Kabanata 6973
Nagising na rin ang munting demonyo na ito.

Sa gitna ng kaniyang pagkasurpresa, tinitigan ng husto si Lu Dongbin si Romeo habang dahan dahan nitong sinasabi na, “Isa ka ngang talentadong bata matapos mong makontrol ang demonyo mong puso. Pero muntik ng magresulta sa samaan ng loob ng Holy Saint Sect at Elixir Sect ang mga ginawa mo.”

“Mula sa araw na ito, hindi ka na maaaring umalis sa bundok hanggang sa susunod na taon para magfocus sa iyong pagpapalakas at pagaaral. Naiintindihan mo?”

Naging mahinhin ang kaniyang boses pero hindi pa rin ito makukwestiyon ng kahit na sino.

Inakala ni Lu Dongbin na napigilan ni Romeo ang demonyo nitong puso pero lingid sa kaniyang kaalaman na tinatanglay ng munting katawan ni Romeo ang espirito ni Archfiend.

“Opo, Master!”

Alam ni Romeo na hindi maganda ang kaniyang mga nagawa kaya agad niyang iniyuko ang kaniyang ulo para tumatangong sumagot kay Lu Dongbin.

Pagkatapos ng ilang minuto, umalis na si Lu Dongbin habang dinadala ni Circe si Romeo sa
Capítulos gratis disponibles en la App >

Capítulos relacionados

Último capítulo