Walang masabi sina Chester, Quincy, at ang iba pa habang nanlaki ang kanilang mga mata sa gulat nang marinig nila ang pangalang binanggit. Ang matandang pari na nakatayo sa kanilang harapan ay ang bayaning Daoist na sinasamba sa Nine Mainland—Chun Yang zi, Lu Dongbin? Kilala siya bilang lalaking pinakamalapit sa Diyos sa Daoist Sect—sino hindi nakakakilala sa pangalan ni Chun Yangzi? Wala sa Nine Mainland ang magsasabing hindi nila ito kilala.Bahagya itong napangiti nang mapagtanto niya na siya ang sentro ng atensyon. “Wala nang dahilan pa para matanong ka, Lady Chang Er.” Lumundag ito sa ere nang banggitin niya ang huling salita at mabilis itong lumapit kay Darryl. Lumundag ito sa ere at nasa 20 metro ang kaniyang layo mula kay Zhang Jue nang magsalita ito. “Zhang Jue, ang pagiging hindi makatarungan ay napapahamak lamang ang sarili sa dulo. Mayroong pagkakataon noong binuo mo ang Yellow Turban Rebellion at naggulo ka sa kahit saan, pero nandito ka nanaman para subukang gumawa ng
Sandaling nagulat si Zhang Jue sa mga salita, pero kaagad itong tumawa. “Mananaig ang kabutihan laban sa kasamaan? Magaling, tingnan natin kung anong kaya mo.” Mariing hinawakan ni Zhang Jue ang kaniyang espada at itinutok ito kay Lu Dongbin.Umiling si Lu Dongbin bilang pagbibitiw, nagbuntong hininga ito bago magsalita. “Supreme Illusory Sword!”Sinubuka nito ang lahat ng kaniyang makakaya para bigyan ng tiyansa si Zhang Jue para magbago, pero wala na itong magagawa pa kung ayaw itong tanggapin ng lalaki. Abilis na sumabog ang mga ulap na nasa loob ng ilang libong metro habang nasa gitna si Zhang Jue, hindi na nakita pa ang mga ulap at dahan-dahang nagpakita ang sinag ng liwanag at mabagal itong nagdikit hanggang sa maging hugis espada. Pinalibutan ng hangin ang illusory sword, nakita ang katotohanang isa itong produkto ng internal na enerhiya ng tao. Mukhang kahanga-hanga ang espada at ito ang naging simbolo ng pagkakaisa ng Daoism. Sa isang kisapmata ay tumagos sa hangin ang illus
’Kamatayan lang ang nararapat para sa isang nakakamuhing lalaki katulad ni Zhang Jue.’ Naisip ni Darryl habang walang emosyon ang kaniyang mukha.Sa kabilang banda ay wala namang magawa ang mga sundalo ng North Moana Army at ang mga heneral. Marami ang gustong makisali, pero masyado silang natakot kay Lu Dongbin. Napaluhod si Zhang Jue; alam nitong hindi niya kayang baliktarin ang sitwasyon.“Nabulag ako ng mga sarili kong ambisyon. Nagkamali ako; pakiusap, maawa ka…” Walang magawa si Zhang Jue; hindi nito kailanman naisip na malalagay sa ganoong sitwasyon ang kaniyang sarili na magiging napakasama ng tingin ng lahat sa kaniya at mapupunta sa mahinang lugar. Kung nandoon lang si Yang Jian ay hindi na niya kailangang katakutan si Lu Dongbin. “Subalit wala siya roon kaya hindi siya makakasandal sa kahit na sino.Napasimangot sa pagkabigo si Dax; lumingon ito at tiningnan si Chang Er na nasa gitna ng ere. Kahit ano pa ang mangyari ay hindi kabilang si Dax sa North Moana continent. Kahi
Naghanap si Donoghue sa buong kagubatan, pero wala itong kahitang kahit na ano.Nang bahagya itong nainis ay natagpuan nito ang isang gumuhong kweba. Hindi kaya ito na yun? Kaagad na nabuhay ay espiritu ni Donoghue. Hindi ito nagdalawang isip na gamitin ang kaniyang internal na enerhiya nang makita nyang hindi makakapasok sa entrada nito, pinasabog niya ito para magkaroon ng daan papasok. Doon nga nakuling si Darryl at doon niya rin nahanap ang Ghost Valley Sage. Hindi nagtagal ay natunton ni Donoghue ang stone room na ginamit ni Darryl sa kaniyang pag-cultivate.Hindi mailarawan ang pagkasabik nito, masasabi niyang nakatago roon ang iba pang mga kayamanan. Nilibot nito ang silid at napagtanto niyang tila may hindi natural sa stone platform na nasa gitna ng silid. Kaagad itong nag-imbestiga at tinanggal niya ang nakabalot sa ilalim ng katawan ng Ghost Valley Sage at binuksan niya ang stone chest na nakatago rito.Dumilim ang ekspresyon ni Donoghue nang makita niya ang nakabukas na k
Suminghal at nagsalita si Darryl nang aralin nito ang ekspresyon ni Zhang Jue. “Hindi naman sa ayaw kong maniwala sayo, pero magpaka totoo na tayo rito. Mahirap iyon gawin dahil sa mga naging aksyon. Pinapangako ko sa iyong bibigyan kita ng antidote sa tamang oras basta ituon mo ang atensyon mo sa pagtulong sa akin sa pagdepensa laban sa Raksasa Tribe. Naiintindihan mo ba ako?”“Naiintindihan ko…” Tumango nang walang pag-alangan si Zhang Jue. Hindi ito nagtangkang sumalungat. Maaaring isang master si Zhang Jue sa Art of Elixir, pero hindi pa nito nahahawakan ang mga sangkap ng Heaven Cult Elixir. Isa pa, ang Heaven Cult Elixir ay ang top-secret ng Heaven Cult nong mga nakaraang taon. Nanginig si Zhang Jue nang maisip niya ang sarili na miserableng mamamatay nang walang pangontra.Nagulat ang mga tao sa biglaang pangyayari, labis na natuwa sina Chester, Yvette, Chang Er, at ang iba pa. Tiningnan nila si Darryl nang may pag sang-ayon.Tila isang mabangis na kabayo ang hindi mapasukong
Kaagad na natauhan sina Chester at ang iba pa, labis silang nasabik.Sumanib na sa kanila ang North Moana Army at tuluyan nang nawala ang kaninang pag-aalala tungkol sa digmaang sibil. Masaya ang mga ito dahil sa wakas ay magiging buo na ang kanilang atensyon sa tunay nilang kalaban—ang Raksasa Tribe. Abot tainga rin ang ngiti ni Darryl nang mabilis itong nagdesisyon na pagsamahin ang kampo ng North Moana Army at ng sa kanila. Pagtapos ay nag-utos ito para bumalik na ang lahat sa kani-kanilang tent para makapagpahinga.Nagdulot ng maraming pagkamatay ang mga naging labanan, kailangan muna nilang gumaling bago sila magplano ng mga pamamaraan laban sa Raksasa Tribe.Nang maging maayos ang lahat ay pabalik n asana si Darryl sa knaiyang tent par magpahinga nang may nakitang anino ang isa sa mga sundalo at naglalakad ito sa labas ng kampo. Sumigaw ito. “Sinong nandiyan?”Kasasbay nito ang pagtingin ng lahat para matuon ang kanialng atensyon sa direksyon kung nasaan ang anino. Dahan-daha
Tumango si Darryl at siya ang namuno patungo sa Central Army Camp.Sumunoda ng nasa likuran nina Chester na sina Rama at Donoghue.“Young Master, magtsaa po muna kayo.”Mabilis na naghanda ng tsaa ang mga tao nang makarating sila sa Central Army Camp. Nginitian ni Darryl si Donoghue.Kita ang pagpapasalamat sa mukha ni Donoghue nang inumin niya ang kaniyang tsaa.“Young Master!”Nang sandaling iyon ay hindi mapigilang magtanong ni Chester. “Hindi masyadong malawak ang karagatan sa pagitan ng Earthly Yuan Continent at ng Apocalypse Continent. Patay na ang lahat. Maswerte ka at nakaligtas ka. Pero…bakit ngayon ka lang bumalik? Anong nangyari?”Curious na tumingin ang lahat sa kaniya nang humina ang kaniyang boses.Tama. Mula sa Earth Circle Continent, patawid sa dagat papuntang Apocalypse Continent, at marating ang Chaos Mountain Range, pinakamabilis na ang tatlong araw at pinakamatagal naman ang limang araw. Subalit labing tatalong araw ang kinuha ng Life Transformation Realm mu
Mariin ang pagkakakunot ng noo ni Donoghue habang gulat na gulat na nakatitig kay Darryl.Galit si Darryl. Hindi kaya’y…Medyo ngumiti si Darryl habang nakatitig ang lahat, naglabas ito ng perlas mula sa kaniyang bulsa. Nangnignig ang liwanag na lumabas mula rito. Kaagad na lumiwanag sa buong Central Army Camp.Swoosh! Mabilis na tiningnan ito ng lahat. Nanlaki ang kanilang mga mata habang nakatitig sa perlas na nasa kamay ni Darryl. Nagulat ang lahat.Malinaw na naramdaman ng lahat na napakaganda ng perlas na iyon at mayroon din itong kakaibang kapangyarihan. Kapag naisara ang kapangyarihan nito ay paniguradong yayanig ang langit at lupa.Nagulat din si Donoghue. Hindi ito kumukurap habang nakatitig sa nakakabulag na nagniningning na perlas. Hindi rin maipaliwanag ang kaniyang gulat na naramdaman.Ito ba ang kayamanan na nasa stone box? Bagay na makakapagbukas ng stone box?Matapos ang matagal na panahon ay si Darryl lang pala ang kumuha noon. Magaling siya.Pinigil ni Donog