Slap! Mas tumindi nang tumindi ang galit ni Quincy habang iniisip ang tungkol sa bagay na ito. Mabilis siyang naglakad papunta kay Darryl at sinampal ang mukha nito.“Huwag na huwag mo akong pinagloloko. Huwag mong isipin na hindi kita kayang patayin,” Nanlalamig na sinabi ni Quincy habang nakatingin kay Darryl.Nagawa siyang sabihan ni Darryl ng pekeng formula ng Blood Battle Eight Directions sa sinaunang libingan ni Lu Bu na nagbigay sa kaniya ng psychotic break na nagresulta sa pagsunog na ginawa niya sa kaniyang damit.Ito ang dahilan kung bakit naisip ng kapatid niyang Empress na mayroon silang relasyon ni Darryl. Gustong gusto na ni Quincy na pagpirapirasuhin si Darryl mula noong mangyari ang bagay na iyon.Hinawakan ni Darryl ang kaniyang pisngi at nakangiting sinabi na, “Sige, kung gusto mo talaga akong patayin, mas maigi kung gagawin mo na ito ngayon. Pero sa sandaling mapatay moa ko, ano na lang ang sasabihin ng mga tao sa iyo? Na pinatay mo ang sarili mong asawa? Tsk,
Sa loob ng isang iglap, agad na pumasok ang nanlalamig niyang internal energy sa tub—dito na biglang nanigas sa lamig ang umuusok sa init na tubig sa paligid ni Darryl!Hindi pa nakakabalik sa realidad ang isip ni Darryl nang manigas siya sa pinagbagsakan niyang tub, tanging ulo lang niya ang lumabas sa yelong namulo sa paligid ng kaniyang katawan.Ang pamamaraan ni Quincy sa pagpapalakas ay tinatawag na Pure Feminine Method! Gasp! Tinamaan ng walang kapantay na panlalamig nito si Darryl na nakapagpahirap sa kaniyang paghinga! Dito na nanginig maging ang kaniyang bibig.Ngumiti naman dito si Quincy. Masaya siya na makitang nagdudusa ng ganiyan si Darryl. “Hindi ba gusto mong maligo? Enjoyin mo ang tubig hanggang bukas ng umaga! Sa mga oras lang na iyon kita pakakawalan diyan!”“Buwisit! Siguradong hindi na ako aabot pa ng buhay bukas sa sandaling hayaan niya akong manigas dito!”Mangiyak ngiyak na si Darryl sa mga sandaling ito!Madali lang sana para kay Darryl na gamitin ang
“Wala ka nang magagawa kahit tumanggi ka pa sa gusto ko! Dalawang pangungusap lang ng Blood Battle Eight Directions ang sasabihin ko sa iyo araw araw!” Walang pakialam na sinabi ni Darryl. Ngumiti siya kay Quincy at sinabing. “Sinabi mo nang ayaw mo sa akin. Paano na lang kung patayin mo ako pagkatapos kong sabihin sa iyo ang buong formula? Kailangan ko ng bagay na magsisiguro sa aking buhay.”Dito na nagpatuloy si Darryl sa pagsasalita, “Huwag kang magalala. Ipinapangako ko nang tunay ang formula na sasabihin ko sa iyo ngayon, pero dalawang pangungusap lang bawat araw ang puwede kong sabihin. Kung hindi mo kayang pumayag dito, puwede mo na akong patayin ngayon.”“Ikaw—"Nang makita niya ang determinasyon at pagmamatigas ni Darryl, mas lalong tumindi ang galit ni Quincy. Nagngangalit itong nanginig sa kaniyang kinaroroonan. Pero sa huli ay wala pa rin siyang nagawa kundi magngitngit na pumayag sa mga gusto ni Darryl. “Sige! Dalawang pangungusap araw araw gaya ng sinabi mo!”“Haha!
Bumulong si Darryl sa kaniyang sarili. Namumungay siyang umupo at sumagot ng, “Sige.”At pagkatapos ay naglakad siya sa pinto para dalhin ang almusal papasok sa kuwarto.Nagutom si Darryl nang maamoy niya ang pagkain. Agad na kumalam ang kaniyang sikmura rito. Hindi pa siya kumakain ng kahit isang beses mula noong dalhin siya sa South Cloud Palace.Dinala niya ang almusal sa lamesa kung saan nakaupo si Quincy. Nilagay ni Darryl ang almusal at umupo katabi nito.“Tumayo ka riyan!”Bago pa man siya makaupo, agad na sumimangot si Quincy habang nanlalamig na sumisigaw ng, “Sino ang nagbigay sa iyo ng pahintulot na umupo? Wala kang karapatan na magalmusal nang kasabay ko!”Natigilan dito ang hindi makapagsalitang si Darryl.“Kahit na hindi mo ako tinitingnan bilang Prince Consort at ituring na isang bihag, hindi mo pa rin ako puwedeng ganituhin! Hindi mo manlang ako pakakainin?”Agad na nakaramdam ng tuwa sa kaniyang dibdib si Quincy nang makita niya ang pagbabago sa mukha ni Darryl
Nang makaratin ang Empress at si Quincy, agad nilang nakita ang ilang mga yunuko na nagmamadaling humila sa isang tagapaglingkod ng palasyo mula sa tubig. Ang tagapaglingkod na ito ay walang iba kundi si Summer Snow, ang personal na tagapaglingkod ni Quincy. Nawalan ito ng malay at nahulog sa tubig, basang basa na sa mga sandaling ito ang kaniyang damit. Pagkatapos niyang umahon sa tubig, ihiniga ng mga yunuko ang hindi gumagalaw at nakapikit nang husto niyang katawan sa lupa. “Summer!” Agad na nagpanic si Quincy habang desperadang sumisigaw kay Summer. Pero hindi na ito nagawa pang sagutin ni Summer. Kasing puti na ng chalk ang namumutla nitong katawan na nagpakita sa delikado niyang lagay sa lahat ng makakakita sa kaniya. “Dali!” Nababahalang sinabi ni Qianyu. Agad siyang nagutos sa yunuko ng, “Ano ang ginagawa mo? Tawagin mo ang manggagamot ng palasyo!” Si Summer ang personal na tagapaglingkod ni Quincy na nagsilbi sa kaniya ng higit 10 taon. Kaya isa ito sa mga taong na
Agad na sumunod ang ilang mga yunuko sa prinsesa bago magsimula sa pagtatrabaho.“Sandali lang!” Lumabas si Darryl mula sa gitna ng maraming tao at sinabing, “Hindi pa po patay si Ms. Summer. Kinakailangan natin siyang iligtas!” Wow! Natigilan ang lahat nang marinig nila iyon, agad nilang itinutok ang kanilang mga paningin kay Darryl! Paano magagawang sabihin ng Prince Consort na buhay pa si Summer ngayong si Doctor Soros na mismo ang nagsasabi na wala na itong magagawa pa para matulungan si Summer! Isa bang doktor ang Prince Consort? Napakunot dito ang noo ni Quincy, nanlalamig siyang tumingin kay Darryl pero hindi nito nagawang magsabi ng kahit ano!Natigilan dito si Doctor Soros. Dito na niya tiningnan si Darryl habang bahagyang nakangiti at sinabing “Nagawa ko na pong tingnan nang maigi ang kaniyang kalagayan Prince Consort. Hindi na po humihinga si Summer, hindi na po natin siya maililigtas!” Ngumiti naman si Darryl at sumagot ng, “Pero sinasabi ko sa iyo na maaari
Tumayo lang doon si Darryl. Naramdaman niya na para bang nasayang ang kaniyang effort, mayroon ngang kasabihan na—hindi makakaramdam ng lamig ang isang patay na daga. “Namatay na si Summer sa pagkalunod pero nagawa mo pa ring ipagyabang sa amin ang kalokohang feng shui mo! Huwag mo kaming pinagloloko! Umalis ka na rito!” Agad na sumama ang mukha ni Quincy sa sobrang galit.Mayroon namang isang tao ang tumawa nang sabihin iyon ni Quincy. At hindi nagtagal ay nabalot ng tawanan ang lugar na iyon. Nasurpresa sila nang malaman nila na ganito pala kamiserable ang estado ng buhay ng Prince Consort sa loob ng palasyo, agad siyang minaliit ng lahat! Ngumiti naman si Doctor Soros kay Darryl at sinabing. “Pero in fairness po sa inyo, Prince Consort, naging matalino po kayo nang gumamit kayo noon ng langgam para ipasok ang sinulid sa butas ng jade. Humahanga po ako sa tanglay ninyong katalinuhan. Pero pagdating po sa usaping medisina, hindi po talaga ako sumasangayon sa inyong mga sinabi!”
Nagugulat na tumitig ang maraming mga yunuko at mga tagapaglingkod ng palasyo kay Darryl! “Summer!” Ngumiti si Quincy at mabilis na lumapit kay Summer. Dito na siya nagaalalang nagtanong ng, “Ok ka lang ba? Ano ang nararamdaman mo? Paano ka nahulog sa tubig?” Habang tinatanong ang bagay na iyon, kalmadong tiningnan si Quincy ang mapapangasawa niyang prinsipe na si Darryl. Naniniwala si Quincy na gumising si Summer dahil ito ang kaniyang kapalaran, walang kinalaman na kahit ano si Darryl sa pangyayaring ito. Hinawakan ni Summer ang kaniyang noo. Buong galang siyang Yumiko kay Quincy at sa Empress at pagkatapos ay naguguluhan nitong sinabi na, “Hindi ko po alam kung ano ang nangyayari. Naramdaman ko lang po na umikot ang paningin ko nang maglakad ako sa pool kanina…” Nang marinig niya ang mga sinabi ni Summer, napasimangot si Quincy habang tumitingin kay Darryl. “Dahil kaya talaga ito sa Feng Shui?” Naglakad si Darryl palapit sa dalawa at nakangiting tumingin kay Summer hab