“Roar!”Kasabay nitong pinaikot ni Darryl ang kaniyang wrist bago lumabas ang isang kulay puting apoy na para bang nagpabalik balik na umiikot sa ere, at sa huli ay gumawa ito ng isang hugis na kagaya ng isang lotus na bulaklak! Agad na umangat ang temperatura sa kanilang paligid habang nababalot ng nakasisilaw na liwanag ang buong area sa tabi ng burol. Ito ay walang iba kundi ang White Lily Cold Flame! Napagdesisyunan na ni Darryl na ibigay ang lahat ng aniyang makakaya, malapit na siyang tumawid sa Heaven Ascension kaninang umaga nang bigla siyang tambangan ni Zhang Jue, napipinto na siyang makaranas ng isang psychotic break nang dahil sa ginawa nito sa kaniya.Kinakailangan niyan gawin ang lahat ng kaniyang natutunan para magkaroon ng tiyansang malampasan ito.“Ang White Lily Cold Flame?” Habang nagugulat sa tindi ng init, namutla nang husto ang mukha ni Zhang Jue. Ang White Lily Cold Flame ay ang pinakamalakas na mahiwagang apoy sa buong mundo. Hindi ito mapapatay ng kahit na s
Nang malagay sa panganib ang buhay ni Darryl, agad na ginamit ng Seven Treasures Exquisite Pagoda ang isa sa walang katulad nitong mga feature. Nagawa nitong pawalain sa ere ang imahe nina Bradley Young at ng iba n ilang mga kasama na pumaligid kay Zhang Jue at pabalikin ang mga ito sa pagoda. Agad namang sumunod ang White Lily Cold Flame na nagliyab sa paligid at dahan dahang humina hanggang sa tuluyan na itong mamatay at mawala sa paningin ng dalawa.“Hahaha…”Malademonyong tumawa naman si Zhang Jue sa kalangitan. Agad na sumigla nang husto ang kaniyang katawan kahit na napagod siya nang husto sa pagatakeng ginawa ng mga kasama ni Darryl kanina matapos nitong makita ang pagkahulog ni Darryl sa malalim na bangin bago ito tuluyang tangayin ng malakas na agos ng ilog sa ilalim. Dito na siya tumingin at tumango sa kasama niyang si Gonggong. “Hindi nga nagkamali sa iyo ang kamahalan. Magaling ang ginawa mo, Madam Gonggong. Nasa ilalim na ng impluwensyang binibigay ng Bone Breaker Pill
Isang tingin lang ang kaniyang ginawa nagn biglang mapasara sa galit at pagkasabik ang mga kamao ni Ambrose. Isang lalaki ang makikitang nakatayo sa likuran ng isang higanteng pating, mahigpit nitong hinawakan ang palikpik sa likuran nito. Mukhang mayroon itong hinahabol na isang bagay. Makikitang nakasuot ng pangmongheng robe si Donoghue habang ipinapakita ang arogante nitong mukha. Mabilis namang lumangoy sa tubig ang nilalang na kaniyang hinahabol. Nagmukha itong isang isda pero agad na napanganga ang lahat nang makita nila kung ano talaga ito. Isa pala itong babae na mayroong edad na hindi lalampas sa 17 years old, mayroon itong mahaba at asul na buhok at magandang hubog ng katawan. Makikitang nakasuot ito ng isang bagay na hindi makikita ng kahit na sino sa mundong ito, binubuo ito ng napakaraming mga palikpik na tinahi nang maingat sa isa’t isa. Ito ang nagbigay sa lahat ng impresyon na isa itong isda.“Isang Sea Mackie?” Titig ng natutulala at namamanghang si Hidden Dragon sa b
Nagugulat na napapigil hininga ang lahat. Isa talaga itong prinsesang may gandang umaangkop sa kaniyang titulo! Maging si Ambrose ay namangha kay Heather kaya hindi rin nito naiwasang tingnan ang prinsesa ng ilang ulit. At pagkatapos ay agad na siyang ngumiti habang sinasabi na, “Huwag kang magalala dahil nandito na kami. Hindi ka na masasaktan pa ng kahit na sino.”Tumalikod si Ambrose para tingnan si Hidden Dragon at Dixon na kasalukuyang nasa gitna ng isaang duelo. Bam, bam, bam… walang tigil na nagvibrate ang paligid nang dahil sa tindi ng nagiging laban ng dalawa. Napangibabawan ng galit si Hidden Dragon habang inaalala ang pagkatalo niya noon kay Dixon. Kinakailangan niyang manalo ngayon para makamove on sa nakakahiyang pangyayari na iyon. Isang tao na puno ng pride si Hidden Dragon na naging natural sa kaniya dahil sa pagiging hari nito ng karagatan na may kakayahang talunin ang sinumang makalaban niya sa ibabaw ng tubig. Pero nanatili pa ring nasa kaniyang postura si Dixon sa
Itinuring ni Hidden Dragon si Ambrose bilang isang kapatid at nageexpect din ito nang husto sa binata. Kaya sino pa ang karapat dapat na maging kapitan maliban kay Ambrose? Mayroon pa ring isang lalaki na pumapantay kay Ambrose. Hindi gumagalaw itong tumayo habang nakakaramdam ng matinding pride sa kaniyang sarili.Ang lalaking ito ay walang iba kundi si Loro Chandler, ang kanang kamay ni Hidden Dragon, mayroon itong hindi mapapatayang lakas sa pakikipaglaban. Mas mataas ang kaniyang naging posisyon kaysa sa nakararami, at maging sa Blood Sherlock Four Sisters. Dapat lang na siya ang maging kapitan matapos mamatay ni Hidden Dragon. Kaya hindi katanggap tanggap ang pagdedesisyon ng lahat na gawing kapitan si Ambrose.Tumingin si Loro sa paligid habang sinasabi na, “Masyadong mapanganib ang lugar na ito kaya dapat lang na umalis muna tayo rito bago pagusapan kung sino ang susunod nating magiging kapitan, pero nagawa niyo pa ring ibigay ang posisyon sa isang outsider!” Nanghuhusgang tum
Walang emosyong ginamit ni Ambrose ang Tyrant Hammer na kaniyang hawak habang papalapit kay Loro. “Isa kang walang utang na loob at taksil na tao, kaya mas maigi kung mananatili kang kanang kamay ni Kuya Hidden Dragon sa kabilang buhay.”Natatakot na tumulo ang pawis ni Loro habang nararamdaman ang walang awang aura na nagmumula kay Ambrose. Agad na nawala ang ipinakita niyang pagkaarrogante sa lahat kanina habang lumuluhod at nagmamakaawa kay Ambrose. “Patawarin mo po ako, Captain sa ginawa kong pagsuway sa inyong kagustuhan. Nagmamakaawa po ako sa inyo, bigyan niyo pa po ako ng isa pang pagkakataon…” Desperadong humiling si Loro na maibalik ang mga lumipas na oras. Inakala ni Loro nang makukuha niya na ang pagkakataong ito para maging lider ng mga pirata, pero mukhang mali ang kaniyang naging desisyon. Hindi niya inakala na magiging kamatayan ang kapalit nito para sa kaniya.Huminga naman nang malalim si Ambrose, “Sige, bibigyan kita ng isa pang pagkakataon. Sana lang ay natuto ka
Nakita ni Darryl ang makapal na kakahuyan sa kaniyang paligid noong imulat niya ang kaniyang mga mata. Nakita niya rin ang isang ilog na may malakas na agos sa kaniyang harapan. Buwisit! Hayop talga ang Zhang Jue na iyon, hindi manlang niya pinigilan ang kaniyang sarili na patayin si Darryl. Sinubukan ni Darryl na tumayo pero agad niyang narealize na nasimot ang internal energy sa kaniyang katawan. At higit sa lahat ay hindi na maramdaman pa ni Darryl ang kaniyang energy field nang kahit na kaunti. Parang isang kidlat na tumama ang realization na ito kay Darryl habang nakakaramdam ng matinding pananakit ng kaniyang tiyan.“Buwisit…” Ilang minuto ang kinakailangang lumipas bago bumalik ang isipan ni Darryl sa realidad, dito na rin siya nagkamalay sa kasalukuyang sitwasyon sa kaniyang paligid. Halos malasap na niya sa sobrang lapit ang pagtawid ng kaniyang lakas sa susunod na level nang bigla siyang atakihin ni Zhang Jue, dito na siya sapilitang pinainom ng Bone Breaker Pill na sinabaya
“Mga bayaning mandirigma!” Lumutang si Yang Jian sa gitna ng ere habang hinaharap ang mga hukbo ng siyam na kontinente na nagtitipon tipon sa lugar na iyon. At pagkatapos ay agad na nagpakita ang ngiti sa kaniyang mukha habang sinasabi na, “Nirerespeto ko kayo sa pagpuntang ginawa niyo rito para talunin ang paparating na tribo ng Raksasa at panatilihin ang kapayapaan sa Nine Mainland. Pero wala na tayong magagawa kundi humarap sa isang matinding digmaan kaya umaasa ako na magkakaisa tayong lahat na sundin ang pamumuno ng aking military advisor na si Zhang Jue. Ito lang ang paraan para manalo tayo sa ating mga kalaban.Lumundag si Zhang Jue sa ere nang matapos si Yang Jian sa pagsasalita at buong pagmamalaking tumingin sa kaniyang ibaba. Patay na si Darryl kaya wala nang kahit na sino ang may kakayahang mamuno sa kanila maliban kay Zhang Jue.Agad na namangha ang lahat sa ipinakitang aura ni Yang Jian, dito an hindi makapaniwalang napapigil sa paghinga ang lahat. Masyado nang malayo s