Ang balita ay katumbas ng pagsasabi na niloko niya si Mark Tremont nang hindi halata sa pamagat. Matapos basahin ang balita, kalmadong inilagay ulit ni Arianne ang cellphone sa kanyang bulsa. "Well, nakita ko na ito ngayon. Ano naman?" Bumagsak ang mukha ni Mark at mukhang kakainin niya si Arianne ng buhay. "Ano naman?" Inulit niya ang tanong nito sa sobrang lamig. Nagkibit balikat sa kanya si Arianne. "Ano? Sinabi mo sa akin na basahin ang balita at ginawa ko. Hindi mo ba sinabi na ang bata ay hindi iyo? Ngayon alam ng buong mundo na hindi iyo ang bata. Ang galing di ba? Ngayon hindi mo na kailangang gampanan ang pagiging tatay." Nagkataon na narinig ni Mary ang mga sinabi ni Arianne nang bitbit niya ang isang plato ng pagkain sa sala. Laking gulat niya na nadulas ang pinggan mula sa pagkakahawak niya at biglang nabasag ito sa lupa at malakas ingay na naidulot nito. Tumalon si Mark mula sa kinauupuan niya at hinawakan sa balikat si Arianne. "Sabihin mo ulit yan!" Napatingi
Nagpatuloy si Arianne sa pagkain nang hindi siya tinitingnan. "Hindi ito isang 'bagay'. Si Rice Ball ang alaga ko.” "Wala akong pakialam kung ano ito! Paalisin mo ito dito. Ayokong makita itong muli sa susunod na umaga. Kung hindi mo itatapon ito ng sarili mo, ibang tao ang gagawa nito para sayo." Walang iniwan si Mark na lugar para sa negosasyon. "Mas naiinis ka sa Rice Ball kaysa sa akin. Saka bakit hindi mo ako pinalayas nang mas maaga kaysa panatilihin ako sa paligid kung masakit ako sa mata mo? Hindi ko paalisin si Rice Ball dito. Bilang kapalit, papayagan kitang magpaloko doon. Sigurado akong hindi lang si Aery ang babae mo. Anong problema kung may pusa ako?" Walang takot nitong pinukaw siya. "ARIANNE WYNN!" Muling nagalit Mark nang tumayo siya at hinampas ang lamesa. Hindi pinansin ni Arianne ang kanyang pagsabog. Dahan-dahan siyang ngumunguya ng pagkain sa kanyang bibig saka nagsalita matapos itong lunukin. "Huwag kang sumigaw. Hindi ako bingi. Dahil ayaw mo namang u
Bago pa siya makapagsalita, pinitik ni Jackson ang kanyang dila. "Maghahanap ako ng paraan para maayos ang insidente tungkol sa 'panlalalaki' ng asawa mo. Hindi ko gugustuhin na maawa ang iyong mga partners sa tuwing pumirma sila ng isang kontrata sayo. Mahalaga ang reputasyon ng aming Mark Tremont!" Tiningnan siya ng masama ni Mark. "Manahimik ka nga!" Sumagot naman si Jackson na may ngiting nang-aasar. "Sa palagay ko... hindi mo siya dapat galitin. Dati siya ay tulad ng isang maliit na kuneho na maaari mong paglaruan at paikutin. Hindi ko inasahan na magiging ganito siya, nakakatakot siya kapag nagwawala."Kinaway ni Mark ang kanyang kamay niya. "O sige, lumabas ka na sa opisina ko ngayon." Tumawa si Jackson. “Hahaha… okay, okay. Parang ang aming Mark Tremont ay matutulog sa opisina ngayong gabi. Nakakaawa. Aalis ako ngayon kasama ang nga magaganda." Kinabukasan, lumakad si Ellie Amore kaagad sa paglabas ni Mark matapos mag-ayos sa kanyang opisina. "Mr. Tremont, nandito si M
Parang nararamdaman ni Rice Ball ang nararamdaman ni Arianne, kaya inunat niya ang paa nito at hinimas ang likuran ni Arianne. Ibinaba niya ang pusa saka naglakad papunta sa bintana. Tinawagan niya si Mark sa kanyang cellphone ngunit mabilis na binaba sa loob ng isang segundo bago natapos ang tawag. Walang point ang pagtawag at pagtatanong kay Mark sa ngayon. Personal man ito o hindi, wala siyang dahilan para tanungin siya tungkol sa anumang nauugnay sa negosyo. Tinawagan niya na lang si Will. “Ang kumpanya mo ay nakuha ni Mark? Bakit hindi mo sinabi sa akin kanina? Tinawagan mo ako dati dahil dito, di ba? Siguro ay nalulungkot ka dahil dito...” Walang malasakit na tono ni Will, "Ang mahina ay biktima ng malakas. Ang pamilyang Sivan ay mas mababa kaysa sa pamilyang Tremont. Ang pagbili niya ng kumpanya ay hindi isang sorpresa. Dapat akong magpasalamat na hindi niya kinuha ang lahat. Pinayagan niya pa akong ipagpatuloy ang pag-manage ng kumpanya. Ang kaibahan lamang ay magtatrabah
Hindi na gustong kumain ni Arianne, kaya kinuha niya ang plate ng salmon at umakyat. Si Rice Ball ay tila mahilig sa salmon. Matapos linisin ang plato sa isang saglit lamang, ang puting ball of fur ay nagsimulang kuskusin ang sarili niya sa binti ni Arianne. Lumuhod si Arianne para kamutin ang malambot na balahibo ni Rice Ball, naramdaman niya na medyo gumaan na ang pakiramdam niya. "Little Rice Ball, ikaw ay isang ligaw na pusa dati, pero bakit ikaw ang chubby mo?" Isang malamig na paghilik ang nagmula sa labas ng studio. Napalingon si Arianne at nakita niya ang pigura ni Mark na dumadaan kasunod ang tunog ng pinto ng kanyang study room na nakasara. Hindi niya ito sineryoso at palihim niyang nilibot ang kanyang mga mata. Minsan, kahit na ang mga hayop ay mas makatao pa kaysa sa mga tao. Kahit papaano, sumasaya siya kapag pinapanood niya si Rice Ball. Matapos na paglaruan ni Arianne ang pusa, bumalik siya sa kwarto at natulog. Dahil sobrang boring sa bahay, nagpasya siyang b
Tamad na tamad si Arianne para maabala pa kay Mark. Hinila niya ang kumot sa kanyang ulo at pilit na natulog. Bigla na lang siya nakaramdam ng pag-lubog sa kama. Si Mark ba ay matutulog sa kwarto na ito ngayong gabi? Kung hindi siya nagkamali, lumabas siya na may twalya lamang ngayon. Awkward siyang bumangon at nakakita ng isa pang quilt. Sa gabing ito, natulog silang dalawa ngayong gabi sa iisang kama ngunit sa ilalim ng magkakaibang mga kumot. Kinaumagahan nang bumangon si Arianne, tulog pa rin si Mark. Ang kanyang kumot ay nadulas pababa sa kanyang dibdib at nakatitig siya sa kanyang sexy collarbone nang nahihiya. Bagaman hindi ito ang kanyang kauna-unahang pagkakataon na makita ito, namula pa ang mukha niya nang makita niya ito nitong umaga. Bigla niyang naaalala ang ginawa ni Mark kay Rice Ball kagabi, masama na hinila ni Arianne ang kumot ni Mark sa kanyang ulo. Upang lalong ma-secure ito, itinapon pa niya ang kanyang kumot sa kanya para matikman niya ang pakiramdam na magi
Si Eric na lalabas na sana sa kumpanya ay natawa nang marinig ang sinabi ni Arianne. Tinawagan niya kaagad si Mark pagkalabas niya ng elevator at inulit ang sinabi ni Arianne. Galit ang itsura ni Mark sa kabilang dulo ng linya. “Tumawa ka kung gusto mo, Eric. Gagawin kong imposible ang pagtawa sa iyo mamaya. Gusto mo pa bang ipa-pirma ang kontrata na iyon?” Pinilit ni Eric na pigilan ang tawa niya. "Ehem, ehem... Uh, wala itong kinalaman sa akin. Narinig ko lang siya noong napadaan ako. Hindi ba ako naging mabait sayo?" Tumaas ang mga sulok ng labi ni Mark. “Eric, pakisabi kay Arianne na ipa-pirma ang kontrata sa akin. Kung hindi man, hindi ako pupunta sa appointment. Hindi rin ako makikipagkita sa kahit sinuman mula sayong kumpanya. Mayroon kang isang oras at kalahati hanggang sa magtapos ang oras ng opisina para magpasya.” Lahat ng bakas ng kalokohan ay iniwan na ni Eric. "Big bro, huwag mo itong gawin sa akin. Ano ang magagawa ko kay Arianne kung tumanggi siyang pumunta? Tat
Pagdating sa forty-sixth floor ng Tremont Tower, ang secretary ni Mark Tremont na si Ellie Amore, ay naglagay ng dalawang pares ng tsinelas sa harap ng dalawang babae. "Pakipalitan ang mga sapatos niyo." Nagpalit ng tsinelas si Lily ayon sa sinabi, ngunit hindi pinansin ni Arianne ang utos. Siyempre, kumatok pa rin siya bago pumasok sa opisina at pumasok lamang pagkatapos magbigay ng pahintulot ni Mark. Nandito siya para papirmahan ang kontrata, kung tutuusin, hindi para makipag-away. "Mr. Tremont, ito ang kontrata mula sa aming kumpanya. Pwede mo itong tingnan muna. Hindi kailangang magmadali para pirmahan ito. Kumain tayo mamaya at pwede mong gamitin ang oras na ito para pag-isipan ito ng mabuti, "sinabi ni Arianne na may pormal na tono. Tumayo siya ng matangkad at tuwid habang nakangiti. Maliban sa kanyang sapatos na hindi niya binago, wala namang problema sa itsura niya. Seryosong sinuri ni Mark ang dokumento na naipasa sa kanya habang nakasandal sa kanyang upuan. Nagulat