Kabanata 1242
Ang buong Emei Sect ay nagkagulo sa bawat elite martial arts na naroon ay sumigaw!

“Inamin niya na! inamin na ni Sect Master Aurora na anak nila ni Darryl si Eira…”

“Alas, hindi ko ‘to inaasahan! Mukha namang hindi magagawa ‘yon ni Sect Master Aurora pero nagkaroon siya nang relasyon kay Darry sa likod ng asawa niya! Paano niya ‘yon magagawa kay Mister Red Leaf? Paano siya magkakaanak kay Darryl? Hay…”

“Hindi namin ito matatanggap Emei Sect Master!”

Ang lahat ay nagsasabi nang mga saloobin nila at hindi ito tumitigil. Tumingin si Aurora sa paligid at sinabing, “Nabuntis ako kay Eira bago ko pakasalan si Mister Red Leaf. Hindi ko pa muling nakikita si Darryl matapos kong pakasalan si Mister Red Leaf.”

“Haha…”

Sumingit si Megan bago niya patapusing magsalita si Aurora at tumango, “Oh.. Buntis ka na bago mo pakasalan si Mister Red Leaf. Oh… Naiintindihan ko na ngayon kung anong ibig sabihin mo. Ang ibig sabihin mo ba na pinaako mo kay Mister Red Leaf ang pagkakamaling nagawa mo kay
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP