Tumayo lang doon si Megan, gandang ganda siya sa kaniyang nakita. Masyadong maganda at malakas ang Formation na ginawa ng anim na mga Master ng Fuyao Palace. Nang biglang mapansin ng anim na mga diwata si Megan, agad na tumigil ang mga ito para lapitan si Megan. “Megan?” Tumuro ang pinakamaliit na diwatang si Irene kay Megan at nagsabi ng, “Ano ang ginagawa mo rito?” Isang mabait na diwata si Irene, habang ang ibang mga sect master ay nabalot ng kanilang mga panghuhusga kay Megan nang dahil sa ginawa nito noon. Pero hindi ito ang inisip ni Irene kay Megan at nagtiwala rin siya kay Darryl. Wala nang naging kahit na anong opinyon si Irene nang mapatawad ni Darryl si Megan. Kabaliktaran ito sa naging reaksyon ni Cindy at ng lima pang mga diwata na tumingin nang buong pagsususpetsa kay Megan. “Ako—”Bahagyang ngumiti si Megan bago sabihing, “Nakita ko ang ginagawa ninyong pagsasanay sa isang formation nang mapadaan ako rito. Nacurious at nagandahan lang ako rito. Pasensya na k
Nanginig si Megan nang makita niya sina Dax at Chester. Dito na nakaramdam ng nerbiyos ang kalmado niyang puso. 10 taon na ang nakalilipas mula noong patayin ni Megan ang pinakamamahal na asawa ni Chester sa main altar ng Eternal Life Palace Sect. Nakaramdam ng matinding guilt si Megan sa bawat sandaling maiisip niya ang tungkol sa bagay na ito, kahit matagal nang nangyari ang bagay na iyon. Dahan dahan namang umatras si Cindy at ang mga kasama niyang diwata papunta sa isang tabi kung saan nila pinanood ang mga nangyayari. Alam ng kahit na sinong cultivator ang hinanakit sa pagitan nina Dax, Chester at Megan, kaya natural lang na alam din ito ng anim na mga diwata sa Fuyao Palace. “Megan!” Tumitig si Dax kay Megan nang makalapit siya rito bago sumigaw ng, “Narinig kong nagbago ka na raw ngayon, at napatawad ka na rin ni Darryl sa mga nagawa mo sa kaniya. Pero may mga bagay pa ring hindi basta bastang mababago ng salita.” Mapait namang sinabi ni Dax na, “Hindi masyadong naka
Woo!Sa mga sandaling ito, huminga nang malalim si Chester habang tinitingnan nang maigi si Megan at kumplikadong nagsalita rito, “Mukhang nagbagong buhay ka na nga. Kalimutan mo na ang lahat ng nangyari noon. Wala na tayong hinanakit sa isa’t isa mula sa araw na ito.”Nang makita ni Chester ang tangkang pagpapakamatay ni Megan para mapagbayaran ang kaniyang mga pagkakamali, agad itong nagdesisyon na hayaan at kalimutan ang lahat. Kailan nga ba nila makikita ang katapusan ng bagay na ito kung ipagpapatuloy niya ang paghihiganti na kaniyang nararamdaman? Malapit na rin sa kanila ang mga kalaban, malaki ang maibibigay na tulong ni Megan sa kanila sa sandaling hayaan nila itong lumaban para sa World Universe.“Kuya Chester?”Nabahala rito nang husto si Dax. Agad itong sumigaw ng, “Ano ang ginagawa mo? Dapat lang na mamatay ang babaeng ito, kaya bakit mo siya pinipigilan?”Kilala si Dax sa iksi ng kaniyang pasensya at sa direkta niyang pananalita. Inakala nitong mapagbabayaran na ni M
Nagtipon tipon ang mga Celestial Feather Riders para alisin na sana ang mga bitag nang marinig nilang may mahuli ang mga ito. Natutuwang nasurpresa rito ang lider ng Celestial Feather Riders. Isa nang malaking bagay para sa kanila ang makahuli ng mga cultivator mula sa World Universe.Woola!Sumabog ang internal energy sa paligid habang dumadagsa ang mga miyembro ng Celestial Feather Riders sa kinaroroonan ng mga bitag.Hindi na nagawa pang makapagreact ng mga nahuling cultivator kaya agad nilang nakaharap ang kanilang mga kalaban."Argh!"Agad na narinig ang tunog ng patayan at kalansing ng mga sandata nang buong gabi sa labas ng city.Pagkatapos ng maiksing 30 minuto, nahuli na ng mga ito ang lahat ng mga cultivator ng World Universe. Dahil ang karamihan sa mga ito ay kasalukuyan nang natrap sa inilatag nilang mga bitag. At ang sinumang makaiwas sa mga bitag na ito ay wala namang laban sa mas maraming bilang ng mga Celestial Feather Riders na nasa kanilang harapan.Pagkatapos
Woo!Nanginig si Yvette nang makita niya ang eksenang iyon. Agad siyang nakaramdam ng matinding pagkabahala sa kaniyang dibdib.“Buwisit! Uminit kaya ang ulo ni Yang Jian noong dumating dito si Darryl para tumulong? Papatay na bai to ng mga bilanggo para mailabas ang kaniyang galit?”“Dalhin ninyo ang lahat ng iyan sa labas!”Kasabay nito ang nanlalamig na paguutos ng tumatayong lider ng mga sundalo, “Ipakita ninyo sa mga bilanggong ito kung paano pababagsakin ng North Moana ang Mid City ngayong araw.”Woola! Woola!Dito na inilabas sina Yvette, Ambrose at ang kanilang mga kasama sa kanikanilang mga selda papunta sa gilid ng isang burol sa labas ng Mid City.Woo!Nang makarating sila sa palasyo, agad na nanginig si Yvette sa kaniyang nakita. Natigilan ang buo niyang katawan nang dahil dito.Nabalot ang gilid ng burol ng mga cultivator na nagmula sa iba’t ibang mga sekta sa World Universe. Kasalukuyang nakaselyo ang mga acupoints ng mga ito habang nakatali ang kanilang mga bras
Dito na itinuro ni Yang Jian ang burol sa labas ng city bago masayang ngumiti at sabihin na, “Ikaw na mismo ang tumingin sa kanila. Nahuli namin ang iyong mga kasama. Sino na ngayon ang haharap pa sa akin?”Ano?Nanginig dito si Darryl, natigilan siya nang makita niya ang mga nakataling cultivator sa tabi ng burol.Kasabay niyang nakaramdam ng galit at desperasyon sina Susan, Megan, Dax at ang iba pa nilang mga kasama. Agad na nagbago ang kanilang mga mukha.Ipinagmamayabang ng mga cultivator na sila ang pinakamahusay sa kanikanilang mga sekta, pero hindi pa rin nila nagawang tumulong sa pinakaimportanteng sandali ng laban. At paano ring nahuli ang mga ito ni Yang Jian?Agad na magiging passive nang dahil dito ang sitwasyon ng World Universe.At sa huli ay bumalik na rin si Darryl sa realidad. Tumawa ito nang malakas habang sinasabi na, “Yang Jian, hanggang sa huli, hindi pa rin natin alam kung sino ang mananalo at matatalo sa labang ito. Paano mo nalamang hindi ko na kayang depe
Napangiti at hindi nagpanic si Darryl nang makita niya kung gaano kabilis nagbago ang formation ng mga sundalo sa North Moana.Kasabay nito ang mabilis na paglalakad paabante ni Megan. Nang tingnan nito ang formation ng North Moana, agad niya itong pinagaralan at sinabing, “Maaaring ang gitnang bahagi nito ang pinakamalakas na bahagi ng kanilang formation pero sa totoo lang, ito talaga ang pinakamahina sa lahat.”“Naiintindihan ko!”Tumango si Darryl at sumigaw ng, “Makinig kayong lahat! Isentro ninyo ang buo niyong lakas sa gitnang bahagi ng formation.”Woola!Mabilis na nagsama sama ang mga miyembro ng pamilya Carter at mga sundalo ng Westrington. At sa loob ng isang iglap ay nagawa ng mga itong mahati sa dalawa ang formation ng hindi mapapantayang hukbo ng North Moana na parang isang matalim na espada. Nagawa nilang sirain ang koneksyon sa pagitan ng kaliwa at kanang bahagi nito.Ano?Nagulat dito si Zhang Jue. Nagulat siya nang husto sa kaniyang nakita.Imposible.Paano na
Nabahala naman nang husto ang malapit sa kanilang si Yang Jian. Gusto na sana nitong sumugod para tumulong pero natakot par in siya sa pagmamayaring Seven Treasures Exquisite Pagoda ni Darryl. Nagawa siyang pagtulung tulungan ng mga tao sa pagodang iyon noong huli nilang laban. Kahit na hindi siya nasugatan, nakonsumo naman nito ang malaking bahagi ng kaniyang internal energy.Masyado ring makasarili si Yang Jian. Maraming tao ang nagalit sa kaniya noong bigla niyang atakihin si Darryl noon. Siguradong pagtatawanan na siya ng Nine Mainlands sa sandaling atakihin nanaman niya ito."Argh…"Nasa harapan na niya ang kalaban pero hindi pa rin niya ito mapatay patay. Walang tigil na umangat ang nararamdamang galit ni Zhang Jue noong mga sandaling iyon. Galit itong sumigaw sa kalangitan bago tumingin kay Darryl. “Huwag na huwag lang talaga kitang mahahawakan. Dahil sisiguruhin ko na pagsisisihan mo ang pagkapanganak mo sa mundo sa sandaling mahuli kitang hayop ka.”Tumawa siya rito.Hind