Kinagat ni Megan ang kanyang mga labi habang nahaharap siya sa mga mahihirap na katanungan at panunuya ni Watson. Pagkatapos, dahan-dahan niyang sinabi, "Ang Immortal Pure Scriptures na aking isinagawa ay mayroong mga Cosmic Orbit Formations. At nalaman ko ang Immortal Pure Scriptures mula kay Zhang Jue - " Ipinaliwanag nang detalyado ni Megan kung paano niya nakita si Zhang Jue at kung paano niya ito niloko sa pagbibigay ng kanyang tunay na pamamaraan sa sinaunang libingan ni Lu Bu. Sumulyap si Megan sa kahihiyan sa karamihan matapos siyang matapos. "Gusto kong i-monopolyo ang panghuling pamamaraan, kaya sinaksak ko si Zhang Jue ng isang tabak matapos kong mailabas ito sa kanya. Hindi ko alam na nakaligtas siya. Nagawa niyang makatakas at naging Tagapayo ng Militar ni Yang Jian - " Hindi nais ni Megan na ibunyag ang kanyang nakaraan. Pagkatapos ng lahat, ito ay pumipinsala sa kanyang imahe, ngunit iyon lamang ang magagawa niya upang makuha ang tiwala ng lahat. 'Ano?' Ilang s
“Ano?” Natitigilang tumingin ang lahat kay Darryl. Nagulat silang lahat sa kanilang narinig. “Tama ba ang narinig natin?” Isang tusong babae si Megan pero mas nagawa siyang paniwalaan ng Alliance Master? Si Watson ang may pinakamasamang mukha sa kanilang lahat, nakaramdam ito ng matinding pagkabagabag na sinamahan ng kumplikado niyang mga emosyon. Nagaalala siya na baka mas maging mataas ang posisyon ni Megan kaysa sa kaniya sa sandaling makuha nito ang tiwala kay Darryl sa mga pagtulong na ginagawa nito sa pakikipaglaban. Paano niya nagawang hayaan ang bagay na ito? Inisip ang bagay n aiyo ni Watson habang nakakahanap ng lakas ng loob para masabi iyon. At pagkatapos ay nagawa niya na ring tumayo para tingnan nang direkta si Darryl at nadidismayang iiling ang kaniyang ulo habang sinasabi na, “Alliance Master, pinagkatiwalaan ka nang husto ng Tucker Cult kaya nagawa ka naming irekomenda bilang aming Alliance Master. Nasa kamay mo na ngayon ang kinabukasan at buhay ng World
Ayaw sanang maging concern ni Darryl nang husto kay Megan pero hindi na niya natiis pa ang depressed nitong itsura. “Sige!” Bahagyang ngumiti si Megan bago magpunta sa bakuran para magpahinga. Ugh! Nang makaalis si Megan, sumandal si Darryl sa kaniyang upuan at nagbuntong hininga. At pagkatapos ay nagtingin tingin siya sa kaniyang paligid habang napapaatras ng ilang sandali.Nakita niyang nakatingin si Susan at ang pamilya Carter nang may naguguluhang mga mukha. Mukhang nagdadalawang isip na magsalita ang mga ito. Mahahalatang iniisip ng mga ito na ignorante si Darryl noong pagkatiwalaan niya si Megan. “Auntie Susan!”Mapait na ngiti ni Darryl. Tumingin siya kay Susan at sinabing, “Iniisip mo po ba na mali ang ginawa kong desisyon? At hindi ko dapat pagkatiwalaan si Megan?” Nagisip si Megan at mahinang sumagot ng, “Hindi ko masasabi kung totoo o hindi si Megan pero nagtitiwala pa rin ako sa naging desisyon mo." Kagaya ng mga malalaking sekta ng World Universe, naghihi
Tumawa rito si Darryl. Napuno ng tensyon ang dibdib ni Darryl habang ipinapakita ang pagpapasalamat niya sa Divine Farmer. “Malaki nga talaga ang naitulong mo sa amin noong mahanap mo ang napakaraming mga ultimate elixir na ito, Senior. Malaking tulong na ito para sa World Universe. Gusto kong magpasalamat sa iyo sa ngalan ng mga sugatan naming mga kasama. Maraming salamat sa pagtulong mo sa amin.” Nagpakita rin si Susan at ang kaniyang mga kasama ng humahangang mga tingin sa Divine Farmer. Ngumiti naman ang Divine Farmer at sumenyas na wala lang ang bagay na ito. “Mayroon bang tao riyan?” Hindi na nagdalawang isip pa si Darryl. Tinawag niya ang mga disipulong nakatayo sa labas ng hall at agad na nagbaba ng utos. “Dalian ninyo! Kunin ninyo ang mga ultimate elixir na ito at ibigay sa sugatan nating mga kasama.” Nasabik dito nang husto si Darryl. Siguradong mabilis na gagaling si Dax at ang mga sugatan nilang kasamahan sa pamamagitan ng mga elixir na iyon, dito na nila magagawa
Tumayo lang doon si Megan, gandang ganda siya sa kaniyang nakita. Masyadong maganda at malakas ang Formation na ginawa ng anim na mga Master ng Fuyao Palace. Nang biglang mapansin ng anim na mga diwata si Megan, agad na tumigil ang mga ito para lapitan si Megan. “Megan?” Tumuro ang pinakamaliit na diwatang si Irene kay Megan at nagsabi ng, “Ano ang ginagawa mo rito?” Isang mabait na diwata si Irene, habang ang ibang mga sect master ay nabalot ng kanilang mga panghuhusga kay Megan nang dahil sa ginawa nito noon. Pero hindi ito ang inisip ni Irene kay Megan at nagtiwala rin siya kay Darryl. Wala nang naging kahit na anong opinyon si Irene nang mapatawad ni Darryl si Megan. Kabaliktaran ito sa naging reaksyon ni Cindy at ng lima pang mga diwata na tumingin nang buong pagsususpetsa kay Megan. “Ako—”Bahagyang ngumiti si Megan bago sabihing, “Nakita ko ang ginagawa ninyong pagsasanay sa isang formation nang mapadaan ako rito. Nacurious at nagandahan lang ako rito. Pasensya na k
Nanginig si Megan nang makita niya sina Dax at Chester. Dito na nakaramdam ng nerbiyos ang kalmado niyang puso. 10 taon na ang nakalilipas mula noong patayin ni Megan ang pinakamamahal na asawa ni Chester sa main altar ng Eternal Life Palace Sect. Nakaramdam ng matinding guilt si Megan sa bawat sandaling maiisip niya ang tungkol sa bagay na ito, kahit matagal nang nangyari ang bagay na iyon. Dahan dahan namang umatras si Cindy at ang mga kasama niyang diwata papunta sa isang tabi kung saan nila pinanood ang mga nangyayari. Alam ng kahit na sinong cultivator ang hinanakit sa pagitan nina Dax, Chester at Megan, kaya natural lang na alam din ito ng anim na mga diwata sa Fuyao Palace. “Megan!” Tumitig si Dax kay Megan nang makalapit siya rito bago sumigaw ng, “Narinig kong nagbago ka na raw ngayon, at napatawad ka na rin ni Darryl sa mga nagawa mo sa kaniya. Pero may mga bagay pa ring hindi basta bastang mababago ng salita.” Mapait namang sinabi ni Dax na, “Hindi masyadong naka
Woo!Sa mga sandaling ito, huminga nang malalim si Chester habang tinitingnan nang maigi si Megan at kumplikadong nagsalita rito, “Mukhang nagbagong buhay ka na nga. Kalimutan mo na ang lahat ng nangyari noon. Wala na tayong hinanakit sa isa’t isa mula sa araw na ito.”Nang makita ni Chester ang tangkang pagpapakamatay ni Megan para mapagbayaran ang kaniyang mga pagkakamali, agad itong nagdesisyon na hayaan at kalimutan ang lahat. Kailan nga ba nila makikita ang katapusan ng bagay na ito kung ipagpapatuloy niya ang paghihiganti na kaniyang nararamdaman? Malapit na rin sa kanila ang mga kalaban, malaki ang maibibigay na tulong ni Megan sa kanila sa sandaling hayaan nila itong lumaban para sa World Universe.“Kuya Chester?”Nabahala rito nang husto si Dax. Agad itong sumigaw ng, “Ano ang ginagawa mo? Dapat lang na mamatay ang babaeng ito, kaya bakit mo siya pinipigilan?”Kilala si Dax sa iksi ng kaniyang pasensya at sa direkta niyang pananalita. Inakala nitong mapagbabayaran na ni M
Nagtipon tipon ang mga Celestial Feather Riders para alisin na sana ang mga bitag nang marinig nilang may mahuli ang mga ito. Natutuwang nasurpresa rito ang lider ng Celestial Feather Riders. Isa nang malaking bagay para sa kanila ang makahuli ng mga cultivator mula sa World Universe.Woola!Sumabog ang internal energy sa paligid habang dumadagsa ang mga miyembro ng Celestial Feather Riders sa kinaroroonan ng mga bitag.Hindi na nagawa pang makapagreact ng mga nahuling cultivator kaya agad nilang nakaharap ang kanilang mga kalaban."Argh!"Agad na narinig ang tunog ng patayan at kalansing ng mga sandata nang buong gabi sa labas ng city.Pagkatapos ng maiksing 30 minuto, nahuli na ng mga ito ang lahat ng mga cultivator ng World Universe. Dahil ang karamihan sa mga ito ay kasalukuyan nang natrap sa inilatag nilang mga bitag. At ang sinumang makaiwas sa mga bitag na ito ay wala namang laban sa mas maraming bilang ng mga Celestial Feather Riders na nasa kanilang harapan.Pagkatapos