”Darryl, nandito na kami!”Biglang may mga narinig na sigaw mula sa Wicked Valley nang sikretong nag-alala si Darryl!Lumingon ito at nakita ang ilang daang libong sundalo ng Westrington at ng pamilya Carter habang nakakamangha ang paglapit ng mga ito! Sina Chester, Dax, Susan, at ang iba pa ang namuno sa mga tao.Ipinadala rin ni Chester at ng iba pa ang kanilang mga depensa sa Wicked Valley noong nagtungo si Darryl para iligtas ang mga cultivator mula sa kampo ng North Moana. Hindi na nag-isip pa ng malalim sina Chester at Susan nang kanilang marinig ang komosyon ng matinding labanan ilang sandali lamang ang nakaraan at kaagad silang nagdala ng mga tao bilang dagdag lakas.“Kapatid, Chester, Dax, Auntie Susan…”Namaga ang ilong ni Darryl nang makita niya ang papalapit na Westrington Army, halos maiyak ang lalaki.“Darryl…”Sa isang kisapmata ay nakalapit kay Darryl sina Dax, Chester, Susan at ang iba pa. nanginig ag mga ito nang makita nila kung gaano kasama ang kondisyon ng l
Pero Lumapag at pinalibutan ng Celestial Feather Riders sina Ambrose at Eira nang sandaling iyon.“Woo!”Huminga ng malalim si Eira nang makita nya ang sitwasyon. Maaaring mukhang kalmado ang maganda niya mukha pero kinbahan ang puso nito!Malinaw na naramdaman ni Eira ang inilabas na aura ng Celestial Feather Riders. Kahit na hindi sila ganoon kalakas ay hindi sila maaaring maliitin dail napakarami ng kanilang bilang.“Kayong dalawa!”Tumingin kina Ambrose at Eira ang pinuno ng Celestial Feather Riders, kalmado itong nagsalita. “Tigilan niyo na ang pagtakbo. Pareho kayong walang patutunguhan.”Malakas ang boses ng mga nakisaling Celestial Feather Riders na nakapalibot.“Tama! Pinagtaksilan ninyo ang Kamahalan. Magiging walang kwenta ang ano mang gagawin ninyo kahit na tumakbo pa kayo hanggang sa dulo ng mundo!”“Halina kayo at maging mas maunawain, sumuko na kayo!”“Hayaan ninyong arestuhin namin kayo para maibalita namin ito sa Kamahalan.”Patuloy na narinig ang malalamig n
”Patayin!”Nag-init ang pagka-uhaw sa dugo ni Ambrose dahil sa matinding sakit na naramdaman. Sobrang namula ang kaniyang mga mata nang parang baliw itong sumigaw at nawalan ng pake sa kaniyang mga natamong sugat. Malakas niyang ikinuway ang Tyrant Hammer at nasugatan ang mga sundalong nasa kaniyang harapan. Mas dumami pa ang mga sundalong umatake kay Ambrose mula sa kaniyang likuran. Itinaas nila ang mahahabang sibat at sinaksak ang lalaki sa kaniyang likuran!Stab! Stab!Hindi makaiwas si Ambrose at halos natamaan ang kaniyang buong katawan. Nanginig ito at sumirit ang kaniyang dugo bago tuluyang bumagsak sa sahig ang lalaki!“Kuya!”Patuloy ang pagtulo ng mga luha ni Eira nang makita niya ang sitwasyon. Iisa ang puso ng magkapatid. Naramdaman ni Eira na tila madudurog ang kaniyang puso nang makitang sugatan ang kapatid.“Turning Ground Sword.”Lumamig ang ekspresyon ni Eira nang ibuka nito ang mapupulang labi at dahan-dahan niyang idinura ang mga salitang iyon. Sa parehong
Hmm!Sumagot si Eira bago ito yumuko para makita ang kagubatan at saka dahan-dahang lumapag.Tinulungan muna ni Eira si Ambrose na gamutin ang mga sugat nito bago kumuha ng elixir at pinainom sa kaniyang kuya.Palaging gumagala si Eira sa buong mundo kasama ang kaniyang nanay magmula noong bata pa ang babae, palagi itong may dalang elixir. Pero hindi siya nagkaroon ng tiyansang ipainom ito kay Ambrose dahil hinahabol sila ng Celestial Feather Riders.Katunayan ay matinding namawis si Eira nang sandaling iyon matapos niyang mapagod dahil sa kaniyang paglipad sa loob ng ilang oras. Pero naging prayoridad niya pa rin ang kaligtasan ni Ambrose.Medyo bumalik ang kulay sa mukha ni Ambrose nang inumin niya ang elixir.“Woo!”Nagbuntong hininga si Eira nang makita niyang maayos na ang lagay ng kaniyang kapatid na tila ba naalis ang malaking pasan.Hmm?Pero kaagad na nanginig si Eira nang sandaling iyon nang makita niya ang siyudad sa tabing dagat!Napansin nito ang abalang siyudad
Napansin nila ang higit sa 10,000 cultivators na ninakawan ang mga normal na tao sa kanilang bangka sa daungan. Magulo ang pangyayari.Ang mga cultivator ay mula sa Tucker Cult, Beggars’ Sect, Mountain Peak Sect, at sa iba pang mga sekta.Iyon ang mga sektang nagdesisyong umalis mula sa digmaan sa Donghai City bago magdesisyon nakawan ang mga tao sa kanilang mga bangka. Gustong makatakas ng lahat sa digmaan.Iyon ay dahil sigurado ang mga cultivator gay ani Watson na mapapasakamay ni Yang Jian ang World Universe. Mas gugustuhin nilang iligtas ang sariling buhay at itabi ang kanilang kapangyarihan.Pag mamay-ari ng mga mangingisdang iyon ang mga bangka at ginagamit nila iyon para kumita ng pera. Nang sandaling iyon ay matindi dilang ninakawan ng mga sekta kagaya ng Tucker Cult.Napansin nina Ambrose at Eira na sumisigaw at umiiyak ang mga tao para maibalik ang kanilang mga bangka, pero paano sila makakalaban sa mga cultivator na iyon?Ang lahat ay nasa sahig ng pangpang—hindi maga
Mariing ikinuyom ni Eira ang kaniyang mga kamao habang hindi pa rin natitigil ang pang-aasar ng mga iyon, galit na galit si Eira at ipinadyak niya ang kaniyang mga paa. Pero wala itong ibang masabi para makasagot.Iyon ay dahil tama ang sinabi ng mga tao, nagtungo sila roon.“Tumahimik kayo!”Hindi na kayang matiis ni Ambrose ang pangyayari, lumaki ang galit sa kaniyang puso. Pagtapos ay galit itong gumigaw. “Sasabihin ko nang isa pang beses, ibalik ninyo ang mga bangka sa mamamayan. Kundi ay huwag niyo akong sisisihin sa pagiging malupit.”Inilabas ni Ambrose ang Tyrant Hammer at mahigpit itong hinawakan.“G*go ka!”Uminit ang ulo ni Watson at kaagad itong sumagot. “Hindi namin ito ibabalik sa kanila. Anong magagawa mo tungkol doon?”Katunayan ay hindi kailanman magtatangka si Watson para magsalita ng ganoon kay Ambrose dahil ang lalaki ang Prinsipe ng New World. Kahit na sinakop ni Yang Jian ang New World, hindi pa rin dapat maliitin ang katayuan ng lalaki.Pero hindi na sila
”Bakit ang kapal ng mukha mong magtangkang tumakbo?”Pinulot ni Ambrose ang Tyrant Hammer at gusto nitong ipagpatuloy ang pagabol sa mga tao, pero bigla itong nanginig at dumura ng dugo. Napaupo at napaluhod ang lalaki sa pangpang.Hindi pa gumagaling ang mga naunang niyang sugat. Matapos ang matinding labanan ay labis na napagod at naubos na ng tuluyan ang kaniyang internal na enerhiya.“Kuya!”Mabilis na lumapit si Eira nang makita nito ang sitwasyon at tinulungan nitosi Ambrose bago may pag-alalang nagtanong, “Ayos ka lang ba? Maayos ba ang pakiramdam mo?” Hindi sumagot si Ambrose at umiling lamang ito bilang senyales na maayos ang kaniyang lagay.Nang sandaling iyon ay labis itong napagod, wala na itong lakas pa para magsalita.Vroom! Vroom!Ginamit ni Watson ang oportunidad para mabilis niyang imaneho ang bangka palayo.“Ambrsoe!”Nang sandaling iyon ay kaagad na tumayo si Watson sa kubyerta at tumitig kay Ambrose. Nagsalita ito gamit ang may pagkamuhing tono. “Tatandaa
Samantala, kahit na tumakbo ang mga nagmamay-ari ng bangka ay nag-iwan pa rin ang magkapatid ng ilang pera bilang kabayaran dahil sa malakas nilang prinsipyo.Di nagtagal ay papunta na sina Ambrose at Eira sa New World habang sakay ng fishing boat.Si Eira ang pinaka nagpaandar ng bangka dahil nanghihina pa rin si Ambrose, kaya umupo ang lalaki sa bangka, nag meditate at nagpagaling.Sa isang kisapmata ay lumipas ang dalawang oras at medyo naging maayos ang pakiramdam ni Ambrose matapos bumalik ang ilan sa kaniyang internal na enerhiya. Lumabas ito sa sa kabina para makipagpalit sa pagpapatakbo ng bangka nang bigla nilang narinig ang sunod sunod na tunog ng paghampas ng tubig sa malapit.“Swoosh!”Kakaiba ang tunog ng tubig, biglang napatingin si Ambrose sa dagat. Kaagad itong nagulat sa kaniyang nakita, nanginig at nagulat ito!Uh…uh…Nang sandaling iyon ay napanganga si Ambrose nang maisip niyang nag ha-hallucinate siya. Pagtapos ay kinuskos niya ang mga mata niya habang gul