Bago pa dumating si Gonggong, maingat nang inanalyz ni Darryl ang buong mapa ng Mid City. Mayroon na siyang bagong plano na pansamantalang isuko ang Mid City at umatras ang panig ng World Universe sa Wicked Valley sa north east. Sabagay, masyado pa rin talagang malaki ang agwat sa lakas ng magkabilang panig. Siguradong hindi aalis sa pagiging passive at defensive ang panig ni Darryl sa sandaling ipagpatuloy pa nila ito.Ang Wicked Valley na tinutukoy ni Darryl ay ang Ten Heaven Masters’ Territory ng Elysium Gate. Noong itayo ni Darryl ang Elysium Gate, narinig nila na may isang grupo ng kalalakihan ang nagdadala ng kaguluhan sa mga bayang malapit sa Wicked Valley. Ginawa nilang kuta ang lugar na ito dahil sa masukal na daan papasok dito. Kilala ang lider ng mga kalalakihan biglang si Oldest Villain One na sinamahan ng siyam niyang mga kapatid, nakilala ang grupong ito sa pangalang Ten Villains. Kaya agad na inutusan ni Darryl ang Elysium Gate Sect na wasakin ang mga ito. Agad nilang
Hindi nagtagal ay nakarating na rin ang dalawa sa kampo ng North Moana.Swoosh! Nang makapasok sila sa kampo, maraming mga sundalo at nagpapatrolyang bantay ng North Moana ang maingat na tumingin kay Darryl.Pero ngayong kasama nito si Gonggong, walang sinuman ang kumwestyon sa pagpunta ni Darryl dito.Nagmukhang kalmado pero nakaramdam ng kaunting pagaalala sa kaniyang dibdib si Darryl, lalo nang makita niya ang deployment sa buong barracks. Dito na siya naging emosyonal sa kaniyang sarili.“Buwisit! Kaya pala naging ganito kalakas ang hukbo ng North Moana. Hindi lang ito nakapagsanay nang husto, dahil naging ganito rin kahigpit ang naging seguridad nila sa kanilang kampo.”Napansin ni Darryl ang walang tigil na pagpapatrolya ng nasa higit sa 10 team ng mga sundalo sa kampo. Siguradong maging ang isang langaw ay hindi makakapasok o makakalabas sa kampong ito nang hindi napapansin ng mga bantay, paano pa kaya ang isang tao.Habang nararamdaman ang mga emosyong iyon, sumunod si
Uh…Napakamot naman sa kaniyang ulo si Darryl. Tumingin siya kay Gonggong bago ngumiti at sabihing, “Gonggong, Kamahalan, bakit ka pa rin ba nababahala? Kahit na pirmahan ko pa ang letter ngayon, bukas ng umaga ko pa ito madadala at maibibigay sa Kamahalan. At matagal ko na ring hindi nakikita ang aking babae kaya maaari ko ba siyang makausap?”Dito na siya lumingon kay Yvette. Kinindatan niya ito bago ngumiti at sabihing, “Yvette, ilang araw ka na ring nakulong dito, namiss mo ba ako?”Swoosh! Agad na namula ang magandang mukha ni Yvette nang itanong ito sa kaniya ni Darryl sa harapan ng lahat. Pero matalino si Yvette kaya agad niyang naintindihan ang pinapahiwatig ni Darryl. Napakagat na lang ito sa kaniyang labi habang nagkukunwaring nahihiya sa harapan ng lahat bago mahinang sumagot ng, “Oo, araw araw kitang iniisip mula noong huli tayong nagkita!”Kahit na hindi nito alam ang binabalak ni Darryl, pinagkatiwalaan pa rin siya ni Yvette kaya natural lang na sakyan nito ang gina
Nasa 10 mga elixir lang ang unang ginawa ni Darryl para ibigay kay Yvette sa sandaling mailigtas niya ito. Pero nagawa ring mahuli ng North Moana ang mga cultivator ng iba’t ibang sekta sa World Universe kaya humingi ng tulong si Darryl sa Divine Farmer para gumawa ng mas maraming elixir.Noong una ay iniisip pa rin ni Darryl kung paano siya papasok sa kampo ng North Moana, pero sa halip ay si Gonggong na mismo ang nagpunta sa mansyon ng mga Carter para bigyan siya ng pagkakataong gawin ito. Kaya natural lang na hindi ito palampasin ni Darryl.Gulp! Nang makuha nila ang Revival Pill, hindi na nagdalawang isip pa sina Yvette at ang iba pang mga cultivator—agad nilang kinonsumo ang mga ito. Hindi nagtagal ay agad na nakarecover ang pinipigilan nilang mga internal energy.Pero may isang tao na hindi pa umiinom ng kaniyang Revival Pill, wala itong intensyon na inumin iyon habang nagpapakita ng hinanakit ang kaniyang mukha.Ito ay walang iba kundi si Ambrose.“Ambrose!”Nang makita
At higit sa lahat, kasalukuyang nasa labas ngayon si Gonggong ng kulungan. Maaaring naalarma na ng galit na si Ambrose si Gonggong sa sobrang lakas ng mga sigaw na ginawa nito. Magiging malaki itong problema para sa kanila sa sandaling mangyari nga ito.“Mas maigi na iyan!”Naintindihan ni Yvette ang ginawa ni Darryl. Pero ninerbiyos pa rin ito nang kaunti sa kanilang sitwasyon. Kaya agad itong napatanong ng, “Ngayong nakarecover na ang aming mga internal energy, paano na tayo makakalabas dito?”Kasabay niyang napasimangot ang marami pang mga cultivators na nabagabag sa kanikanilang mga sarili.Kahit na marecover pa nila ang kanikanilang mga internal energy, hindi pa rin ito nakasisigurong makakatakas nga sila sa lugar na ito. Sabagay, masyadong mahigpit ang seguridad sa kampo ng North Moana. At nasa 10,000 lang ang bilang ng mga cultivator na kasama nila ngayon kaya paano nila magagawang labanan ang nasa ilang daang libong sundalo ng North Moana?”“Huwag kayong magalala!”Ngumit
Masyadong mabilis si Rocky at biglaan ang lahat ng mga pangyayari, kaya naman hindi makita ni Gonggong kung sino ang nakasakay sa likod ni Rocky.Ngunit napansin ni Gonggong na ang taong nasa pinakaunahan ay si Darryl.Nang sumunod na sandali ay biglang bumalik sa katinuan si Gonggong. Nanginig ito at mabilis na pumasok sa prisinto.Kung ibang tao lamang ang mga iyon ay hahabulin nila si Rocky sa sitwasyong iyon. Pero maingat si Gonggong. Hindi nito kaagad hinabol si Rocky pero tiningnan niya ang sitwasyon sa prisinto. Isa pa, napakaraming bilanggo; magiging imposible para kay Darryl ang mailigtas niya ang lahat.Swoosh!Nang pumasok siya sa prisinto ay nagbago ang ekspresyon ni Gonggo. Nanginig ito sag alit.Napansin nito ang mga walang malay na gwardiya habang nakahiga sa sahig. Dinaganan ng pinuno ang kaniyang puso gamit ang mga kamay na tila ba nasasaktan.Nang sandaling iyon, si Darryl ang patagong naging pinuno ng mga gwardiya. Bago pumasok si Gonggong sa prisinto ay humig
Tama—iyon nga ang plano ni Darryl. Magkukunwari siyang susuko sa una at saka siya papasok sa kampo kasama si Gonggong para makita si Yvette at ang iba pa, habang patagong nilipat ng pamilya Carter at ng Westrington Army ang kanilang base.Nang pumasok si Darryl sa prisinto, nakaisip ito ng paraan kung paano maalis ang atensyon sa kaniya. Ginamit nito si Rocky para makuha ang atensyon ni Gonggong at ng buong kampo. Sa ganoong paraan, magkakaroon siya ng tiyansa para iligtas si Yvette at ang lahat ng mga cultivator.Naisip ni Darryl ang paraang iyon sa huling sandali. Naisip nitong magkaakroon sila ng maraming pagsubok. Hindi nito inakalang magiging maayos ang pagdaloy nito.Woo!Nang sandaling iyon, Labis ang pagkasabik ni Yvette at ng iba pang mga cultivator. Sa wakas ay naintindihan din nila ang plano ni Darryl.“Alliance Master!”Si Watson ang tipo ng tao na susunod sa hangin. Nang sandaling iyon, pinuri nito ng hindi angkop si Darryl. “Hindi nakapagtatakang ikaw ang bayani n
”Papa!”Nang sandaling iyon ay mabilis na lumapit si Eira. Natuwa ito nang makita si Ambrose sa mga braso ni Darrtl.Determinado ang kaniyang tono nang sabihin niya iyon, pero hindi nito mapigilang lumingon pabalik sa kampo.Nang sumunod na segundo ay lumuhod sa sahig si Eira sa kampo ni Zhang Jue. Tatlong beses itong yumuko sa sahig, kinagat ang kaniyang labi at nagsalita. “Patawad po, Master!”Labis na pinapahalagahan ni Eira ang katapatan at pagmamahal kahit na isa siyang babae. Iba man ang mga pananaw nito kaysa kay Zhang Jue, tinuring niya pa rin bilang kaniyang master ang lalaki. Nakaramdam ng bigat ng loob si Eira dahil sa gagawin niyang pag-alis nang walang paalam.Woo!Huminga ng malalim si Darryl at pasikretong tumango sa papuri. Sa parehong sandali ay naging emosyonal ang puso nito.Kung magiging maunawain lamang si Ambrose katulad ni Eira.Tinulungan ni Darryl tumayo si Eira. Pagtapos ay pinamunuan nito ang grupo at nagmadaling lumabas ng kampo at nagtungo sa Wicked