Kabanata 6971
Nabalot ng matinding galit si Lu Dongbin noong mga sandaling iyon. Inakala niya na babalik si Romeo sa kaniyang katinuan sa sandaling maselyuhan ng kaniyang mga estudyante ang mga acupoint ni Romeo.

Hindi niya inaasahan na mas titindi ang pagwawala ng wala sa kontrol na si Romeo noong mga sandaling iyon.

Dito na bumagsak ng malakas si Romeo sa sahig ng lihim na kuwarto. Pero agad pa rin siyang nakatayo habang nagpapakita ng matindi at pumapatay na itsura ang kaniyang mukha nang muli siyang sumugod palabas sa kuwarto.

Naglabas ng enerhiya mula sa kaniyang Fiend na kaluluwa ang wala sa sariling si Romeo.

Buzz!

Bago pa man siya makalabas, itinaas na ni Lu Dongbin ang kaniyang mga kamay. Isang hindi maipaliwanag na dami ng enerhiya ang sumabog sa kaniyang harapan para bumuo ng isang protective barrier.

Nagpakita ng imahe mula sa Nine Division Eight Trigrams na naglabas ng napakatinding enerhiya.

Sa loob ng isang iglap, humampas ang buong katawan ni Romeo sa harang bago ito gumawa ng
Capítulos gratis disponibles en la App >

Capítulos relacionados

Último capítulo