Hindi gustong ibunyag ni Darryl ang sariling pagkatao. Noon gumaga ay sinabi nito kay Tanya ang kaniyang pagkatao at nagdulot ito ng pagtawa ng mga tao sa kaniya. Pagod at ayaw nitong magdulot pa ng gulo.Nang makita nitong umubo si Darryl para magbigay paalala ay nilunok niya ang susunod na salita na ‘Darryl’ bago pa nito masabi ng tuluyan.Nang sumunod na segundo ay naglakad si Paul sa harap ni Darryl at yumuko ito nang 90 degrees.Magalang itong nagsalita. “Patawad, Mister. Hindi ko binantayan ng maayos ang aking mga tao.”Tumawa si Darryl at sinabi nitong ayos lang iyon.Biglang tumahimik sa buong lugar!Labis ang gulat ni Watson. Bilang head ng security ng Dragon Tech, ang taong pinaka hinangaan at pinaka nirespeto nito ay si President Paul. Sa murang edad ay pinalago nito ang Dragon Tech kung saan kumalat ang kumpanya sa siyam na kontinente. Nakakamangha ang lalaki. Magmamarka sa isang tao si Paul at hindi pa ito nakita ni Watson na maliitin ang sarili sa harap ng maraming
Sumabat si Watson bago pa man nito matapos ang kaniyang sasabihin!“Nasa isip mo pa rin ang pag co-collaborate?” Galit nitong tinuro si Shanice. “Ikaw ang nagpaalis sa bisita ng Presidenta. At ngayon ay nasa isip mo ang pakikipag-collaborate sa Dragon Tech? Managinip ka!”Bang!Nang marinig nitong namutla si Shanice ay nagsimula itong mataranta. Kinagat niya ang kaniyang labi at parang dudugo na ito. Isang hamon na ang magsabi ng pakikipagkolaborasyo sa Dragon Tech, pero nawala ang tiyansa ng babae dahil sa pang-iinsulto niya sa kaibigan ni Paul.Mas naging emosyonal si Watson nang magsalita ito. Ginagawa niya ang lahat para itulak palayo ang mga paninisi.Galit na sinigawan ni Paul si Watson. “Umalis ka na! magmula ngayon ay tanggal ka na sa Dragon tech. Ayaw na kitang makita ulit. Umalis ka sa pangingin ko ngayon din!”‘Ang kapal ng mukha niya para hamunin ang kapatid na si Darryl; hindi ko hahayaan ang ginawa niya!’ Naisip ni Paul.Nanginig ang puso ni Watson at halos mitumba
Pagtapos ay may napagtanto si Shanice.“Sir, ako po ang inyong magiging alagang aso sa hinaharap. Maaari ninyo akong utusan sa kahit na anong gawain at gagawin ko iyon nang walang tanong!” mahinang sabi nito at kinagat niya an gkaniya labi.‘Sige!’ Tumango si Darryl at natuwa ito.Lumingon ito at kinausap si Paul. “Sige, bigyan mo siya ng proyekto!”“Walang problema!” Mabilis na sagot ni Paul.Nabalot ng mga emosyon si Shanice at paulit-ulit nitong pinasalamatan si Darryl. “maraming salamat. Maraming salamat po, Sir.”Hindi gustong mag-aksaya pa ng oras ni Darryl kaya naman kumuway ito at nagbigay ng senyales sa babae para umalis.“Kapatid na Darryl, nagmula ka sa napakalayong lugar pero hindi kita nabati ng maayos sa iyong pagdating. Hindi ko pa naagapana ng panggugulo sayo ng mga taong iyon. Kasalanan ko ito.” Nag bow ng 90 degree si Paul matapo umalis ni Shanice, nahiya ito.Ngumiti si Darryl at ikinuway niya ang kaniyang kamay habang pinapaalam nitong ayos lang iyon.“Baki
’Hay*p!’ Napamura sa sarili si Jonas. ‘Sino ba ang walang perang batang iyon para magsinungaling sa aking cousin sister? Pagsisisihan niya ito.’ Nagmadali itong umuwi para humingi ng tulong.Sa kabilang banda.Pumunta si Tanya sa unang palapag para tanungin ang may-ari ng hotel, kinatok nito ang pinto kung saan nanatili si Darryl.*Creak.*Mabilis na binuksan ng nakahigang si Darryl ang pinto nang marinig nito ang pagkatok. Napangiti ang lalaki ng makitang si Tanya iyon. Bahagyang ngumiti ang babae at mabait na ngumiti. “Paumanhin dahil ganitong oras na ako pumunta, naiistorbo ko ba ang pagpapahinga mo?”“Hindi ah!”Umiling si Darryl at magalang nitong inimbita sa loob si Tanya.“Ikaw ba talaga si Darryl Darby?” Nakatitig si Tanya nang magtanong ito. Hindi na niya pinigilan ang kuryosidad.“Haha!”Bumulwak ang tawa ni Darryl. Naisip nitong akakamangha ang babae dahil hindi pa rin ito naniniwala sa kaniyang pagkatao.Huminga ito ng malalim at tinanggal ang gintong maskarang
Ano?Gulat na gulat si Jonas. Walang paraan para mailagan nito ang isang dosenang mga espada! Pero Nagawa itong Ilagan lahat ni Darryl sa kaniyang harapan nang parang wala lang!“Wala kabang utak o bobo ka lang…Jonas? Pinakita ko na sayo ang aking kapangyarihan sa Green Dragon City Gate kanina. Sa tingin mob a ay matuturuan ako ng leksyon nang nandito ang mga gaham na ito? Nakakatawa!” Tumayo si Darryl at inasar nito si Jonas habang bahagyang nakangiti at nakatitig sa lalaki.Isang Martial Saint lamang ang pinakamalakas na tauhang kasama ni Jonas kaya walang laban ang mga ito kay Darryl.Whoosh!Namula ang mukha ni Jonas dahil sag alit nang marinig nito ang mga sinabi ni Darryl. Tinuro niya ang kaniyang daliri sa lalaki at saka sumigaw. “Hulihin siya! Paparangalan ko ang mga makakapanakit sa kaniya!”Nagpalit ng tinginan ang mga lalaki bago muling sumugod kay Darryl.Thump! Thump! Thump!Bahagyang tumawa si Darryl bago ito umaksyon. Mabilis nitong natalo ang mga lalaki. Natumba
Hindi sumang-ayon si Tanya sa sinabi ng kaniyang ama, pero hindi niya ito pinaalam.“Tanya?” Nakatitig si Bob sa kaniyang anak nang may bigla itong naisip at nagsimulang tumawa. “Natutuwa ako at handa kang saluhin ang pagaooatakbo sa negosyo ng pamilya. Pero isa kang babae at hindi angkop para sayo ang sumali sa mga pag-uusap tungkol sa negosyo. Hindi ka na maliit na bata. Pinag-iisipan ko ang tungkol sa iyong kasal kaya gustokitang tanungin kung mayroon ka na bang nagugustuhan.”Nahiya si Tanya nang marinig niya iyon. Umiling ito at sinabing, “Walang…nasa isip ko.”Lumapit ito sa kaniyang ama para yakapin ang braso nito at mapaglaro niya itong inalog. “Papa, ayaw ko pang magpakasal. Gusto kong tulungan kayo sa pagpapatakbo ng negosyo ng ating pamilya.”“Haha!”Natawa si Bob nang gumaan ang pakiramdam nito pero umiling pa rin ang lalaki. “Loko ka talaga, kailangan mo nang magpakasal sa tamang oras! Hindi dapat laging nakadikit ang isang anak sa kaniyang ama habang buhay!”Nagning
Lumapit si Bob sa dalawa at nginitian si Colt. “Sa wakas ay nagkaroon ka rin ng oras para bumisita?”Pamilya ng mga cultivator ang pamilya Dokko, samantalang mayroon namang negosyo ang pamilya Snyder, pero malapit na mgkakilala ang mga ito. Tila nagsumpaang magkapatid sina Bob at Colt.Binigyang bati sila ni Bob at nag-utos ito sa mga katulong. “Dalhan ninyo kami ng desenteng tsaa.”Inihain ng mga katulong ang tsaa. Sandaling nag-usap sina Bpb at Colt bago masayang nagsalita si Colt. “katunayan ay nandito ako para kay Tanya!”Pinaliwanag nito ang lahat!Kinausap ni Jonas ang kaniyang ama nang pag-uwi nito kagabi. Nagmakaawa ito sa kaniyang ama para tulungan si tanya tungkol sa kanilang kolaborsyon sa Dragon Tech.Sikat si Colt sa komunidad kaya bihira itong makisali sa business industry. Pero kailangan nitong sumang-ayon sa pagkakataong ito dahil desperadong nagmakaawa sa kaniya ang kaniayng anak. Isa pa, tungkol ito sa kaniyang manugang sa hinaharap.Phew!Binigyan ni Bob si T
Katulad ni Bob ay gulat din ang hitsura ni Colt. Hindi nito inakalang walang pakialam na tinanggihan ni Tanya ang kaniyang anak.Huminga ng malalim si Tanya at lumingon kay Bob, seryoso ang ekspresyon ng mukha nito. “Papa, sabi ko naman, ayaw ko pang magpakasal. Gusto kitang tulungan sap ag-aayos ng negosyo. Isa pa, hindi ko type si Jonas.”“Tanya!” Nataranta si Jonas at mabilis nitong ipinaliwanag ang sarili. “Alam kong mayroon kang mga opinyon tungkol sa akin, pero kailangan mo lamang itong sabihin, magbabago ako! Pinapangako kong magiging mabuti ako sayo habang buhay!”Hindi sumagot si Tanya…“Haha…”Tumawa at tiningnan ni Colt si Tanya. “Bata ka pa, tanya. Maganda ang pagkakaroon ng sariling mga opinyon, pero kailangan mong maintindihan na totoo ang mga nararamdaman si Jonas para sayo. Alam kong gusto mong tumulong sa negosyo ng inyong pamilya, pero magiging nakakapagod iyon para sa isang babae. Hindi ba’t magiging mas mabuti kung mayroong tutulong sayo kapag kinasal ka kay Jo