Kabanata 2303
Hindi sumang-ayon si Tanya sa sinabi ng kaniyang ama, pero hindi niya ito pinaalam.

“Tanya?” Nakatitig si Bob sa kaniyang anak nang may bigla itong naisip at nagsimulang tumawa. “Natutuwa ako at handa kang saluhin ang pagaooatakbo sa negosyo ng pamilya. Pero isa kang babae at hindi angkop para sayo ang sumali sa mga pag-uusap tungkol sa negosyo. Hindi ka na maliit na bata. Pinag-iisipan ko ang tungkol sa iyong kasal kaya gustokitang tanungin kung mayroon ka na bang nagugustuhan.”

Nahiya si Tanya nang marinig niya iyon. Umiling ito at sinabing, “Walang…nasa isip ko.”

Lumapit ito sa kaniyang ama para yakapin ang braso nito at mapaglaro niya itong inalog. “Papa, ayaw ko pang magpakasal. Gusto kong tulungan kayo sa pagpapatakbo ng negosyo ng ating pamilya.”

“Haha!”

Natawa si Bob nang gumaan ang pakiramdam nito pero umiling pa rin ang lalaki. “Loko ka talaga, kailangan mo nang magpakasal sa tamang oras! Hindi dapat laging nakadikit ang isang anak sa kaniyang ama habang buhay!”

Nagning
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP