Kahit na masyado pang bata si Ambrose, masyado pa rin siyang mature para sa kaniyang edad. Nang marealize niyang galit si Megan, agad siyang ngumiti at tumahimik.Gasp! Sa mga sandaling ito, isang komosyon ang biglang umusbong nang magpakita ang isang pinagpalang babae sa gitna ng battle stage. Dahan dahan itong naglakad sa stage suot ang isang mahaba at kulay purple na dress. Nagkaroon siya ng kabighabighaning hubog ng katawan at mukhang may kakayahang magpabagsak ng mga kaharian—hindi na mailalarawan ang ganda nito!Siya ay walang iba kundi si Ophelia Lane, ang Chairlady ng Jiangnan Elixir Association!Agad na umingay ang paligid nang makita nila si Ophelia Lane!“Napakaganda talaga ni Chairlady Ophelia Lane!”“Siya pa rin ba ang magiging hose ng Elixir Competition ngayong taon?”“Kahit isa lang siyang Chairlady ng Jiangnan Elixir Association, nakilala pa rin siya ng iba’t ibang mga Elixir Community sa buong World Universe! Umaasa sa kaniya ang lahat na maghost sa Elixir Comp
Mahinang tumawa si Megan habang sumasagot kay Ambrose ng, “Huwag kang magalala. Tutulungan kitang dalhin si Ophelia sa resting lounge sa sandaling matapos ang Elixir Competition na ito. At pagkatapos ay ikaw na ang bahalang sumelyo sa kaniyang mga acupoints at kumuha sa hawak niyang Seven Exquisite Elixir. Pero huwag mong kakalimutan na may utang ka pa sa akin na tatong kondisyon!”“Hmm!” Tango ni Ambrose. Kasalukuyang nakatutok ang kaniyang mga mata sa hawak na Seven Exquisite Elixir ni Ophelia. Nasabik siya rito nang husto. Magagamot na niya ang tinamong sugat ng kaniyang master na si Matteo Hanson sa sandaling makuha niya ang elixir na ito.Pagkatapos ng kalahating oras, tuluyan na ring nagtapos ang Elixir Competition.Nang magtapos ito, agad na tumayo si Megan at naglakad papunta kay Ophelia Lane. Dito na niya nakangiting sinabi na, “Chairlady Lane, may gusto po akong sabihin sa inyo nang pribado.”Si Ophelia Lane ang Chairlady ng Jiangnan Elixir Association. Palagi rin siyang
Isa itong kahihiyan!At higit sa lahat, isa siyang puro at malinis na babae! Hindi pa niya nagagawang lumapit nang ganito sa ibang lalaki! Kahit na bata si Ambrose, isa pa rin siyang lalaki!Mas tumindi nang tumindi ang galit ni Ophelia habang mas tumatagal ang pagiisip na kaniyang ginagawa sa bagay na ito. Dito na siya nagpatuloy sa pagsigaw ng, “Tama na! Tumigil ka na!”Agad namang nainis si Ambrose sa ginagawang pagsigaw ni Ophelia. Dito na siya bastos na sumigaw ng, “Bakit ka ba sumisigaw? Gusto ko lang namang makuha ang Seven Exquisite Elixir. Hindi kita gusto!”“Ikaw—” Dito na bayolenteng namula ang magandang mukha ni Ophelia. Parang sasabog na siya sa tindi ng galit na kaniyang nararamdaman sa mga sandaling ito!Hindi niya inasahang magsasalita ang isang bata na kagaya ni Ambrose nang ganito! Gumamit ito ng isang makalumang tono na para bang isa na siyang binata!Ang bagay na gumalit kay Ophelia ay ang pagkilala sa kaniya bilang isang diyosa sa mundo ng mga cultivator. May
Tumingin si Ambrose sa jade pendant na kaniyang hawak habang lumilingong nagtatanong kay Ophelia ng, “Kaano ano mo ang Royal Family ng New World?”“Royal Family ng New World?” Simangot ni Ophelia habang nacoconfuse na sumasagot ng, “Ano ang ibig mong sabihin?”Hindi pa siya nakakarating sa New World kahit na kalian kaya ano ang magiging kaugnayan niya sa Emperor ng New World?Dito na nababahalang ipinadyak ni Ophelia ang kaniyang mga paa. “Ibalik mo na ang pendant na iyan sa akin!”“Kilala mo ba si Tita Yvette?” Tanong ni Ambrose.Para bang hindi narinig ni Ophelia si Ambrose. Hindi niya kilala kung sino ang Tita Yvette nito. Sa mga sandaling iyon, namula ang kaniyang mukha habang sinasabi na. “Ibalik mo na ang jade pendant na iyan ngayundin. Naiintindihan mo ba ako?”Dahil hindi nagawang sagutin ni Ophelia ang tanong ni Ambrose, hindi na ito tinanong pa ni Ambrose, hindi na rin siya nagsabi ng kahit na ano. Nagpatuloy na lang siya sa pagkapkap hanggang sa makita niya ang isang e
Samantala, sa Mental Cultivation Hall ng New World Palace.Madalas na nagpapahinga ang Emperor ng New World sa Mental Cultivation Hall—isa itong engrande at marangyang uri ng kuwarto na ginawa para sa kaniya!Makikita sa sandaling iyon na nakaupo sa kaniyang kama ang may bagsak na mukhang Emperor ng New World. Takot na takot namang tumayo sa kaniyang tabi ang mga kasama niyang eunuch, hindi nila nagawang huminga sa kanilang kinatatayuan.Nabalot ang buong Mental Cultivation Hall ng nakadedepress na hangin.Habang tahimik na nakatayo roon ang nagaalalang si Yvette Lane.Mula noong bumalik siya rito mula sa kontinente ng North Moana, ang unang bagay na ginawa ni Yvette ay magpakita sa kaniyang amang Emperor. At nang makita niya ang itsura nito, agad niyang narealize na galit pa rin ito sa nangyari! Sabagay, nagawa niya ngang iligtas si Darryl nang magdala ito ng kaguluhan sa palasyo.Tahimik na nagbuntong hininga si Yvette habang mahinang sinasabi na, “Nakabalik na ako, Ama!”“Hmm
“Ano?”Agad na nagbago ang itsura ni Yvette na nababahalang sumagot ng, “Hindi po ako sangayon sa isang paliksahan para sa kung sino ang pakakasalan ko!”“Hindi ikaw ang magdedesisyon nito!” Malakas na hinampas ng Emperor ng New World ang kaniyang kamay sa lamesa bago naiinis na ikinaway ang kaniyang kamay. “Umalis ka na!”“Ayoko! Ayoko ng paliksahan para sa taong pakakasalan ko! Ayoko—” Umiiyak na sigaw ni Yvette. “Kung ganito lang din naman ang gagawin mo sa akin, Ama. Mas pipiliin ko pang mamatay na isang dalaga!”Dito na tumulo ang kaniyang mga luha. Tinakpan niya ang kaniyang bibig ng kaniyang kamay bago tumalikod at tumakbo paalis sa hall.Si Darryl lang ang laman ng puso nI Yvette. Hindi na niya magagawa pang tumanggap ng ibang lalaki sa kaniyang buhay.Nagalit nang husto ang emperor nang tumakbo ang kaniyang anak palabas ng hall, kumislap ang kaniyang mga mata bago tumingin sa kaniyang mga eunuch at nanlalamig na sabihing, “Kumuha kayo ng taong magbabantay sa Prinsesa. Hi
“Hmm?”Hindi pa nakakalayo si Darryl nang magsimula siyang sumimangot.Naramdaman niya ang aura na puno ng intensyong pumatay hindi kalayuan sa kaniya. Agad na tumingin sa kaniyang paligid si Darryl at hindi nagtagal ay agad niyang nakita ang isang magandang imahe ng tao na papalapit sa kaniya. Lumipad ito sa gitna ng ere na parang isang napakagandang Diwata—siguradong matitigilan ang kahit na sinong makakakita rito!Siya ay walang iba kundi si Gonggong!Nakasuot si Gonggong ng isang mahaba at kulay team na dress na nagpakita sa maladiwatang hubog ng kaniyang katawan.Habang ang kaniyang mukha ay kasing lamig naman ng yelo! Wala nang ipinakita ang kaniyang mga mata maliban sa matinding hinanakit at galit!“Darryl Darby!”Dahan dahang lumapag si Gonggong sa harapan ni Darryl, tumitig siya rito at sinabing, “Sigurado akong hindi mo inaasahan ang mabilis nating pagkikita!”Hindi na niya maitago ang galit sa kaniyang puso nang sabihin niya ito.Ilang araw na ang nakalilipas mula n
Direktang napamura ang nagpupumiglas na si Darryl nang mailagay siya ni Gonggong sa dala nitong bag. Naramdaman niya rin n amalakas ang spiritual power na tinatanglay ng bag na ito na pumigil sa spiritual power ng kaniyang katawan. Kaya hindi niya ito magawang gamitan ng kahit anong lakas!“Pakawalan mo na ako, Gonggong!” Malakas na sigaw ni Darryl habang sinusubukang punitin ang Heaven and Earth Bag. “Tama na! Pinapahirapan ko lang ang sarili ko!” Maluhaluha na si Darryl nang marealize niyang hindi na siya makakatakas sa bag na ito!“Manahimik ka lang diyan!” Nakangiting sinabi ni Gonggong. Agad niyang kinuha ang bag at lumukso paharap bago lumipad papunta sa malayong lugar!Hindi nagawang makita ni Darry ang sitwasyon sa labas pero naramdaman niya ang paglipad ni Gonggong kasama ang bag.“Saan baa ko dadalhin ng babaeng ito? Hindi niya ako pinatay kaya siguradong gagawin nito ang lahat para itorture ako!” Nagpapanic na inisip ni Darryl.Pagkatapos ng napakahabang panahon, mala