinila din ng dalawang magkapatid ang mga miyembro ng kanilang pamilya. Ang kanyang anak na babae na bagong kasal lamang ang hindi dumalo sa meeting."Bakit mo kami pinapunta ng mabilis dito, pa?" Ang kanyang pangalawang anak na lalaki ay medyo naguluhan dahil ang meeting ay nakagambala sa kanyang kasiyahan. Gayunpaman, hindi niya ipinakita ang kanyang inis na nararamdaman.Masungit na sumagot si Mr. Nathaniel, "Hindi ko inaasahan na may koneksyon pala si Eric kay Mark Tremont. Bukod pa dito, mabuting magkaibigan sila. Ang asawa ni Mark ay isang designer din sa kumpanya. Mali ang pagkalkula ko sa oras na ito. Hindi ko alam kung sinusubukan
Walang nakakaalam kung ano ang ibig niyang sabihin. Ang asawa ng panganay na anak ay hindi makatiis sa mga kasuklam-suklam na pamamaraan ng kanyang hipag kaya sinungungitan niya ito, "Huwag mong isama dito ang iyong hindi magandang mga pamamaraan. Sa huli, magiging uhaw at baliw tayo sa pera kung ginawa natin 'yon."Ang asawa ng pangalawang anak ay tumingin sa kanya, "Anong sinasabi mo? Anong hindi magandang pamamaraan? Suggestion kong kumbinsihin natin ang asawa ni Mark na magtaksil kay Eric. Sa oras na iyon, siguradong mapuputol ni Eric ang relasyon niya kay Mark. Kung may problema si Eric sa asawa ni Mark, tiyak na magkakaroon ng problema sa kanya si Mark. Sa oras na iyon, maaari nating samantalahin ito para maayos ang mga bagay at akitin si Mark sa panig natin. Sigurado akong hindi ibabalewala ni Mark ang pakikipag trabaho sa atin para makapaghiganti kay Eric!"Nagningning ang mga mata ng panganay na anak. "Pa, sa palagay ko hindi magandang ideya 'yon. Nasa Glide pa rin si Lily.
Sa sandaling ito, naintindihan niya na si Mark ay naging mahalaga sa kanya tulad ng isang miyembro ng pamilya. Tuwing nasa paligid siya, ang Tremont mansion ay mabubuhay. Ayaw ni Arianne na umuwi sa isang bahay na walang buhay. Mas naging nakakapagod ang mahabang araw na ito para sa kanya.Si Rice Ball ay umungol at umakyat sa kanyang mga braso. Ngumiti si Arianne at dinala ito sa itaas. "Pupunta ako sa taas para maligo at matulog. Naging busy talaga ako ngayon. Pasensya na dahil hindi kita nagawang alagaan."Sumagot sa kanya ang Rice Ball, na parang nagmamakaawa sa kanya.Sa oras na siya ay lumabas mula sa shower, nakatulog na si Rice Ball sa kumot sa sulok ng kama. Hindi niya kayang gisingin nito kaya hinayaan niya na lang ito. Maingat siyang pumasok sa kumot at nakatulog.Matapos ang ilang oras na lumipas, nagising siya mula sa kanyang panaginip dahil sa biglang hiyaw ni Rice Ball. Binuksan niya ang mga ilaw sa sobrang gulat. Parehong malinaw na nagulat dito sina Mark at Rice Ba
Mabilis na bumalik si Arianne sa kanyang mesa para hanapin ang mga dokumento sa kanyang mga kamay, ngunit sa kabila ng kanyang pagsisikap, hindi niya talaga ito nakita! Bumalik siya sa opisina ni Eric na namumutla ang mukha. “Hindi talaga… Nawala ang dokumento ko. Bakit nag-iba na naman ang sinabi ng kliyente? Malinaw na pinirmahan na ang kontrata. Sobra na ito!”Ibinaba ni Eric ang kanyang boses at sinabi niya, "Dahil sa kasalukuyang sitwasyon ko, na umalis sa koneksyib ko sa pamilyang Nathaniel, ang Glide ay isang med-level company na lamang kaya hindi ko silq mabibigyan ng revenue. Hindi natin hahayaang malaman ng mga kakumpitensya natin ang tungkol dito. Kung makalabas ang balita na ito, ang aking mga kakumpitensya ay sisingit at bibigyan ang mga kliyente natin ng mas mataas na kita. Sa oras na iyon, ang pag-kansela ng kontrata ay magiging normal, tulad nito. Hindi sa hindi ko ito kayang bayaran, hindi ko lang kailangang maglabas ng ganoong klaseng pera. Naiintindihan mo?"Nagala
Huminga ng malalim si Arianne. “Salamat, naiintindihan ko. Hindi nawala ang personal kong gamit. Nawala ang isang kumpidensyal na papeled mula sa kumpanya."Bumuntong hininga ang kasama niya. Isang nakakatakot na ekspresyon ang makikita sa kanyang mukha habang sinabi niya, "Wala itong kinalaman sa akin!"Hindi sumagot si Arianne. Ayaw niyang maghinala kay Lily, ngunit ang oras ay masyadong nagkataon. Naniniwala si Eric na nagawa niyang mapakampi sa kanya si Lily, sobra siyang mabibigo kung malalaman niya na si Lily ang nasa likod nito.Tumayo si Arianne at tinawag si Lily sa pantry.Walang pasensya na sinabi ni Lily, "Ano ito? Oras na para magtrabaho. Kung mayroon kang sasabihin, gawin ito kapag tapos na ang lahat."Dumiretso sa punto si Arianne. “Alam kong ninakaw mo ang dokumento. Nagtatrabaho ka dati para sa mga Nathaniel at naiintindihan ko kung ibigay mo ito sa kanila. Bakit mo ginawa 'yon?"Lumubog ang expression ni Lily. "Pagkakamali mo 'yan. Bakit mo ko sinisisi dito? Hin
Tiningnan ni Lily si Arianne. Walang nakakaalam kung ano ang pumapasok sa kanyang isipan sa sandaling ito. "Mabilis mong natuklasan ang katotohanan dahil hindi malinis ang trabaho ko." Tumingin siya kay Eric, "Ayokong gawin din ito, pero pinagawa ito sa akin ng panganay mong kapatid. Tinanong ko siya kung bakit, pero hindi niya ako binigyan ng dahilan. Hindi madali para sa akin ang makahanap ng masisimulan dito sa capital. Binigyan ako ng mga Nathaniel ng maraming mga pagkakataon. Ang aking pamilya ay hindi masyadong maayos at ayokong mawalan ng trabaho. Papatayin ako ng nanay ko kung mawawala ang aming mapagkukunan ng pera. Kailangan lang magsalita ng iyong panganay na kapatid at gagawin ko agad ito. Wala akong pagpipilian…"Malinaw ang pagkabigo sa mga mata ni Eric. "Sa tingin mo ba asong gala ako? Hindi kayang lumaban para sa kanyang sarili at hindi kita maalagaan? Sa tingin mo hindi ako maaasahan? Okay lang. Ayos lang yan. Plano kong isama ka sa akin nang magsimula ako ng sarili k
Pinakita ni Eric ang isang 'okay' na sign habang sinabi niya, "Magpahinga ka ng mabuti ngayong weekend at pumasok ka sa kumpanya ko sa Lunes. Hindi magbabago ang sahod mo. Huwag kang mag alala, hindi kita itatrato ng hindi patas. Ipadadala ko sayo ang address sa susunod.Hindi na kailangang mag-overtime ni Arianne ngayon kaya relaxed na siya ngayon. Bumalik siya sa Tremont Estate pagkatapos ng kanyang trabaho. Mainit ang panahon ngayon kaya medyo mainit na din ang pakiramdam niya. Nagpalit siya ng isang pares ng pajama na gawa sa manipis na materyales pagkatapos niyang mag-shower. Pagkatapos, pumunta siya sa kusina para tulungan si Mary.Naantig ang puso ni Mary nang makita niya si Arianne dahil bihira itong umuwi ng maaga. "Hindi mo ako kailangan tulungan. Umakyat ka at magpahinga. Pagod ka na sa trabaho.""Hindi ako pagod," nakangiting sagot ni Arianne, "Hayaan mo akong tulungan ka. Sobrang ganado ako ngayon. Kadalasan, tinatamad akong lumipat. "Napansin ni Mary na si Arianne ay