Kabanata 2255
Naramdaman ni Darryl na wala na siyang pagsisisihan sa sandaling mamatay siya nang dahil sa dami ng mga kaibigan na kaniyang tinutulungan at sinusuportahan sa mga sandaling iyon.

“Darryl!”

Hindi naiwasang sumigaw ni First Scope noong mga sandaling iyon, “Sandali! Kailangan mong maging maayos!”

Agad namang sumali sa usapan ang magkakapatid na Scope at dumagdag sa mga sinabi ni First Scope.

“Oo nga, Oo nga! Hindi pa natin nacecelebrate ang kasal ninyo ni ate! Hindi ka puwedeng mamatay!”

“Huwag kang magalala. Hangga’t nandito ang magkakapatid na Scope wala na silang magagawa kundi mangarap kugn gusto nilang umabante rito kahit na umabot pa sa isang libo ang bilang ng kanilang mga sundalo.”

“Bayaw, sundan mo na kami pabalik sa Ice Fire Island sa sandaling matapos natin ang labang ito!”

Simpleng mga kalalakihan lang ang magkakapatid na Scope kaya naging direkta ang mga ito sa pagsasabi ng kanilang mga naiisip. Wala silang pakialam kahit na gaano pa karaming tao ang naririto.

Swoosh!
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP