Kabanata 2317
Walang tigil na nagpabalik balik ang mga mata ni Joe na para bang hindi ito sigurado sa mga sinasab ni Darryl. Dito na siya ngumiti at sumagot ng, “Oh, ito ba? Doktor kasi ang aming mga ninuno, nagiwan ang mga ito sa amin ng mga formula bilang kanilang legasiya sa aming pamilya. Masyadong mahirap para sa aming makahanap ng atensyong medikal sa gitna ng kakahuyan kaya ako kumukuha ng mga herb bilang paunang lunas kung sakaling maaksidente ako sa pagpuputol ng puno.” Diretong nagpaliwanag si Joe kay Darryl habang nagpapakita ng pagpapanig ang kaniyang mga mata.

Hindi magawang makita ni Darryl ang mukha ni Joe sa kasalukuyan nilang posiisyon kaya hindi na siya nagdalawang isip pa sa isinagot nito sa kaniya. Pagkatapos ng ilang sandali ay nagawa na nilang mangalahati sa daan na kanilang tinatahak paakyat ng bundok. Dito na nila nakita ang isang bakanteng lupain sa kanilang harapan na kinatatayuan ng ilang mga cabin na nakakalat sa paligid. Mapapansin din ang mga putol na kahoy na nakalata
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP