Pilit na ngumiti si Arianne. "Palagi siyang ganoon sa akin. Naiinggit ako sa ibang tao minsan, nararanasan niyo ang kabaitan niya. Mahigit sa sampung taon na akong nakasama, pero hindi ko kailanman..."Walang balak si Nina na asarin siya. Sa halip, naintindihan niya ang nararamdaman ni Arianne. "Base sa dati kong pagkakaintindi kay Mark, sa palagay ko sinabi niya lang ang mga salitang iyon dahil galit siya. Hindi ko alam kung anong nangyari sa inyong dalawa. Pero, batay sa aking womanly instincts, sa palagay ko hindi niya sinasabi ang totoo. Noong una, hindi ako naniniwala na gusto ka niya. Naisip ko pa na pinilit mo siyang pakasalan ka sa pamamagitan ng pagbubuntis at paggamit ng kung anong trick na ginamit ng mga tao sa mga drama. Pero, naniniwala na ako ngayon. Hindi ba siya nagpilit na pakasalan ka?"Hindi maintindihan ni Arianne ang mga sinabi ni Nina. "Anong ibig mong sabihin? Narinig mo ang sinabi niya, iniisip mo pa rin na mayroon kaming relasyon? "Napatingin si Nina sa la
Nagkibit balikat si Nina. "Kung hindi ko narinig ang kanyang mga sinabi kanina at nakita siyang nagwawala dahil sayo, hindi ako maniniwala na gusto ka niya. Kung hindi niya gagawin ‘yon, siguradong lalaban ako para makuha ko siya. Pero, iba na ito ngayon. Hindi ko ugali na manguha ng partner ng ibang tao. Nakakamangha ka, nagawang mong gawing isang anghel ang demonyo. Bibigyan kita ng dalawang thumbs up."Sa sandaling ito, biglang lumitaw si Mary, “O, naguusap pala kayong mga babae dito! Lumapit kayo, kumain ng mga prutas." Dahil narinig niya ang mga sinabi ni Nina, parang nawala na rin ang sama ng loob niya sa babaeng ito.Ramdam ni Nina ang pagbabago sa pag-uugali ni Mary sa kanya at kaaya-aya nitong tinanggap ang mga prutas. "Oo naman, iwanan mo ang mga 'yan dito, Mary."Nilapag ni Mary ang mga prutas at tumingin siya kay Arianne. “Ari, galit na galit si sir. Bakit hindi ka... Di bale, sayang ang laway ko para kausapin ka pa. Pareho kayo ni sir, masyadong matigas ang ulo. Lalo na
Nagpanggap si Arianne na parang wala siyang narinig at pumasok siya sa loob. “Mr. Nathaniel, anong problema?" Bagaman nagbago ang emosyon ni Eric, hindi pa rin siya ngumiti at hindi niya maitago ang kanyang inis. "Uh… Pumunta ka sa opisina ni Mark. Mayroong ilang mga kontrata na kailangan ang kanyang signature. Kailangan natin nang agaran ang mga kasunduan. At saka, mag-overtime tayo sa darating na mga araw. Pero, dahil nanghihina ka pa ngauon, hindi mo kailangang manatili at mag-overtime. Ang biglaang desisyon na ito ay ginawa dahil sa isang emergency. Hindi natin alam, baka hindi ako ang mag-manage sa kumpanyang ito sa susunod. Sisiguraduhin kong tapos na ang lahat bago mangyari iyon."Tumango si Arianne at kinuha ang mga dokumento bago siya bumalik sa kanyang mesa. Matapos mag-impake, pumunta siya sa hagdan para sumakay ng taxi papunta sa Tremont Tower. Nakapasok siya ng walang problema sa buildinh at forty-sixth floor, kusa niyang inalis ang kanyang sapatos at tumungtong sa sa
Tumawag si Arianne sa bahay at sinabihan niya si Mary na hindi siya ay makakakain ng hapunan sa bahay dahil siya ay mag-overtime. Sinabihan siya ni Mary dahil nag-aalala ito para sa katawan ni Arianne na hindi kakayaning magtrabaho, ngunit wala siyang sinabi. Nang lumabas si Eric sa kanyang opisina upang gumawa ng isang baso ng tsaa noong eight o'clock ng gabi, napaatras siya nang makita niyang nandiyan pa rin si Arianne. "Bakit hindi ka pa umuwi?" Kaswal na sumagot si Arianne, "Nakaupo ako dito buong araw, hindi naman nakakapagod physically ang trabaho ko. Hindi ito nakakapagod. Kakayanin ko to. Kung sa tingin ko ay hindi maganda ang pakiramdam ko, aalis ako ng maaga. Huwag kang magalala sa akin." Nag-aalala pa rin si Eric. "Pasado alas otso na. Mag-overtime kami hanggang nine thirty. Pwede ka nang umuwi. Okay lang." Tumingin sa kanya si Arianne bago niya tuluyang pinatay ang kanyang computer at inayos ang mga gamit niya nang tahimik. Bilang isang lalaki, mataas ang pride n
Si Tiffany ay na-conscious sa kanyang sarili habang hinihimas niya ang kanyang pisngi. "Talaga? Hindi ko mapigilan ... Kung hindi ako nagtatrabaho ng part-time, hindi ko masusuportahan ang nanay ko sa kaunting sweldo. 'Wag na nating pag-usapan iyon. Nalulungkot lang ako doon." Pagsapit ng eight o'clock ng umaga, pumasok na si Eric sa opisina. Mabilis siyang binati Tiffany na may hawak na kontrata. “Tulungan mo akong pirmahan ito ng mabilis! Kailangan kong ibalik ito sa opisina ni Jackson bago mag nine o'clock!" Malinaw na nagulat si Eric sa biglang paglitaw ni Tiffany. Kinapa niya ang kanyang bulsa pero hindi siya makahanap ng panulat. Nang makita ito, maginhawang iniabot sa kanya ni Tiffany ang isang ballpen mula sa mesa ni Arianne. "Bilisan mo, bilisan mo!" Sa sandaling napirmahan ang kontrata, nawala si Tiffany na parang isang bugso ng hangin. Napatulala si Eric. “Arianne… Anong kontrata yung pinapirma niya sa akin? Hindi ko agad ito nabasa. Inaasahan kong hindi ito ang kont
Ibinaba ni Tiffany ang kanyang ulo sa takot na mapansin. "Hindi na. Iba ang dadaanan ko dahil may gagawin pa ako. Pwede ka nang mauna." Si Jackson ay hindi bulag at hindi rin siya tanga. Madalas na ang mga babae ay nagdadala lamang ng mga handbag na malaki para dalhin ang kanilang cellphone at ilang mga pampaganda para sa trabaho. Gayunpaman, si Tiffany ay nagdadala ng isang itim na bag sa trabaho kanina at malinaw naman na hindi ito isang bagay na kabibili niya lang. Sobrang nagtataka si Jackson sa kung saan nagmamadaling pumunta si Tiffany pagkatapos ng trabaho. Sumunod siya ngunit hiniling sa drayber na ihinto ang kotse sa intersection. Pinagmasdan niya ang pagpasok ni Tiffany sa isang taxi at inutusan ang drayber na sumunod sa taxi na sinasakyan ni Tiffany. Medyo naguluhan ang driver. "Sir, hindi ka ba kakain kasama ni madam ngayon? Saan ka pupunta? Late na tayo..." Sumimangot si Jackson. "Ipaalam mo sa nanay ko na hindi ako babalik para maghapunan ngayon. May gagawin pa ako."
Nanatiling tahimik ang lalaki.Nagmura si Tiffany sa kanyang sarili. Bakit malayo ang loob niya pagdating sa ganitong uri ng lugar? Bago pa si Tiffany sa industriya na ito. Ngayon na naging mahirap ang kanyang sitwasyon, hindi niya alam kung paano siya dapat magpatuloy. Naalala niya ang mga aral ng madam na lugar na ito at nahulaan niya na ang lalaking nasa harap niya ay gusto ng madamdamin at mapaglarong uri ng babae. Habang iniisip anh kanyang walang laman na pitaka at ang 1,200 dollara na ginastos lamang ni Lillian kaninang umaga, napangisi siya at pinatong ang kanyang braso sa lalaki. “Bakit ang tahimik mo, sir? Pasensya na. Bago pa lang ako dito at hindi pa ako magaling sa pag-aliw ang mga bisita. Gusto mo bang tumawag ng iba pang mga batang babae dito na masayang kasama?" Gayunpaman, nag-panic si Tiffany nang hawakan ng lalaki ang kamay na ipinatong niya sa kanyang dibdib. Nakatagpo ba siya ng masama? Gayunpaman, sa isang iglap lang ng mata, pinakawalan ng lalaki ang kanyang
Medyo nanginginig na ang boses ni Tiffany. Para mapigilan ang kanyang luha, binuhusan niya ang kanyang sarili ng isang basong alak at ininom ang lahat ng itp. Mabuti na lang at sanay siyang uminom at marami siyang nainom na alcohol noon. Ang kanyang malakas na alcohol tolerance ang tumulong sa kanya na makapagtrabaho sa ganitong uri ng lugar. Naramdaman din ni Jackson na medyo naging emosyonal siya ngayong gabi. Huminga siya ng malalim at pinalambot ang kanyanv boses. "Pwede mo akong itrato na parang hindi mo ako kakilala at sabihin mo lang sa akin ang gusto mo." Ininom ni Tiffany ang alak na binayaran ni Jackson at bumulong siya, "Sige, sasabihin ko sayo kung gusto mo akong pakinggan. Totoo na ang aking pamilya ay hindi na kailangang magbayad ng mga utang ngayon, pero wala pa rin akong naipon na pera. Noong nakipaghiwalau sa akin ang dati kong boyfriend, ibinalik niya ang lahat ng perang ginastos ko sa kanya noong kami pa. Ang pera na iyon ay nagkakahalaga ng halos $300,000. Malak