“Woooh!”Huminga nang malalim si Parker noong pumayag si Darryl.Hindi napigilang magtanong ni Darryl sa sandaling ‘yon, “Hindi ko pa rin alam ang pangalan mo. Bakit ka nagpanggap na lalaki para makasali sa tournament?”Tumawa si Parker at sumagot, “Ako? Ako si Parker Yohan mula sa Famed Swords ng Yellow Sea Continent. Nandito ako para patunayan na ang mga talento ko ay kasing galing o mas magaling pa sa mga lalaki.”‘Ano? Ang Famed Swords Manor?’ natigilan si Darryl noong narinig niya ito at patagong nagulat.Kahit na hindi pa siya nakapupunta sa Yellow Sea Continent, matagal na niyang narinig ang mga sandata ng Famed Swords Manor sa Yellow Sea Continent na naghahanap nang komunikasyon sa gitna ng Nine Mainlands na matagal nang nakabukas.Hindi niya inaasahan na makikita niya ang isa sa mga taga roon.Hindi rin napigilang magtanong ni Parker, “Ikaw? Anong pangalan mo?”Ngumiti si Darryl at sinabing, “Ako si Luca Moonlight!”Hindi napigilang kausapin ni Parker ang sarili niya,
Tuwang tuwa si Florian bago siya biglang pumunta sa main entrance. “Dali! Papasukin niyo siya!” Sinundan ni Yumi ang suit.Si Florian at Yumi ay sobrang natuwa sa sandaling ‘yon.‘Haha!’ isang sikat na tao si Matteo Hanson sa mundo nang naglilinang mula sa New World at para tanggapin ni Matteo ang kanyang imbitasyon ay ibig sabihin nirerespeto siya nito!Napansin nila na papunta na si Matteo habang kasama nito si Ambrose Darby noong nasa main entrance sila.Masayang masaya si Florian at mabilis siyang pinapasok bago niya sabihing, “Master Hanson! Pasok po kayo sa bahay ko. Ang presensya mo ay isang karangalan para sa Darby Residence…”“Masyado kang mabait, Master Darby!” ngumiti si Matteo at binati si Florian gamit angg fist-palm greeting. “Si Master Florian ay mataas ang posisyon pero inimbitahan mo pa rin ang mga iskolar at naglilinang na katulad ko. Isang karangalan na makapunta ako rito.”May pagkamayabang na ugali si Matteo at hindi niya titingnan si Florian kung nasa naka
Gayunpaman, hindi makakalimuntan ni Darryl ang masamang puso ni Yumi sa ilalim nang kanyang magandang mukha. Hindi niya makakalimutan kung paano siya sinira ni Florian at Yumi.Dahil sakanila ay pinagbintangan siya na isang halimaw na tinakwil ang sarili niyang kapatid, sinigawan ng mga tao sa Donghai at pinatalsik sa Darby family. Siya rin ay target ng mga naglilinang sa buong World Universe.Kahit na lumipas na ang mga insidenteng ‘yon at nagawa niya pa rin ibalik ang kanyang reputasyon, hindi niya pa rin makakalimutan ang tungkol dito.Lalo na ang mga nakaraan noong bigla nalang inatake ni Florian si Darryl sa pinaka kritikal na sandali noong nagkagulo sa palasyo dahil sa isang bagay na tulad nang paghihiganti sa Master niyang si Ford South. Mamamatay na dapat siya mga kamay ni Florian kung hindi siya niligtas ni Yvette noong mga oras na ‘yon.Hindi makakalimutan ni Darryl na maghiganti pero hindi niya rin inaasahan na makikita niya ang mga ito sa lugar na ito.Mas nagulat si D
Sinabi ni Parker, “Maghanap ka nalang mamaya ng upuan.”Hindi niya tiningnan si Darryl noong sinabi niya ‘yon. Nakatingin siya kay Kilenc Dokko.Tama, si Kilenc ay hinahangaan nang maraming babae kasama na roon si Parker bilang isang talentado at matalinong babae mula sa Middle Terra.Ayaw talagang pumunta ni Parker sa bangketa dahil natatakot siya na baka mabuking ang kanyang pagpapanggap. Pero, pumunta siya agad noong nalaman niyang pupunta si Kilenc.Trinato ni Parker si Darryl na parang isang ordinaryong contestant lamang kung saan dapat lang siya magpasalamat dahil nakapunta siya sa bangketa.‘Ugh! Plano niya ba talagang iwanan ako rito pagkatapos niyang kong dalhin sa loob?’Hindi alam ni Darryl kung tatawa o iiyak ba siya noong nakita niya ang ginawa ni Parker.“Bakit nakatayo ka pa rin diyan?” tanong ni Geoff, “Umalis ka na sa upuan ko.”Ang mga tao sa paligid ay tumawa noong sinabi niya ‘yon at tiningnan si Darryl nang masama.‘Ang lalaki ‘to ay kakaiba. Ang simple ni
‘Siguradong walang mabuti ang gagawin nila kapag nagsama sila. Plano ba nilang magsanib para kalabanin ako?’Ngumisi si Darryl noong mga sandaling ‘yon. ‘Kung hindi lang dahil sa tournament at ayaw ko nang gulo, baka nagsimula na ako nang gyera rito.’Uminom si Darryl ng wine habang tinitingnan niya sina Matteo at Florian na nag uusap. Masyadong nakakapagod kung wala siyang ginawa sakanila. ‘Hindi, kailangan may gawin ako.’Tumingin si Darryl sa paligid noong iniisip niya ‘yon at bigla nalang nagliwanag ang kanyang mga mata.Napansin niya ang katulog sa labas ng main hall na my dalang wine at hinahanda itong ibigay sa mga panauhin.Hindi na nag isip si Darryl at tumayo na siya agad bago pa siya lumabas sa pinto.“Aiya!” nagpanggap si Darryl na nabangga siya sa isang katulong noong dumaan siya at naging dahilan ito para umiyak ang katulog bago niya matapon ang wine.“Pasensya ka na!” humingi nang paumanhin si Darryl at hindi na nanatili roon at umalis na sa Darby Residence.Akal
Masama ang tingin ni Ambrose kay Florian bago niya tulungan si Matteo at umalis na.“Master Darby, alis na rin ako!”“Paalam!”Noong pagkaalis ni Matteo, ang ibang mga panauhin ay umalis na rin.Ang isang masayang bangketa ay bigla nalang tumahimik.“Ugh! Imbestigahan niyo ang pangyayaring ito!” nag iba ang ekspresyon ng mukha ni Florian habang tinatawag niya ang mga guard at galit na sinigawan ang mga ito.Ginawa niya ang bangketa para palawakin ang kanyang social network. Sa sandaling ‘ yon, hindi lang siya nabigo na mangyari ito pero mali na rin ang pagkakaintindi ng mga tao sakanya.…Sa kalsada sa labas ng Darby Residence.Natuwa si Darryl noong nakita niya na nagmamadaling lumalabas ang mga panauhin.Ilang sandaling lang ang lumipas, sinasadyang banggain ni Darryl ang katulong bago niya patagong ginamit ang kanyang Shadow Technique para maglagay ng lason sa wine jar.Ang Numbing Poison na ito ay isang gamot kung saan nakuha niya ito noon habang kinukuha niya ang elixir
Natatawa si Darryl sa sarili niya noong napnsin niyang pumasok ang New World Emperor sa competition venue kasama ang grupo ng mga officlal noong pasimula na ang competition.Nakatayo si Florian doon noong natanggap niya ang signal ng New World Emperor at sinabing, “Lahat kayo! Ang rules ng competition ngayong araw ay simple lang. Ito ay sa pamamagitan lamang ng elimination.”“Mayroon box na ibibigay sainyo ang mga guard mamaya kung saan kukuha kayo ng numero. Ang mga may kaparehong numero ay maglalaban at kung sino ang talo ay ma-eeliminate, ang mananalo naman ay pasado na para sa next round.”Si Florian ay nasa level na nang pagiging Martial Emperor noong mga oras na ‘yon, kaya naman ang boses niya ay malakas at malinaw na narinig sa competition venue.Kumaway si Florian at ang mga guard ay mabilis na naglakad papunta sa mga contestant habang hawak ang wooden box.Maingat na bumunot si Darryl ng numero dahil maaga pa para sa competition. Mananalo siya kahit na malalakas ang kalab
Bang!Nagbanggaan ang mga suntok nila sa susunod na segundo at maririnig mo ang ungol nila bago sila napaatras.“Hmm? Kayang harangan ng lalaking ‘to ang suntok ni Tad?”Nag uusap ang mga tao noong makita nila ang pangyayari.Nagulat din si Tad. ‘Hindi ‘to pwede. Walang tao na makapapantay sa lakas ko kahit magkalevel pa kami!’Iniba ni Tad ang kanyang iniisip bago siya ngumisi kay Darryl, “Sigurado ako na nagamit mo na ang lahat nang lakas mo para sa suntok na ‘yon. Hindi ba? Pwede ka na sumuko ngayon.”Nakikita ni Tad ang pula sa mukha ni Darryl na nagpapakita na nasaktan ito.Pero, hindi niya alam na nagpapanggap lang si Darryl.“Tigilan mo na ‘yang mga sinasabi mo. Magpatuloy na tayo.” Ginalaw ni Darryl ang kanyang katawan at sinenyasan si Tad gamit ang kanyang daliri.Hindi na pinapansin ni Darryl ang mga kalaban na tulad ni Tad kung hindi lang niya kailangang itago ang kanyang pagkatao at kapangyarihan. Kaya niya itong tapusin sa isang galaw lang at hindi na ito masyadon