Kabanata 1458
Ang referee sa gilid ay sinabing, “Si Luca Moonlight ang nanalo para sa round na ‘to! Naipasa ni Luca Moonlight ang lahat ng apat na kategorya at magpapatuloy sa susunod na stage!”

Pagkatapos ay tiningnan niya si Geoff na namumutla ang mukha. “Nakapasa si Geoff Jefferson sa tatlong kategorya pero natalo siya sa chess kaya naman tanggal na siya!”

‘Natalo ako nang ganon lang?’

Umupo roon si Geoff habang nawawala ang kanyang kaluluwa. Hindi siya nakapagsalita.

Mabagal na tumayo si Darryl, ngumiti at sinabing, “Mister Jefferson, sigurado naman akong na hindi mo babawiin ang mga pangako mo? Tapos na ang competition, hihintayin kita sa labas!”

Sumipol si Darryl habang palabas siya sa competition venue.

‘Haha! Nakakaaliw naman na tinuruan niya ang mayaman na lalaking ‘yon nang leksyon gamit ang chess.’

Nasa labas na siya noong napansin niyang palabas na rin si Parker.

Malaki ang ngiti ni Parker at mukhang relax sa sandaling ‘yon. Mukhang nagawa niyang magpatuloy sa susunod na round.

Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP