Nanatili ang babae sa kanyang kinatatayuan habang hawak ang sanggol. Nakaramdam siya ng kaunting kahihiyan ngunit kadalasan ay wala siyang magawa. Alam niyang hinding-hindi niya mapapalitan si Arianne sa puso ni Will kahit na may anak na sila ni Will. Ito ang nakakalungkot na katotohanan.Isang mahabang buntong-hininga ang pinakawalan ni Arianne pagkalabas niya ng shopping mall. Ang malamig na hangin ang nagpaginhawa sa kanyang damdamin. Malapit nang matapos ang oras at darating na si Mark.Nagpadala siya ng message para sabihin sa kanya na nasa entrance siya ng shopping mall. Hindi nagtagal ay dumating ang kanyang sasakyan sa kalye sa kabilang kalsada mula sa kanya. Binuksan niya ang pinto ng kotse at pumasok siya sa kotse. Nawala ang lamig ng hangin sa labas dahil sa mainit na pakiramdam sa kotse. Inayos niya ang kanyang buhok na nagulo dahil sa hangin. "Saan tayo pupunta para mag-dinner?"Hindi sumagot si Mark, kaya lumingon siya at tumingin sa kanya. “Anong problema?”Nakatingi
Nakaramdam si Arianne emptiness sa kanyang puso. Ang kanilang relasyon ay mukhang matibay sa harap ng ibang mga mata, ngunit sa katotohanan, ito ay madaling masira. Malinaw ito base sa lahat ng nangyari ngayon.Nakatulog siya ng mahimbing bago lumabas si Mark mula sa banyo, siguro ay dahil mas madali para sa kanya na matulog sa dilim.Matapos ang ilang sandali, naramdaman niyang may gumalaw sa tabi niya. Binuksan niya ang kanyang mga mata at nakita niyang nakatingin si Mark sa kanyang cellphone. Nagkunwari siyang hindi niya ito alam, umaasa na ito ay magdadala sa kanya ng ilang uri ng kasiguruhan. Siguro ay sinusubukan niyang kumpirmahin kung na-save niya ang contact details ni Will. Sa kabutihang palad, wala ito sa kanyang cellphone…Nagising si Arianne bago sumikat ang araw kinabukasan dahil maaga siyang nakatulog. Mahimbing pa rin ang tulog ni Mark. Tahimik siyang bumangon at naligo. Nami-miss na niya ngayon si Aristotle. Ito ang kanyang unang pagkakataon na magpalipas ng gabi na
Naglakad muli si Mark palapit sa kanya, at kinurot ang tenga ni Aristotle. "Gusto ko rin na magkaroon tayo ng romantic date pero masyadong tapat ang kinikilos mo. Hindi mo ipinapakita ang kahit anong reaksyon kahit anong pilit kong akitin ka. Anong sinusubukan mong sabihin? Parang pinapakita mo lang sa akin na wala ka sa mood para sa date natin."Nagalit si Arianne sa kanyang maling accusation. "Buong gabi kang nakasimangot at nagpanic ako doon. Paano ako gaganahan para sa ibang bagay kung ganyan ang itsura mo? Pinamukha mo na ako ang may mali. Ikaw ang unreasonable at ang petty mo pa! Hindi naman ako nandiri sayo noong nagkaroon kayo ng relasyon ni Aery, hindi ba? So naiinis ka dahil lang sa aksidente kong nabangga si Will?"Hinila ni Aristotle ang kamay ni Mark para pigilan ang kanyang ama at hindi na ipinagpatuloy ni Mark ang kanilang pag-uusap. “Bumaba ka na para mag-almusal ka kapag tapos mo na siyang pakainin. Ihahatid kita sa opisina mamaya."Habang papunta sa opisina, pinada
Nakaramdam ng pag-aalinlangan si Jackson. Hindi sigurado kung may purong platonic na relasyon sa pagitan ng isang lalaki at isang babae. Alam niyang si Arianne ay nagkagusto kay Will at medyo malapit rin sa kanya si Tiffany. Posible bang nagkagusto si Tiffany kay Will sa isang pagkakataon? Kung hindi, bakit siya hihingi ng leave para lang makipagkita kay Will sa sandaling nalaman niya na si Will ay bumalik na? Dati naman ay hindi pumapayag si Tiffany sa kagustuhan niya kapag nakikiusap siyang umalis. Iyon ang dahilan kung bakit naging desidido siya sa kanyang desisyon. "Sasamahan kita o hindi ka pupunta."Sumabog ang init ng ulo ni Tiffany. "Fine, hindi ako pupunta! Sasabihin ko sa nanay mo na hindi mo pinapayagang umalis ang buntis mong asawa. Tignan natin kung makikinig siya sayo o hindi!"Hindi pinansin ni Jackson ang mga pananakot ni Tiffany. Hindi niya inaasahan na magsusumbong siya kay Summer.Pagkalabas ni Tiffany, tinawagan agad ni Summer si Jackson para pagsabihan siya. Pak
Nanatiling tahimik si Arianne. Hindi niya inaasahan napaka-agresibo pala ng asawa ni Will. Pinahiya na siya ng babaeng iyon sa pamamagitan ng pagdudulot ng isang malaking eksena, ngunit pumunta pa siya sa opisina ni Mark upang gawin ito. Naawa tuloy si Arianne kay Will. Siya ay isang maamo at matikas na lalaki, pero pinakasalan niya ang isang hindi makatwiran at bastos na babae. Isa pa, hindi siya ang babaeng mahal niya kaya hindi alam ni Arianne na mas mabigat ang pasanin sa mga balikat ni Will kaysa sa inaakala niya.Sumabog sa sobrang galit si Mark nang makitang tahimik si Arianne. "Magsalita ka! Bakit ka nanahimik? Inaamin mo ba na may kasalanan ka?! Nasa early thirties palang ako, ayokong mamatay sa galit dahil sayo!"Hindi alam ni Arianne ang gagawin niya, “Anong gusto mong sabihin ko? Nasabi ko na ang dapat kong sabihin. Kumain lang talaga kami. Niyaya niya akong lumabas bilang kaibigan para makapag-usap lang kami. Ano ang gusto mong gawin ko? Mabait na tao siya at hindi ko si
Pagpasok nila sa opisina ay bumalik agad si Mark sa kanyang trabaho habang si Arianne naman ay naghubad ng sapatos at umupo sa couch para tumingin sa isang fashion magazine. Paminsan-minsan, sinisilip niya si Mark para pag-aralan ang itsura nito. Masasabi niyang galit pa rin siya. Makikita ang galit sa kanyang itsura pero kahit papaano ay hindi siya sasabog sa galit. Gayunpaman, hindi pa rin siya komportable sa galit na mga mata ng lalaking ito.Sa wakas ay nakaramdam si Arianne ng pag-aalala nang umalis si Mark upang dumalo sa isa sa kanyang mga meeting. Tinawagan niya si Tiffany at sinabing, “Tiffany, hindi ka maniniwala sa nangyari. Sobrang saya ko na buhay pa ako at nakakausap kita!"Nasa opisina si Tiffany at mabilis na nag-activate ang kanyang gossip radar nang marinig niya ang mga salita ni Arianne. Nagtago siya sa hagdanan para makalayo siya sa mga tao. "Anong nangyayari dito? Sinong maglalakas loob na awayin ka? Si Mark ba?"Tumango naman si Arianne. “Dumating si Will sa op
Pagkatapos ng meeting ni Mark ay bumalik na siya sa kanyang opisina, ngunit laking gulat niya nang makitang nakatulog si Arianne sa sopa. Kahit nakabukas ang radiator sa opisina, malamig pa rin para matulog nang walang kumot. Dahil dito ay lumapit siya para gisingin siya. "Tapos na ako sa trabaho ko, kumain na tayo."Iminulat ni Arianne ang kanyang mga mata at tulala siya nang bigla siyang napaupo. Medyo nahihilo siya at namumula pa ang kanyang ilong. Hindi niya inasahan na magkakaroon siya ng sipon kahit na nakaidlip lang siya ng sandali. Pakiramdam niya ay nanghihina na siya at magkakaroon na siya ng sipon. “Anong… Anong oras na?”Ipinakita ni Mark ang kanyang pulso sa kanyang harapan at itinuro ang oras sa kanyang relo. "Anong oras na? Taos na ang office hours. Sinisipon ka na ba?"Suminghal si Arianne. “Oo yata, pero hindi naman ito big deal. Tara na.”Sa sandaling lumabas sila sa kumpanya, si Arianne ay tinamaan ng malamig na hangin at bigla siyang nanginig. Kusa siyang napunt
Medyo nalungkot si Mark sa simpleng tugon ni Arianne. “Ganyan ka na ba kasabik na makita akong nasa business trip? Mawawala ako ng isang linggo, wala ka bang masasabi tungkol dito?"Mariing umiling si Arianne. “Wala akong tutol. Bakit ako tututol sa iyong pagpunta sa isang business trip? Huwag kang mag-alala, mananatili ako sa bahay. Isang linggo ay lilipad sa isang kisap-mata. Hindi tulad ng isang buwan kang mawawala. Sigurado akong magiging abala ka pa rin sa panahon ng kapaskuhan. Kailangan pa rin nating magsama sa ating New Year Reunion kahit papaano. Sa pagsasabi niyan, naiintindihan ko na halos lahat ng oras ay abala ka sa buong taon."Saglit na nawala sa pag-iisip si Mark bago siya nagpasya na maglabas ng isang sensitibong paksa. "Kapag nalaman kong muli kayong magkikita ni Will habang wala ako, hindi matatapos ang mga bagay-bagay tulad ng ginawa nila ngayon."Napayuko si Arianne at ininom ang kanyang sopas. Siya ay may ilang mga opinyon ngunit hindi naglakas-loob na sabihin