Kabanata 145
Isang nakabibinging katahimikan.

Nang makarating si Darryl sa pampang, hinila niya ang 10 talampakang pating sa buhangin.

“Gulp!” Napalunok nang malakas ang isa sa mga taong nakatingin sa kaniya.

Paano niya nagawa ito? Paano naging posible sa kaniya na pumatay ng isang pating?

Tiningnan ng ilang daang mga mayayamang sumama sa outing si Darryl. Natigilan at namangha ang bawat isa sa mga ito. Napakagaling!

Ngumiti si Darryl at sinabing “Bakit umiiyak nang ganito ang wifey ko? Nagalala ka ba nang husto sa hubby mo?”

“Ikaw…” Durog na durog ang puso ni Lily habang iniisip na hindi na niya ito makikita pang muli. Gusto na lang niyang yakapin nang mahigpit si Darryl nang makita niya itong naglalakad papunta sa pampang.

Punong puno pa rin ng luha ang napakaganda niyang mukha. Hindi niya inaasahang magbibiro pa rin si Darryl matapos niyang tawagin ang kaniyang sarili biglang hubby at tawagin siyang wifey sa harap ng lahat. Nakakahiya!

“Tigilan mo na iyan, hi-hindi ako nagaalala s aiyo!”
Capítulos gratis disponibles en la App >

Capítulos relacionados

Último capítulo