Kabanata 80
Sa mga sandaling ito, umupo si Grandma Lyndon sa kaniyang kinauupuan, umikot ang kaniyang paningin sa paligid habang seryosong nagsasalita sa mga ito.

Binubuo ang mga tao sa kaniyang paligid ng mga miyembro ng pamilya Lyndon. At ang bawat isa sa mga ito ay may bagsak na mga mukha habang nananatiling tahimik sa kanilang kinatatayuan. Sa totoo lang, napasakamay ni Paul James ang kapangyarihang magdesisyon ng mga Lyndon para sa kanilang mga kumpanya. At si Paul James ay hindi rin isang pangkaraniwang tao kaya ang pinaplano ni Grandma Lyndon na ibalik sa kanila ang awtoridad sa kanilang mga kumpanya mula rito ay maituturing na isang panaginip na walang wala sa realidad. Sa mga sandaling ito kuminang ang mga mat ani William Lyndon na tumayo at nagsabing “Mayroon po akong ideya, Grandma.”

“Magaling, sabihin mo sa amin ang naiisip mo ngayon, William.” Natutuwang sinabi ni Grandma Lyndon.

Dahil sa insidente ng pananabotahe kay Giselle Lindt noon, pinarusahan ng pamilya Lyndon si William na
Capítulos gratis disponibles en la App >

Capítulos relacionados

Último capítulo