Ang buong Emei Sect ay nagkagulo sa bawat elite martial arts na naroon ay sumigaw!“Inamin niya na! inamin na ni Sect Master Aurora na anak nila ni Darryl si Eira…”“Alas, hindi ko ‘to inaasahan! Mukha namang hindi magagawa ‘yon ni Sect Master Aurora pero nagkaroon siya nang relasyon kay Darry sa likod ng asawa niya! Paano niya ‘yon magagawa kay Mister Red Leaf? Paano siya magkakaanak kay Darryl? Hay…”“Hindi namin ito matatanggap Emei Sect Master!”Ang lahat ay nagsasabi nang mga saloobin nila at hindi ito tumitigil. Tumingin si Aurora sa paligid at sinabing, “Nabuntis ako kay Eira bago ko pakasalan si Mister Red Leaf. Hindi ko pa muling nakikita si Darryl matapos kong pakasalan si Mister Red Leaf.”“Haha…”Sumingit si Megan bago niya patapusing magsalita si Aurora at tumango, “Oh.. Buntis ka na bago mo pakasalan si Mister Red Leaf. Oh… Naiintindihan ko na ngayon kung anong ibig sabihin mo. Ang ibig sabihin mo ba na pinaako mo kay Mister Red Leaf ang pagkakamaling nagawa mo kay
“Senior Sister!”Pinadyak ni Abbess Mother Serendipity ang kanyang mga paa at hinabol si Aurora, sumigaw siya, “Senior Sister, walang kwenta ang Emei Sect kapag wala ka!”Naguluhan si Abbess Mother Serendipity at hindi naging komportable ang puso niya habang sinasabi niya ‘yon. Hinahangaan niya si Aurora at nasaktan siya na makita si Aurora na miserable. Ang mas importante, umunlad ang Emei Sect sa mga nagdaang taon dahil sa pamumuno ni Aurora. Kahit na ang mga miyembro ng Emei Sect ay puro babae, wala ni isa sakanilang komunidad ang nagtangkang siraan sila.Ito ang mga nagawa ni Aurora!Nawalan ng isang mabuti at magaling na pinuno ang Emei Sect matapos umalis ni Aurora kasama ang kanyang anak!Lumingon si Aurora at ngumiti kay Serendipity matapos niyang marinig na tinawag siya nito, “Junior Sister, wag kang malungkot at mag-alala. Nandyan pa rin naman ang limang orthodox sect kahit na wala ako.”Tumigil magsalita si Aurora matapos niya sabihin ‘yon bago niya hawakan ang kamay
“Traydor! Traydor! Tiningnan ni Abbess Mother Serendipity si Megan habang nanginginig ang katawan niya sa galit! Dismayang dismaya talaga siya kay Megan!Tinuro ni Abbess Mother Serendipity si Megan at sinabing, “Meg, mabuti ka talagang alagad! Tinuruan ka namin ni Senior Sister nang ilang taon at naniniwala kami sa kakayahan mo. Hindi ko inaasahan na pagtataksilan mo kami! Ang araw ngayon ay nakapaimportante para sa Emei Sect kasama ang mga elite na narito para makipagsaya sa atin pero mas pinili mo pa rin na paalisin ang Sect Master! Bakit hindi nalang ikaw ang mamuno ng Emei Sect? Wala na akong relasyon sa Emei Sect simula ngayon!”Hindi nagdalawang isip si Abbess Mother Serendipity na umalis matapos niyang sabihin ang mga ito. Tumalon siya sa langit at lumipad sa ilalim ng tingin ng mga tao!Oh…Ang lahat ay natigilan at naguluhan matapos makita ang nangyari.Ipinagdidiwang ng Emei Sect ang kanilang Millenium Event. Ang saya saya pa nito noong una pero naging magulo sa huli no
Ang iba pang sekta na naroon ay nagkatinginan matapos ang matagal na oras bago sila pumalakpak.Ang Emei Sect ay isang kilalang sekta at ang iba ibang sekta ay gustong kaibiganin si Megan na siyang susunod na Sect Master, kaya naman pumalakpak sila at binati ito.Isang nagdidiwang na ngiti ang lumabas sa mukha ni Megan.…Sa gubat na dosenang milya ang layo mula sa Mount Emei sa sandaling ‘yon.Dahan-dahang naglalakad si Aurora kasama si Eira!Galit si Aurora noong una nang sinabi ni Megan ang kanyang sikreto. Pero, naging kalmado na siya pagkatapos nito.Pakiramdam niya hindi siya naging mabuting Ina dahil hindi niya nagampanan ito sakanyang anak sa lumipas na mga taon para sakanyang pagiging sikat at reputasyon.Sa wakas ay makikita na niyang lumaki ang anak niya matapos niyang bumaba sa posisyon nang pagiging Sect Master.Tiningnan ni Aurora si Eira na katabi niya noong iniisip niya ang mga ‘yon.“Mas…”May gustong sabihin si Eira matapos niyang maramdaman ang init ng kat
“Oo naman, Ma! Makikinig si Eira sa’yo.” Nakangiting tumango si Eira.Kinuha ni Aurora ang kamay ni Eira at naglakad na sila paalis.…Samantala, sa Emei Sect.Ang isang masayang kapaligiran ay naging malungkot matapos ni Aurora, Abbess Mother Serendipity, and Elysium Gate Sect at iba pang mga sekta ay umalis.Ang Millenium event ay bigla na lamang natapos.Si Megan at iba pang mga junior sisters ay nasa gate, pinapaalis ang mga panauhin.“Amitabha!”Sabi ni Sect Master Endless kay Megan, “Sect Master Megan, kailangan nang gumalaw ngayon ng Shaolin Sect. Ikaw na ang kumuha ng posisyon nang pagiging Sect Master ngayong araw at dapat kitang bigyan ng isang pambating regalo para sab ago mong paglalakbay pero wala akong dala ngayon. Dadalhan kita ng regalo sa araw ng Elixir Competition sa susunod na tatlong araw.”Matapos ang tatlong araw, naganap na ang isang grandeng Elixir Competition sa Mid City na hinanda ng Elixir Association. Lahat ng Elixir Master sa World Universe Contine
Ang mga villagers ay pupunta rin naman para panoorin ang Millenium Event ng Emei Sect.“Hoy bata, hindi ka pwede rito!”Isang alagad ng Emei Sect ang lumapit kay Ambrose at sinabing, “Dalian mo at umalis ka rito!”Ngumiti si Ambrose at magalang na sinabi sa alagad, “Ate, nagkakamali ka. Hindi ako naliligaw. Kaya ako nandito dahil may hinahanap ako!”‘May hinahanap siya?’Matapos ang ilang sandali, ang lahat ay natigilan.Hindi naman madalas na may nakikita silang batang lalaki na may hinahanap sa Emei Sect. walang tinatanggap na lalaking alagad ang Emei Sect. Dagdag pa roon, ang mga alagad ng Emei Sect ay nasabihan na layuan ang mga lalaki!Sino ang hinahanap ng batang lalaking ito?Ang alagad ng Emei Sect ay ngumiti at tinanong si Ambrose, “Bata, sinong hinahanap mo?”Iniwasan ni Ambrose ang mga nakatingin sa paligid niya at sinabing, “Hinahanap ko si Eira!”Tumingala si Ambrose para tingnan ang paligid pero kumunot ang noo niya nang hindi niya makita si Eira.‘Bakit wala s
Hindi nasiyahan si Megan na ayaw umalis ni Ambrose at sinabing, “Kaninong anak ka ba at bakit hindi mo maintindihan ang mga sinasabi ko? Sinabi ko naman na ang anak sa labas na ‘yon ay umalis na sa Emei Sect kasama nang walang kwenta niyang nanay. Paano ko malalaman kung nasaan sila?! Wag kang pumunta rito sa Emei Sect kung gusto mong hanapin si Eira! Wala siya rito!”Sumimangot ang mukha ni Ambrose habang tinitiklop niya ang kanyang kamao at tinuro si Megan. Punong puno si Ambrose nang matinding emosyon habang pinagbabantaan niya si Megan.Whoa!Nagulat ang mga nakapaligid na tao sakanya.Nagulat sila na isang bata ang ganoon magsalita, hindi siya mukhang bata. Anong karapatan niyang pagbantaan ang Emei Sect?Saan siya kumukuha nang lakas ng loob?Sa parehong oras, ang mga alagad ng Emei Sect ay sumama ang tingin kay Ambrose.Paano nila pinapasok ang isang 10 na taong gulang sa loob ng teritoryo nila?Namumula na si Megan sa galit at sinigawan si Ambrose, “Anong karapatan ng
Ang lahat ay nasorpresa na ang isang 10 na taong gulang ay may hawak na kakaibang martilyo ay nagawang umatake gamit ang ganoong kalakas na kapangyarihan.Anong klaseng Grand Weapon ang Hammer na ito?Mabagal na bumaba si Ambrose sa ilalim ng tingin ng mga tao at tinitigan si Megan. “Ito ba ang Emei Sect? Kung oo, sabihin niyo! Saan pumunta si Eira?!”“Bastos ka ah! Tuturuan kita ng leksyon ngayon!” nanginginig si Megan sa galit habang pinapadyak niya ang kanyang paa. Nilabas niya ang kanyang mahabang espada bago atakihin si Ambrose!Nilabas ni Megan ang lahat nang lakas niya sa espada hanggang sa ang hangin ay kumakalat kapag tinitira niya ang espada!Malamig na ngumiti si Ambrose at tiningnan si Megan. “Hindi ba sabi mo tuturuan mo ko ng leksyon? Hindi bagay sa’yo!”Inangat ni Ambrose ang Tyrant Hammer para labanan ang espada ni Megan. Malakas ang kapangyarihan ng Tyrant Hammer kaya naman natumba si Megan!Tinaas ni Ambrose ang kanyang kamay at agad na tinapik ang katawan ni M