Umiling si Lord Kenny Bred at mapait na ngumiti. “Ayos lang ako mahal ko. Hindi kita susundan sa World Universe dahil naroon si Darryl. A-aalagaan ka niya. Dear, huwag kang mag-alala sa akin, sa akin umaasa ang Kamahalan tungkol sa maraming bagay kaya hindi niya ako masyadong papahirapan.”Tapos ay nagbuntong hininga si Lord Kenny bago dinamdam ang sakit na nasa puso at saka kinausap si Ambrose. “Ambrose, wala na ako sa tabi mo sa hinaharap. Kailangan mong magpakabait at protektahan ang mama mo kapag lumaki ka na. Naiintindihan mo?”“Hmm!” Tumingin kay Lord Kenny ang maliit na mukha ni Ambrose at tumango.Kahit na bata pa si Ambrose ay may napagtatnto ito nang oras na iyon at niyakap nito ang hita ni Lord Kenny habang nagsasalita. “Amang Kamahalan, sumama ka sa amin. Gusto kong bilhan moa ko lagi ng candy.”Gasp!Hindi na napigilan pa ni Lord Kenny ang mga emosyon nang marinig ito, tumulo ang kaniyang mga luha.Makalipas ang isang segundo ay umupo ito at ngumiti ang mukha nitong
Hindi nila alam kung gaano na kalayo ang kanilang nilakad pero unti-unting nawala sa kanilang paningin ang nasa likuran nilang Royal City sa ilalim na maliwanag na sikat ng araw.“Mistress, magpahinga na po tayo.”Nang sandaling iyon ay tinuro ni Tyler ang mga puno sa kanilang harapan at magalang na nagsalita.Tumango si Monica. Bata pa si Ambrose at kailangan nitong magpahinga matapos ang mahabang paglalakad. Tumingin si Monica nang magsalita ito. Napapalibutan sila ng mga bundok at burol, mukhang bihira makakita ng tao sa parteng ito.Matatakot si Monica kung sila lamang ng anak ang naroon. Pero nasa kanilang tabi si Tyler kaya hindi na ito nag-alala sa mga panganib.Niyakap niya si Ambrose at sumandal sa malaking bato.Nang sandaling iyon ay lumabas ang pagkabata ni Ambrose habang nakatingin ito sa mga puno. Curious itong nagtanong. “Ma, anong hitsura ng World Universe? Masaya ba roon?”“Siyempre naman masaya roon. Puno ng teknolohiya ang World Universe. Marami ring masasayan
Nang sandaling iyon ay hindi maipaliwanag ang kaba ni Monica.Nang makatakas ito sa Elysian Island ay patago itong nangako na wala na siyang magiging pakialam pa sa Cult Master ng Grandmaster Heaven Cult.Pero hindi nito inakalang makikita niya ulit ito pagkatapos ng ilang taon! Pero ngayon ay magulo na ang buhok ng Cult Master. Mukha itong baliw at isa na lamang siyang level three Martial Emperor!Tumingin ang Cult Master kay Monica bago tumigil ang kaniyang mga mata kay Tyler at sa mga mamamatay tao. Naging mabangis at matapang ang mga mata nito. “Sinong nagng-istorbo sa akin? Mamamatay kayo! Lahat kayo ay dapat na mamatay!”Mabilis na pinagpawisan ang pinuno ng mga mamamatay tao. Nang mapagtanto nitong mukhang baliw ang lalaki ay naging mas matapang ito at saka nagsalit. “Saan galing ang baliw na to? Huwag mo kaming guluhin!”Buzz!Dahan dahang itinaas ng Cult Master ang kaniyang kamay at sumabog ang malakas na aura mula sa katawan nito.Nang sumunod na segundo ay nagpakita
Malakas na mga sigaw ang narinig mula sa bibig ng Cult Master ng Grandmaster Heaven Cult, hindi ito tumitigil. Malakas at malinaw itong kumalat sa kagubatan.Nang sandaling iyon ay nawala ang dating kamahalan at malakas nitong dating. Tuluyan na itong nabaliw!‘Ba…baliw ba siya?’Hindi lamang iyon, hindi rin nito kilala ang sarili.Kinagat ni Monica ang kaniyang mga labi nang makita iyon.Tama nga ang kaniyang hula. Wala sa tamang katinuan ang Cult Master nang sandaling iyon; mukhang ilang taon na itong baliw.Pinamunuan ng Cult Master ng Grandmaster Heaven Cult ang mga tauhan nito at sumunod sa New World Army para sa pag-atake sa Donghai City. Pero natalo ang New World Army sa digmaang iyon.Matapos ang digmaan iyon ang nawasak ang halos lahat ng miyembro ng Grandmaster Heaven Cult.Lubos na nasaktan ang puso ng Cult Master dahil sa pagkawasak na iyon. Tapos ay nakita nito ang Cult Mistress na kasama ni Darryl.Ang dalawang tama na kaniyang nakamit ang dahilan kung bakit ito
Tumango si Monica sa Cult Master ng Grandmaster Heaven Cult. Tapos ay naglakas ito para ilibing ang katawan ni Tyler.Matapat na tao si Tyler at pinrotektahan siya nito; hindi niya hahayaan sa ganoong sitwasyon ang katawan nito.Agad na lumapit ang Cult Master para tulungan siya.Matapos nilang ilibing si Tyler ay nagpatuloy ang tatlo sa kanilang paglalakbay.Mahigpit na humawak si Tyler sa kamay ni Monica at banayad na mahinahong nagsalita. “Mama, kailangan ba nating sumama sa taong hindi natin kilala? Pinatay niya si Tito Tyler. Natatakot ako—”Bahagyang pinakalma ito ni Monica. “Huwag kang matakot Ambrose. Hindi masamang tao ang lalaking ito.”Nang sabihin niya ito ay nagbigay tingin siya sa Cult Master na nasa kaniyang likuran nang may halong emosyon.Nagpatuloy ang tatlo sa kanilang paglalakbay papuntang World Universe.Nang sumunod na araw.Natunton nila ang lambak—nginitian ni Monica si Ambrose. “Ambrose, kapag nakatawid tayo sa lambak ay makikita natin ang Sea of Death
”Argh!” lumabas ang mga sigaw at dugo mula kay Eugene na nasa ere—naglikha ito ng ulan ngdugo. Lumipad ito nang ilang daang metrong layo bago bumangga sa mga puno.Nang lumapag iso sa sahig ay balot ang lalaki sa dugo—patay na ito.‘Ano? Isang galaw lang? Isang galaw para mapatay ang Chief?Ngulat ang mga natirang miyembro ng Whit Shirt Sect sa kanilang nakita—napahinga ng malalim ang mga ito!Napakalakas ng baliw na iyon!Pinagmasdan ng Cult Master ng Grandmaster Heaven Cult ang kapaligiran habang namumula ang kaniyang mga mata. Nagsalita ito. “Ang sino mang hindi ito nagustuhan ay maaaring lumapit para mamatay.”Thud! Thud!Nanginig ang mga natirang alagad nang lumuhod ang mga ito. Takot na takot sila.“Pakiusap, maawa ka!”“Awa…”Isang galaw lang at napatay nito ang kanilang pinuno; walang sino man ang nagtangkang lumaban.Nang oras na iyon ay napakunot ng noo si Monica habang nakatingin sa mga tao. Nagtaka itong nagtanong. “Base sa inyong mga damit, hindi kayo mukhang tu
Samantala, sa mansyon ng pamilya Box sa Mistloren.Pakiramdam ni Darryl ay nanggaling siya sa mahabang panaginip. Makalipas ang ilang sanali ay sobrang sakit ng ulo nito nang magising.‘Hayop, napakatapang ni Laura Hanson.’Patago itong lumapit at umatake. Halos mawala ang kalahati ng kaniyang buhay. Sinaktan niya rin ito nang maraming beses—balot ng sugat ang buong katawan ni Darryl. Nahimatay na ito nang lisanin ang ancestrall hall ng pamilya Box.Habang tahimik niya itong minumura ay minulat ni Darryl ang mga mata at napagtanto nitong nakahiga siya sa kwarto sa loob ng mansyon.Nakaupo si Tiffany Box sa upuan katabi ng higaan; mukhang nakasuot ito ng mahabang bestida. Nakapatong ang isang binti nito sakaniyang kabilang binti dahilan kung bakit mas nakita ang maganda hubog ng katawan nito.Pero magkahalong mapaglaro at magulo ang ekspresyon nito.“Gising ka na?” Mahinahong tanong ni Tiffany. Tapos ay tumayo ito at unti-unting naglakad palapit sa higaan. Tinuksa nito ang lalaki
Nang makita nito ang reaksyon ni Darryl ay napakunot ang noo ni Tiffany. “Bakit hindi ka mapakali dahil nanakaw ang kayamanan ng aming pamilya?”“Hi—“ Kinamot ni Darryl ang kaniyang ulo at mapait na ngumiti. “Matinding pagpapahirap ang naranasan ko. Siyempre ay hindi ako magiging masaya. Gusto kong makita na mahuli ang babaeng iyon.”Kinagat ni Tiffany ang mga labi. “Gusto mong maghiganti sa babaeng iyon? Sige, pero sa kakayahan mo, bakit hindi ka nalang manatili sa bahay mo at magpahinga?”Tumalikod ito at umalis ng kwarto.Habang nakikinig ito sa mga yapak ng babae na unti-unting palayo ay hindi mapakali si Darryl nang ilabas niya ang kaniyang cellphone at tinawagan si Felix Blakely.‘Hayop, hindi ko pwedeng hayaan ang Dragon Essence sa mga kamay ni Laura. Kailangan ko itong maibalik kahit na anong mangyari! Isa pa, halos pinatay niya ako sa pagpapahirap. Kailangan niya itong pagbayaran nang sampung beses!’ Di katagalan ang nag konekta ang tawag.‘Pakiusap Felix, tulungan mo