Humakbang si Darryl at ngumiti kay Gonggong, “Ako na ba ang magdedesisyon kung paano tayo maglalaban dahil ikaw ang Senior ko?”“Sige ikaw na ang magdesisyon!” sabi ni Gonggong habang iniisip niya na isang walang muwang na bata lang si Darryl na kayang kaya niyang kurutin gamit ang kanyang mga daliri hanggang sa mamatay ito.Makikita mo sa mukha ni Darryl ang ngiti habang pinapanood niya si Gonggong at sinabing, “Dahil mayroon lang tayong kalahating oras, kapag nahawakan mo ako sa loob nang kalahating oras, tatanggapin ko ang pagkatalo ko!” tumingin sa paligid si Darryl at nagpatuloy magsalita, “Subalit, ikaw ay isang Ancient God at ako naman ay isang junior mo lang, kaya pagbigyan mo ako. Kailangan mo kong bigyan nang sampung segundo bago mo ako hulihin at talo na ko kapag nahawakan mo pagkatapos ng sampung segundo. Ngunit, kailangan mong tawaging ‘Tatay’ o ‘Tito’ si Zhurong kapag nakita mo nakita sa hinaharap kapag natalo ka. Tinatanggap mo ba?”Whoa!Naeexcite si Zhurong at ang
Hmmmm?Matapos gumawa nang ilang hakbang, tumigil si Gonggong at tumayo sa isang lugar, kumunot ang kanyang noo at naging mataimtim ang mukha niya!Inisip niya na ang mga bato sa harapan niya ay kakaiba!Inasar ni Darryl si Gonggong nang mapansin niyang nag-iingat ito, “Ano? Natatakot na ba ngayon ang isang Water God sa mga bato? Bakit hindi ka pumasok sa loob?” Inaasar pa lalo ni Darryl si Gonggong at sinabing, “Narito ako oh. Hawakan mo ko at mananalo ka!”Malamig na sumagot si Gonggong, “Ikaw bata ka!!! Ang yabang mo talaga!!! Mamatay ka na nga!!!”Hindi siya makapaniwala na inaasar siya ng isang bata, siya ang Water God!Hindi niya kayang tanggapin ang pagpapahiya na ginagawa sakanya.Sa huli, tumigil mag-isip si Gonggong at lumipad diretso sa stone formation!Haha!Huli ka!Natuwa si Darryl noong nahulog sa patibong niya si Gonggong.Ginalaw ni Darryl ang mga bato na ‘yon para gumawa ng isang trap formation na tinatawag na Confusion Formation!Ang Confusion Formation
Kinagat niya ang kanyang mga labi habang nakakaramdam nang pagkahiya. Matagal na silang nag-aaway ni Zhurong. Habang buhay na silang magkaaway.Papatayin niya nalang ang sarili niya kaysa tawaging ‘Tatay’ si Zhurong.“Haha!”Bumalik na si Zhurong sa ulirat at hindi na maitago ang tuwa niya dahil sa ginawa ni Darryl. Ngumiti siya kay Darryl at sinabing, “Kapatid, ang galing mo!”Tiningnan ni Zhurong si Gonggong pagkatapos at ngumiti, “Gonggong, tutuparin mo ang mga sinabi mo, hindi ba? Kailangan mong tanggapin ang pagkatalo mo!”Si Yuli na nasa tabi ni Zhurong ay nang-asar din, “Paano mo matatawag ang sarili mo na isang Water God kung kakainin mo ang mga sinabi mo!” “Ikaw!!!” kinagat ni Gonggong ang kanyang labi at muntik na itong dumugo habang pinapadyak niya ang mga paa niya dahil sa galit!Tiningnan nang masama ni Gonggong si Darryl at malamig na sinabing, “Sige na! Tutuparin ko ang pangako ko! Pero tandaan mo ‘to, bata. Hintayin mo lang ako!”Matapos niyang sabihin ‘yon, bu
Kinagat ni Yvette ang kanyang bibig. Tiningnan niya ang Divine Farmer at humingi nang paumanhin, “Master, ang mga sundalo ay pumunta rito dahil sakin. Ako ng apala ang New World Continent Princess!”Princess?!Hindi lang si Zhurong, Divine Farmer pati ang kanyang asawa ay natigilan sa sinabi ni Yvette.Hindi nakakapagtaka na iba ang kanyang ugali kaysa sa mga ordinaryong babae. Kaya naman pala, isa siyang prinsesa.Naguguluhan ang mukha ni Yvette habang humihingi siya nang paumanhin kay Divine Farmer, “Master, alam kong nakatira ka rito at ayaw mong maistorbo kaya naman napagdesisyunan ko na sundin nalang ang mga sundalo ng New World at bumalik nalang sa New World Continent!”Nahihiya si Yvette matapos niyang sabihin ‘yon, “Kasi, hindi na ako pwedeng maging temporary medical assistant niyo…”Tumawa bigla ang Divine Farmer at tiningnan si Yvette, “Ikaw talaga, sinabi ko lang na gusto kita maging medical assistant para masubukan ko kung mabait ka. Nasa dulo ka na nang buhay mo. Hin
Nanginginig ang katawan ni Yvette nang maramdaman niya ang hininga ni Darryl. Namula ang kanyang mukha.Alam niyang kailangan niyang iwanan ang mga yakap ni Darryl pero ayaw niyang kumawala rito.Matapos ang sampung segundo, sa wakas ay naghiwalay na sila. Tiningnan ni Yvette si Darryl. “Ikaw… Anong ginagawa mo?”Mukhang galit si Yvette noong sinabi niya ‘yon, pero hindi siya napakali.Noong napagtanto niya na matagal nang nahulog ang loob niya kay Darryl noong hinalikan siya nito.Bago pa makapagsalita si Darryl, bumulong ulit si Yvette. “Darryl, kailangan mong tuparin ang mga sinabi mo. Kung mayroon kang oras, pumunta ka sa New World Continent at hanapin mo ko doon. Hihintayin kita.” Nahiya si Yvette matapos niyang sabihin ‘yon. Parang may kumikiliti sa tyan niya sa sobrang kilig. Tapos, lumingon siya at mabilis na naglakad paalis.…Samantala, sa isang bundok na isang daang kilometro ang layo mula sa Donghai City.Nasa loob ng kuweba si Megan at wala siyang pakiramdam! Tin
Pagkatapos ng dalawang oras, nakarating na si Ambrose at Megan sa secret chamber ng Emei Sect.Ang tagong lugar ay nasa likod ng Emei Mountain. Ang buong chamber ay gawa sa malalaking bato. Nag-eensayo ang mga dating master dito.“Nasa secret chamber ba si Eira?” masayang tinanong ni Ambrose noong nakarating sila sa entrance.“Oo, nasa loob siya ng secret chamber.” Nagsinungaling si Megan sakanya.Pero, naniwala si Ambrose na totoo ang sinabi ni Megan at agad naman silang naglakad papunta sa secret chamber. Malaki ang kwarto. Matapos nilang maglakad ng isang daang metro papunta sa kwarto, naramdaman niyang parang may mali. Simple lang ang mga furnish na nasa loob ng secret chamber. Nakita niya ang ibang mga bato na lamesa at upuan pero nasaan si Eira?Noong nakarating na sila sa dulo ng kwarto, tiningnan ni Ambrose si Megan at sinabing, “Nasaan si Eira?”Tumuro si Megan sa stone wall, mayroong pulang switch doon. Ngumiti si Megan at sinabing, “Nakikita mo ba ‘yong pula na switch?
Galit na galit si Ambrose. Sumigaw siya, “Hindi ako pwedeng makulong dito! Marami akong importanteng dapat gawin!”“Importanteng dapat gawin? Ang hanapin si Eira?” nakangiting tanong ni Megan.Nag-aalalang sinabi ni Ambrose, “Hindi ang paghahanap kay Eira! Marami pa kong importanteng gagawin. Gusto kong sumali sa Elixir Competition at magaganap na ‘yon matapos ang tatlong araw. Hindi ko ‘yon pwedeng palampasin! Binabalaan kita. Kapag hindi ako nakapunta sa event, hindi kita mapapatawad!”Ang Elixir Competition?Nanigas ang ngiti ni Megan habang nakatingin siya kay Ambrose, “Gusto mong sumali sa Elixir Competition? Anong gagawin mo dun?”Huminga nang malalim si Ambrose at sinabing, “Sasali ako para makuha ang Seven Exquisite Elixir para mailigtas ang master ko! Kaya kailangan mo kong pakawalan. Kapag hindi ako nakasali doon, papatayin kita!”“Sino ba ang master mo?” nakangiti sinabi ni Megan. Gusto niyang malaman ang pagkatao ni Ambrose.Ang isang 10 na taong gulang na may divine
Samantala, sa Donghai City.Si Lily at Samantha ay nakaupo sa isang coffee shop para uminom ng kape.Maganda ang panahon ngayon at nasa mood si Lily. Binenta niya ang kanyang villa noong umaga at nakakuha ng pera para makabili ng gamot kay Jack para ibalik ang kanyang itsura. Naroon siya para hintayin si Jack at idedeliver ang produkto.“Ma!”Ngumiti si Lily kay Samantha, “Galit ka ba dahil binenta ko ang villa natin?”“Ang kulit mo talaga anak! Bakit ako magagalit?” ngumiti si Samantha. “Hangga’t maibabalik ang itsura mo dati, hindi ako magdadalawang isip na gumastos ng pera!”Matalino at magaling si Lily. Marami siyang kinikita na pera galing sa live broadcasts niya dati!Naisip ni Samantha na mag live muli ang kanyang anak kapag gumanda na ito ulit. Naniniwala siya na hindi naman tatagal ang pagkita ng pera ng anak niya para makabili ulit ng bagong villa!Hindi mapakali si Lily. Hinawakan niya ang kamay ni Samantha at sinabing, “Ma, wag kang mag-alala. Kapag gumanda na ako u