Kabanata 2228
Ano?

Napasimangot ang lahat sa main hall nang marinig nila iyon.

Bakit nagpadala si Yang Jian ng envoy sa kanila? Ano ang gusto nitong mangyari?

Hindi nagtagal ay nagising na rin si Darryl sa realidad. Sinabihan niy aang disipulo na huwag nerbiyosin bago magtanong ng, “Nasaan na ang envoy?”

“Sa labas po!” Mabilis na isinagot ng disipulo.

Tumango si Darryl bago ikaway ang kaniyang kamay at magutos ng, “Papasukin mo na sila.”

Pagkatapos nang maraming taon, marami nang pinagdaanan si Darryl kaya nagagawa na niyang maging kalmado sa mga sitwasyong kagaya nito.

Kasalukuyan nang gusto ni Darryl na makita ang envoy na ipinadala ni Yang Jian at kung ano ba talaga ang gusto ng hayop na ito.

Mabilis na naglakad palabas ng hall ang disipulo matapos nitong sumagot kay Darryl.

Pagkatapos ng higit 10 segundo, bumalik ang disipulo kasama ang isang balingkinitang imahe ng tao sa kaniyang likuran. Mayroon itong magandang mukha habang nakasuot ng isang mahaba at kulay aquang dress na nagpakita
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP