“Roar!”Gumawa ang mabagsik na kylin ng isang dumadagundong na angil sa gitna ng ere noong mga sandaling iyon!Buzz!Isang kulay Purple Red na apoy ang biglang lumabas sa bunganga ng Kylin na siyang pumunta kay Master Ralph at sa iba pang mga disipulo ng Sky Mountain!“Ah!”Hindi na nakapagreact pa sa tamang oras ang karamihan sa mga disipulo ng Sky Fountain. Dito na nabalot ng apoy ang mga ito habang gumagawa ng isang makapanindig balahibong mga sigaw. Hindi nila inaasahang mapapatay ng Kylin ang kaniyang mga tauhan sa sandaling magalit ito nang husto!Higit sa isang daang mga disipulo ng Sky Fountain ang tuluyan nang naging abo sa mga sandaling ito.Hindi nagdalawang isip si Master Ralph habang itinataas ang kaniyang kamay at naglalabas ng isang protective shield matapos makita ang papalapit na apoy sa kaniya.Bang!Nanginig ang buong katawan ni Master Ralph nang tumama ang apoy sa hawak niyang protective shield bago ito tuluyang mawasak na nakapagpatalsik kay Master Ralph p
Naging kalmado ang mukha ni Megan na hindi nagpakita ng kahit na anong emosyon habang iniiwasan ang pagatake ng kylin bago tumingin sa mga sekta ng World Universe at nanlalamig na sabihing, “Ano pang tinatayo tayo niyo riyan? Tumulong na kayo rito!”Sa totoo lang ay hindi talaga gusto ni Megan na tulungan si Master Ralph sa kaniyang problema. Pero ang bawat galaw na kaniyang ginagawa ay tinitingnan ng lahat bilang Alliance Master ng World Universe. Kaya natural lang na maging isa siyang halimbawa sa ganitong klase ng mga pangyayari.At higit sa lahat, ilang libong taon na ring nabubuhay ang mabagsik na kylin ng Sky Fountain Sect na mayroong lakas na umaabot sa Heaven Ascension Level. Kaya siguradong malaki na ang halaga ng inner core nito.Napagdesisyunan ni Megan na tulungan si Master Ralph at kunin ang oportunidad na ito para patayin ang kylin. At sa sandaling mangyari iyon, mapapasakamay niya na rin ang tanglay nitong inner core.“Opo, Alliance Master!” Sagot ng mga cultivator n
Pasimpleng napailing ang natatawang si Darryl nang makita niya ang tumitingkayad na si Queenie para mapanood ang laban.Malaki na nga talaga ang babaeng ito, pero ganoon pa rin ang kilos niya—mahilig siyang pumunta sa mga lugar na magbibigay saya sa kaniya.Sa mga sandaling iyon ay mas naging bayolente pa ang nagwawalang kylin matapos tanggapin ang pagatake ng mga nakapaligid na cultivator dito. Nagliyab ang buo nitong katawan at naglabas ng apoy na may 10 metrong taas. Maging ang kalangitan sa ibabaw ng Sky Fountain Sect ay nagliyab sa tindi ng init ng nilalabas nitong aura. Siguradong hindi makakahinga ang sinumang pumasok sa area na ito.Roar! Roar! Walang tigil nilang narinig ang galit na mga angil ng halimaw habang tuluyan nang nawawala sa sarili ang nagwawalang kylin. Mukha ring dumoble pa ang tanglay nitong lakas. Kahit na nagawa itong mapaligiran ng cultivator ng iba’t ibang mga sekta, hindi pa rin nila ito magawang paamuhin o patayin.Kalahating oras na ang nakalipas per
Hinarap ng nagwawalang kylin ang walang tigil na pagatake ng mga cultivator sa iba’t ibang direksyon noong hindi pa dumarating si Zhurong. Kaya hindi na nagawa pang makawala ng halimaw kahit na hindi ito nagawang mapaamo ng mga cultivator. Pero nang dumating si Zhurong, naging malinaw na para sa mata ng lahat ang dahan dahang pagkatalo ng nagwawalang kylin.Sabagay, kilala si Zhurong sa pagkakaroon ng ilang libong taong buhay.Bang!Sumabog ang internal energy ni Zhurong matapos ang kalahating oras ng pakikipaglaban habang gumagawa ng isang pagatake papunta sa ulo ng nagwawalang kylin. Gumawa ang kylin ng isang napakalakas na pagiyak bago idura ang isang nagliliyab na inner core.Ito na ang inner core ng nagwawalang kylin—ang Heavenly Flame Core!Kasabay nitong nalaglag ang nakasuot sa leeg nitong Goddess Tears.Magkasabay na nahulog ang dalawang mga kayamanan mula sa dambuhalang katawan ng kylin papunta sa lupa.“Haha, ang Heavenly Flame Core at ang Goddess Tears!” Malakas na t
Kasalukuyan pa ring lumulutang sa gitna ng ere ang Heavenly Flame Core at ang Goddess Tears habang walang tigil na nagpapatayan ang mga cultivator sa kanilang paligid para sa dalawang mga kayamanang ito.Clang! Clang! Clang!Walang tigil na narinig ang tunog ng mga sandata habang marami ang namamatay sa madugong laban na ito!Kinuha ni Megan ang Jade Fairy Flute at dahan dahan itong inihipan. Dito na kumalat ang napakagandang tunog ng flute sa gitna ng ere. Pero agad na sumakit ang ulo ng mga taong nakarinig sa tunog na ito!Ang Jade Fairy Flute ay isang Grand Weapon na nakuha ni Megan na may kakayahang pigilan ang internal energy ng ibang tao gamit ang tunog na nagmumula rito.Napahawak sa kanikanilang mga ulo ang libolibong mga cultivator at mabilis na nagsibagsak sa lupa nang dahil sa tindi ng sakit na kanilang nararamdaman mula sa tunog ng flute na ito.Ibinuka ni Megan ang mapupula niyang mga labi at sinabing, “Makinig kayo sa akin, World Universe! Inuutusan ko kayo na kunin
Sina Celine at Queenie—tumayo roon ang magmaster habang pinapanood na maglaban laban ang mga sekta para sa mga nahulog na kayamanan nang biglang hawakan ni Zhurong si Queenie.“Ito na ang masuwerteng araw mo bata! Sa iyo na ang dalawang mga kayamanan na ito!” Tumawa si Zhurong bago ilagay ang Heavenly Flame sa bibig ni Queenie habang pinapahawak ang Goddess Tears sa mga kamay ng dalaga!“Senior…” Hindi na halos nakapagreact pa si Queenie nang malunok niya ang Heavenly Flame Core!Ano?Biglang nagbago ang itsura ng mga nakatulalang tao sa paligid at nagalit nang husto sa kanilang nakita!Lalo na ng namumulang si Megan na nagalit nang husto sa kaniyang mga nakita. Nasa huli na siyang hakbang! Isang hakbang na lang ay magagawa na niyang makuha ang dalawang mga kayamanan na ito para sa kaniyang sarili!“Haha!” Tumawa nang malakas sa mga sandaling ito si Zhurong matapos makahinga nang maluwag sa kaniyang ginawa. “Mga hayop na bata ito! Ang lakas ng loob mong atakihin ako nang pataliko
Napakagat sa kaniyang labi si Queenie matapos makita ang nasa ilang milyong mga cultivator na nagkakandarapang hulihin siya habang sinusubukan ng nagpapanic niyang katawan na ikonsumo ang Heavenly Flame Core.Pero masyado pa rin talagang matindi ang lakas na nilalaman ng Heavenly Flame Core.Kaya sa loob lang ng ilang segundo ay hindi na nagawa pang matiis ni Queenie ang puwersang sumasabog sa loob ng kaniyang katawan habang dahan dahang ibinubuka ang kaniyang mga labi at nanghihinang sumisigaw kay Darryl ng, “Masyado nang masama ang pakiramdam ko, Darryl. Tulungan mo ako…”“Hubby!”Maging si Lily ay nabahala sa kaniyang nakita habang humayakap sa mga braso ni Darryl at sinasabing. “Iligtas mo si Queenie, dali!”“Woo!”Huminga nang malalim si Darryl habang kinocomfort na sinasabi kay Lily na. “Huwag kang magalala, magiging ok lang si Queenie.”Sa totoo lang ay wala nang magagawa ang kahit na sino sa ganitong klase ng mga pangyayari dahil sa tindi ng lakas na nilalaman ng Heavenl
Si Master Ralph ay isang senior cultivator na kilala sa ng mundo ng mga cultivator sa Middle Terra para kay Darryl, kaya hindi niya inasahang mangingialam nang ganito si Master Ralph.Hindi lang niya nagawang hawakan si Queenie dahil nagawa rin nitong selyuhan ang mga acupoints ng dalaga.“Hehe!”Ngumiti si Master Ralph, Tumingin siya kay Darryl at kalmadong sinabi na, “Huwag kang magalala Master Darby. Makinig ka sa akin. Ang Holy Beast Kylin at ang aming Sky Fountain Sect ay may malalim na koneksyon sa isa’t isa. Kaya kahit na nagawa nitong magwala at mamatay, dapat pa rin na mapasaamin ang iniwan nitong Heavenly Flame Core at Goddess Tears—kaming mga taga Sky Fountain sect lang ang maaaring makakuha nito.”Dito na tumingin si Master Ralph kay Queenie at nagpatuloy sa pagsasalita, “Kailangan niya munang manatili rito sa Sky Fountain Sect anuman ang mangyari dahil aksidente niyang nalunok ang Heavenly Flame Core at nakuha ang Goddess Tears.”Naging determinado at walang pagaalinl