Kinalaunan, hindi namamalayan ng tatlo ang pagdating nila sa isang tahimik na bulubundukin.“Buwisit!” Tahimik na napamura si Dax sa kaniyang sarili nang marealize niyang dead end na ang kaniyang dinaraanan.“Oras mo na, Dax!” Nanlalamig na sinabi ni Megan. Pinabilis niya ang kaniyang paghabol at bayolenteng inatake si Dax!Ginamit ni Megan ang Immortal Pure Scripture!Kasalukuyang magisa si Dax sa mga sandaling iyon kaya ito ang pinakamagandang pagkakataon ni Megan para mapatay ito!Buzz! Mabilis na gumulo ang daloy ng hangin sa paligid ni Megan, naging mabilis at brutal ang pagatake na kaniyang ginawa. Mabilis itong nakarating sa harapan ni Dax!“Buwisit ka! Iniisip mo bang mapapatay mo ako?”Mahigpit na isinara ni Dax ang kaniyang mga kamao habang nilalabas ang kaniyang galit. Mabilis niyang hinawakan ang kaniyang mga palakot at inilagay ang mga ito sa kaniyang dibdib para salagin ang ginagawang pagatake ni Megan!Clang!Malakas na tumama ang malakas na puwersa mula sa pa
“Mamamatay na ba ako sa mga kamay ni Megan ngayon?”Isinara ni Dax nang husto ang kaniyang mga kamay habang namumula ang kaniyang mga mata. Habang palapit nang palapit si Megan. Hindi niya pa rin matanggap ang mga mangyayari kaya mabilis siyang nadepress sa kaniyang sarili. “Kung mamamatay man ako, isasama kita sa hukay ko, Megan!” Sigaw ni Dax gamit ang namamaos niyang boses!“Isama ka sa iyo?” Singhal ni Megan. “Iniisip mo ba na magagawa mo ang bagay na iyon?”Pangkaraniwang nagpapanic si Megan sa bawat sandaling makita niya si Dax. Pero ngayong nasa dulo na ito ng kaniyang buhay. Hindi na niya kailangan pang magpanic dito.At higit sa lahat, nagawa na niyang sanayin ang Immortal Pure Scripture—kaya natural lang na mahigitan niya nang husto ang lakas ni Dax!Habang nagiisip, ginamit ni Megan ang kaniyang internal energy at muling inatake ang nanghihinang si Dax.“Tigil!” Nang biglang may marinig silang sigaw mula sa kalangitan.“Hmm?” Nagulat si Megan at napatingin sa pinan
Isang malaki at gawa sa kayo na tub namana ng makikita malapit sa kaniyang higaan, kasalukuyan na itong puno ng umuusok sa init na tubig.“Buwisit! Ano ang nangyayari?” Natutulalang sinabi ng naguguluhan sa kaniyang sarili na si Darryl.“Gising ka na rin po sa wakas, Prince Consort!” Napansin ng isang tagapaglingkod ang paggising ni Darryl, natutuwa itong nagsalita ng, “Ipinadala po kami ng Empress para paglingkuran ka!”“Oh, ganoon pala iyon!”Agad na bumalik sa realidad ang isip ni Darryl. Dito na siya nagtanong ng, “Kung ganoon, ang lugar na ito ay ang—"Bago pa man matapos ang kaniyang tanong, agad na napanguso ang isa sa mga tagapaglingkod ng palasyo at nakangiting sinabi na. “Ikaw po ang Prince Consort, kaya natural lang po na matulog kayo sa kuwarto ni Princess Long!”“Buwisit! Ito ang kuwarto ni Quincy?”Muling natigilan sa kaniyang sarili si Darryl.Bago pa man siya makapagsabi ng kahit na ano, buong siglang sinabi ng tagapaglingkod ng palasyo na, “Prince Consort, naka
Slap! Mas tumindi nang tumindi ang galit ni Quincy habang iniisip ang tungkol sa bagay na ito. Mabilis siyang naglakad papunta kay Darryl at sinampal ang mukha nito.“Huwag na huwag mo akong pinagloloko. Huwag mong isipin na hindi kita kayang patayin,” Nanlalamig na sinabi ni Quincy habang nakatingin kay Darryl.Nagawa siyang sabihan ni Darryl ng pekeng formula ng Blood Battle Eight Directions sa sinaunang libingan ni Lu Bu na nagbigay sa kaniya ng psychotic break na nagresulta sa pagsunog na ginawa niya sa kaniyang damit.Ito ang dahilan kung bakit naisip ng kapatid niyang Empress na mayroon silang relasyon ni Darryl. Gustong gusto na ni Quincy na pagpirapirasuhin si Darryl mula noong mangyari ang bagay na iyon.Hinawakan ni Darryl ang kaniyang pisngi at nakangiting sinabi na, “Sige, kung gusto mo talaga akong patayin, mas maigi kung gagawin mo na ito ngayon. Pero sa sandaling mapatay moa ko, ano na lang ang sasabihin ng mga tao sa iyo? Na pinatay mo ang sarili mong asawa? Tsk,
Sa loob ng isang iglap, agad na pumasok ang nanlalamig niyang internal energy sa tub—dito na biglang nanigas sa lamig ang umuusok sa init na tubig sa paligid ni Darryl!Hindi pa nakakabalik sa realidad ang isip ni Darryl nang manigas siya sa pinagbagsakan niyang tub, tanging ulo lang niya ang lumabas sa yelong namulo sa paligid ng kaniyang katawan.Ang pamamaraan ni Quincy sa pagpapalakas ay tinatawag na Pure Feminine Method! Gasp! Tinamaan ng walang kapantay na panlalamig nito si Darryl na nakapagpahirap sa kaniyang paghinga! Dito na nanginig maging ang kaniyang bibig.Ngumiti naman dito si Quincy. Masaya siya na makitang nagdudusa ng ganiyan si Darryl. “Hindi ba gusto mong maligo? Enjoyin mo ang tubig hanggang bukas ng umaga! Sa mga oras lang na iyon kita pakakawalan diyan!”“Buwisit! Siguradong hindi na ako aabot pa ng buhay bukas sa sandaling hayaan niya akong manigas dito!”Mangiyak ngiyak na si Darryl sa mga sandaling ito!Madali lang sana para kay Darryl na gamitin ang
“Wala ka nang magagawa kahit tumanggi ka pa sa gusto ko! Dalawang pangungusap lang ng Blood Battle Eight Directions ang sasabihin ko sa iyo araw araw!” Walang pakialam na sinabi ni Darryl. Ngumiti siya kay Quincy at sinabing. “Sinabi mo nang ayaw mo sa akin. Paano na lang kung patayin mo ako pagkatapos kong sabihin sa iyo ang buong formula? Kailangan ko ng bagay na magsisiguro sa aking buhay.”Dito na nagpatuloy si Darryl sa pagsasalita, “Huwag kang magalala. Ipinapangako ko nang tunay ang formula na sasabihin ko sa iyo ngayon, pero dalawang pangungusap lang bawat araw ang puwede kong sabihin. Kung hindi mo kayang pumayag dito, puwede mo na akong patayin ngayon.”“Ikaw—"Nang makita niya ang determinasyon at pagmamatigas ni Darryl, mas lalong tumindi ang galit ni Quincy. Nagngangalit itong nanginig sa kaniyang kinaroroonan. Pero sa huli ay wala pa rin siyang nagawa kundi magngitngit na pumayag sa mga gusto ni Darryl. “Sige! Dalawang pangungusap araw araw gaya ng sinabi mo!”“Haha!
Bumulong si Darryl sa kaniyang sarili. Namumungay siyang umupo at sumagot ng, “Sige.”At pagkatapos ay naglakad siya sa pinto para dalhin ang almusal papasok sa kuwarto.Nagutom si Darryl nang maamoy niya ang pagkain. Agad na kumalam ang kaniyang sikmura rito. Hindi pa siya kumakain ng kahit isang beses mula noong dalhin siya sa South Cloud Palace.Dinala niya ang almusal sa lamesa kung saan nakaupo si Quincy. Nilagay ni Darryl ang almusal at umupo katabi nito.“Tumayo ka riyan!”Bago pa man siya makaupo, agad na sumimangot si Quincy habang nanlalamig na sumisigaw ng, “Sino ang nagbigay sa iyo ng pahintulot na umupo? Wala kang karapatan na magalmusal nang kasabay ko!”Natigilan dito ang hindi makapagsalitang si Darryl.“Kahit na hindi mo ako tinitingnan bilang Prince Consort at ituring na isang bihag, hindi mo pa rin ako puwedeng ganituhin! Hindi mo manlang ako pakakainin?”Agad na nakaramdam ng tuwa sa kaniyang dibdib si Quincy nang makita niya ang pagbabago sa mukha ni Darryl
Nang makaratin ang Empress at si Quincy, agad nilang nakita ang ilang mga yunuko na nagmamadaling humila sa isang tagapaglingkod ng palasyo mula sa tubig. Ang tagapaglingkod na ito ay walang iba kundi si Summer Snow, ang personal na tagapaglingkod ni Quincy. Nawalan ito ng malay at nahulog sa tubig, basang basa na sa mga sandaling ito ang kaniyang damit. Pagkatapos niyang umahon sa tubig, ihiniga ng mga yunuko ang hindi gumagalaw at nakapikit nang husto niyang katawan sa lupa. “Summer!” Agad na nagpanic si Quincy habang desperadang sumisigaw kay Summer. Pero hindi na ito nagawa pang sagutin ni Summer. Kasing puti na ng chalk ang namumutla nitong katawan na nagpakita sa delikado niyang lagay sa lahat ng makakakita sa kaniya. “Dali!” Nababahalang sinabi ni Qianyu. Agad siyang nagutos sa yunuko ng, “Ano ang ginagawa mo? Tawagin mo ang manggagamot ng palasyo!” Si Summer ang personal na tagapaglingkod ni Quincy na nagsilbi sa kaniya ng higit 10 taon. Kaya isa ito sa mga taong na