Nanginginig ang katawan ni Yvette nang maramdaman niya ang hininga ni Darryl. Namula ang kanyang mukha.Alam niyang kailangan niyang iwanan ang mga yakap ni Darryl pero ayaw niyang kumawala rito.Matapos ang sampung segundo, sa wakas ay naghiwalay na sila. Tiningnan ni Yvette si Darryl. “Ikaw… Anong ginagawa mo?”Mukhang galit si Yvette noong sinabi niya ‘yon, pero hindi siya napakali.Noong napagtanto niya na matagal nang nahulog ang loob niya kay Darryl noong hinalikan siya nito.Bago pa makapagsalita si Darryl, bumulong ulit si Yvette. “Darryl, kailangan mong tuparin ang mga sinabi mo. Kung mayroon kang oras, pumunta ka sa New World Continent at hanapin mo ko doon. Hihintayin kita.” Nahiya si Yvette matapos niyang sabihin ‘yon. Parang may kumikiliti sa tyan niya sa sobrang kilig. Tapos, lumingon siya at mabilis na naglakad paalis.…Samantala, sa isang bundok na isang daang kilometro ang layo mula sa Donghai City.Nasa loob ng kuweba si Megan at wala siyang pakiramdam! Tin
Pagkatapos ng dalawang oras, nakarating na si Ambrose at Megan sa secret chamber ng Emei Sect.Ang tagong lugar ay nasa likod ng Emei Mountain. Ang buong chamber ay gawa sa malalaking bato. Nag-eensayo ang mga dating master dito.“Nasa secret chamber ba si Eira?” masayang tinanong ni Ambrose noong nakarating sila sa entrance.“Oo, nasa loob siya ng secret chamber.” Nagsinungaling si Megan sakanya.Pero, naniwala si Ambrose na totoo ang sinabi ni Megan at agad naman silang naglakad papunta sa secret chamber. Malaki ang kwarto. Matapos nilang maglakad ng isang daang metro papunta sa kwarto, naramdaman niyang parang may mali. Simple lang ang mga furnish na nasa loob ng secret chamber. Nakita niya ang ibang mga bato na lamesa at upuan pero nasaan si Eira?Noong nakarating na sila sa dulo ng kwarto, tiningnan ni Ambrose si Megan at sinabing, “Nasaan si Eira?”Tumuro si Megan sa stone wall, mayroong pulang switch doon. Ngumiti si Megan at sinabing, “Nakikita mo ba ‘yong pula na switch?
Galit na galit si Ambrose. Sumigaw siya, “Hindi ako pwedeng makulong dito! Marami akong importanteng dapat gawin!”“Importanteng dapat gawin? Ang hanapin si Eira?” nakangiting tanong ni Megan.Nag-aalalang sinabi ni Ambrose, “Hindi ang paghahanap kay Eira! Marami pa kong importanteng gagawin. Gusto kong sumali sa Elixir Competition at magaganap na ‘yon matapos ang tatlong araw. Hindi ko ‘yon pwedeng palampasin! Binabalaan kita. Kapag hindi ako nakapunta sa event, hindi kita mapapatawad!”Ang Elixir Competition?Nanigas ang ngiti ni Megan habang nakatingin siya kay Ambrose, “Gusto mong sumali sa Elixir Competition? Anong gagawin mo dun?”Huminga nang malalim si Ambrose at sinabing, “Sasali ako para makuha ang Seven Exquisite Elixir para mailigtas ang master ko! Kaya kailangan mo kong pakawalan. Kapag hindi ako nakasali doon, papatayin kita!”“Sino ba ang master mo?” nakangiti sinabi ni Megan. Gusto niyang malaman ang pagkatao ni Ambrose.Ang isang 10 na taong gulang na may divine
Samantala, sa Donghai City.Si Lily at Samantha ay nakaupo sa isang coffee shop para uminom ng kape.Maganda ang panahon ngayon at nasa mood si Lily. Binenta niya ang kanyang villa noong umaga at nakakuha ng pera para makabili ng gamot kay Jack para ibalik ang kanyang itsura. Naroon siya para hintayin si Jack at idedeliver ang produkto.“Ma!”Ngumiti si Lily kay Samantha, “Galit ka ba dahil binenta ko ang villa natin?”“Ang kulit mo talaga anak! Bakit ako magagalit?” ngumiti si Samantha. “Hangga’t maibabalik ang itsura mo dati, hindi ako magdadalawang isip na gumastos ng pera!”Matalino at magaling si Lily. Marami siyang kinikita na pera galing sa live broadcasts niya dati!Naisip ni Samantha na mag live muli ang kanyang anak kapag gumanda na ito ulit. Naniniwala siya na hindi naman tatagal ang pagkita ng pera ng anak niya para makabili ulit ng bagong villa!Hindi mapakali si Lily. Hinawakan niya ang kamay ni Samantha at sinabing, “Ma, wag kang mag-alala. Kapag gumanda na ako u
Ang lakas nang tawa ni William. “Wala akong oras makipag-usap nang walang kwentang bagay sainyo. Maraming salamat kay Lily dahil nasira ang Lyndon family! Kaya naman, kinuha ko ang pera galing sa pagbenta mo sa villa. Paghihiganti ‘to!”“William!!!”Hindi na natiis ni Lily. Nanginig siya at lumingon kay William at malamig na sinabi, “Niloko mo kami. Ninakaw mo pa ang pera ko. Hindi ka ba natatakot makulong?”Hindi nagpaapekto si William, “Sinabi mo bang nangloko ako? Binigay mo sakin ito nang kusa. Ang mga huli pangungusap sa agreement ay patunay dito. Kakapirma mo lang!”Inalog ni William ang agreement na nasa kamay niya.Ano?Nanginginig si Lily. Nanghihina ang tuhod niya. Bigla nalang siya napaupo sa upuan at hindi na nakapagsalita.Nagsisi si Lily na hindi niya muna binasa ang agreement dahil gustong gusto niya talagang makuha ang gamot.Parang ito ang kasabihan, “ang isang nalulunod na lalaki ay makukuha lahat ng straw!”Natulala rin si Samantha. Halata naman ang sitwasyo
Sa mga sandaling iyon, kasalukuyang nakasuot si Megan ng isang mahaba at kulay buwang dress na nagpakita sa magandang hubog ng kaniyang katawan! Naging kakaiba ang kaniyang aura mula noong maiging isa siyang Sect Master, dito niya nagawang kumuha ng mas malaking atensyon!Isang teenager ang nakatayo sa likuran ni Megan, at gaya ng ibang mga disipulo ng Emei, nakasuot din ito ng isang mahaba at kulay puting robe. Nagmukha itong mahinhin at guwapo na may napakagandang aura. Siya ay walang iba kundi si Ambrose Darby!Ikinulong ni Megan si Ambrose doon at pinuwersa itong mangako na susundin ang tatlong mga kundisyon na kaniyang ibibigay bago niya ito magawang pakawalan. Dito na nagpatuloy sa pananatili si Ambrose sa Emei Sect. Naroroon siya para umettend ng isang Elixir Competition kasama ni Megan.Gasp! Agad na umingay ang paligid nang dumating ang sekta ng Emei. Maraming mga lalaki ang agad na napatitig kay Megan!“Siya ang bagong Sect Master ng Emei? Napakaganda niya!”“Ang Ganda
Kahit na masyado pang bata si Ambrose, masyado pa rin siyang mature para sa kaniyang edad. Nang marealize niyang galit si Megan, agad siyang ngumiti at tumahimik.Gasp! Sa mga sandaling ito, isang komosyon ang biglang umusbong nang magpakita ang isang pinagpalang babae sa gitna ng battle stage. Dahan dahan itong naglakad sa stage suot ang isang mahaba at kulay purple na dress. Nagkaroon siya ng kabighabighaning hubog ng katawan at mukhang may kakayahang magpabagsak ng mga kaharian—hindi na mailalarawan ang ganda nito!Siya ay walang iba kundi si Ophelia Lane, ang Chairlady ng Jiangnan Elixir Association!Agad na umingay ang paligid nang makita nila si Ophelia Lane!“Napakaganda talaga ni Chairlady Ophelia Lane!”“Siya pa rin ba ang magiging hose ng Elixir Competition ngayong taon?”“Kahit isa lang siyang Chairlady ng Jiangnan Elixir Association, nakilala pa rin siya ng iba’t ibang mga Elixir Community sa buong World Universe! Umaasa sa kaniya ang lahat na maghost sa Elixir Comp
Mahinang tumawa si Megan habang sumasagot kay Ambrose ng, “Huwag kang magalala. Tutulungan kitang dalhin si Ophelia sa resting lounge sa sandaling matapos ang Elixir Competition na ito. At pagkatapos ay ikaw na ang bahalang sumelyo sa kaniyang mga acupoints at kumuha sa hawak niyang Seven Exquisite Elixir. Pero huwag mong kakalimutan na may utang ka pa sa akin na tatong kondisyon!”“Hmm!” Tango ni Ambrose. Kasalukuyang nakatutok ang kaniyang mga mata sa hawak na Seven Exquisite Elixir ni Ophelia. Nasabik siya rito nang husto. Magagamot na niya ang tinamong sugat ng kaniyang master na si Matteo Hanson sa sandaling makuha niya ang elixir na ito.Pagkatapos ng kalahating oras, tuluyan na ring nagtapos ang Elixir Competition.Nang magtapos ito, agad na tumayo si Megan at naglakad papunta kay Ophelia Lane. Dito na niya nakangiting sinabi na, “Chairlady Lane, may gusto po akong sabihin sa inyo nang pribado.”Si Ophelia Lane ang Chairlady ng Jiangnan Elixir Association. Palagi rin siyang