Natigilan si Darryl sa sandaling pumasok siya sa casino… maganda, elegante at mahal ito. Mukha itong palasyo!Ang main hall sa unang palapag ay isang libong parisukat ang lapad. Marami itong vending machines at naka-kalat ito sa iba’t ibang lugar, poker, mahjong, pai-gow at mayroon din lugar na para sa broadcasted horse races live.Lahat ng casino games na alam ni Darryl ay naroon.Ang unang palapag ay para sa mga ordinaryong panauhin na magsusugal. Maraming tao rito at maingay.Ang magkapatid na galing sa pamilya box ay anak ng isang mayamang pamilya kaya naman wala sila sa unang palapag. Palagi silang nasa VIP zone sa ikalawang palapag.Matapos tingnan ni Darryl ang unang palapag, dumiretso siya agad sa hagdan.Nang makarating na siya sa VIP zone, nakita ni Darryl ang dalawang sexy na babae sa dulo ng kwarto.Ang isa sa mga babae ay nakasuot ng maong at stilletos, mukha siyang sexy at ang kagandahan niya ay naging dahilan para hindi siya makahinga! Ngunit, mukha rin itong masu
Kumunot ang noo ni Tiffany habang tinitingnan niya si Darryl, nainis siya. “Sabi ko naman sakanila, hindi na naming kailangan ng kapatid ko ng bodyguard. Bakit ba ang kulit nila?”Kumaway si Tiffany kay Darryl. “Umalis ka na! Hindi ka namin kailangan ng kapatid ko. Umalis ka dyan at wag mo akong istorbohin.”Oh…Hindi akma ang naramdaman ni Darryl, hindi siya sigurado kung gusto niyang tumawa o umiyak.Siya ang pinuno ng Elysium Gate, isa rin siyang Martial Emperor pero ang isang dalaga ay tinataboy siya.Ang ibang tao ay siguradong matatawa kapag narinig nila ‘yon.Gayunpaman, hindi nagalit si Darryl. Nakangiti siya habang nakatayo sa gilid. Patuloy niyang pinapanood maglaro si Tiffany.Sa parehong sandali, namangha si Darryl kay Ashley. Ang mas matandang kapatid ay mas babae tingnan pero mas masungit.Maya-maya, natalo nanaman ng tatlong laro si Tiffany.Tumawa si Kai, natuwa niya. Tapos, ngumiti siya at tumingin kay Tiffany. “Tadhana ‘to, Manang Box. Wag mong kalilimutan an
Sunod sunod ang talo ni Kai! Hindi lang siya natalo sa mga chips ni Tiffany pero natalo rin niya ang mga chips niya.Maya-maya, kaunti nalang ang natitirang chips sa harapan niya.Ang lahat ay nagtipon para manood ng laro nila.Sa sandaling ‘yon, tagaktak ang pawis ni Kai, galit na galit siya. Hindi niya na maitago ang galit niya habang nakatingin kay Darryl.‘Anong nangyayari? Kailan natuto ang lakaking ‘to magsugal? Bakit siya nananalo? Kakaiba na ‘to.’Hindi niya alam na ginagamit ni Darryl ang Ghost Hand kada laro. Hindi ito kayang makita ng mga mata kaya imposible na manalo siya kay Darryl.“Hindi ka ba maswerte ngayon?” namangha si Tiffany habang tinitingnan niya si Darryl. Nagningning ang mga mata niya at sinabing, “Mukha kang mahirap pero ang swerte mo.”Ngumiti si Darryl habang tinitngnan niya si Kai at nagtanong, “Gusto mo pa bang maglaro? Hindi mo ako matatalo.”Ugh!Noong makita ni Kai ang ngiti ni Darryl, namula ang kanyang mukha at nanginig ang kanyang kamay.‘I
Ano?Gusto niyang gamitin ang pinsan niyang babae bilang taya para sa chip?!Mukhang maganda ang mangyayari.Excited ang lahat sa pinapanood nila. Nag-uusap sila nang patago at wala nagtatangkang mag-ingay dahil ayaw nilang magalit si Kai.Sa parehong sandali, maraming tao ang nakapokus kay Darryl, iniisip nila kung anong isasagot ni Darryl.‘Sino ba ‘tong lalaking ‘to?’‘kinaya niyang manalo kay Young Master Xyon!’Hindi pinansin ni Darryl ang mga tao at lumingon para tumingin kay Tiffany. “Second Young Miss, gusto mo bang ituloy ang laro?”Sumagot si Tiffany, “Gusto niyang makipagsugal sa’yo, hindi sakin. Pwede ka magdesisyon para sa sarili mo. Pero, ang mga chips na ‘yan ang allowance ko para sa linggong ‘to, kaya kapag natalo ka. Babayaran mo ako.”Ugh!Noong narinig niya ‘yon, pinagdikit ni Darryl ang kanyang mga labi, hindi siya sigurado kung gusto niya bang matawa o maiyak.‘Nakalkula na lahat ng pinuno. Wala akong masabi! Ngunit kailangan kong gamitin ang Dragon Esse
Si Madelyn ang general manager pero ‘yon ang unang beses na hiniling niya na siya ang magtapon ng dice para sa isang panauhin.Maswerte si Young Master Xyon.“ikinigagalak ko na matulungan mo, Ate Madelyn. Natutuwa ako.” Nakangiting sinabi ni Kai. Tapos, binigay niya ang dice sakanya. Natuwa siya dahil akala niya ay ginagawa ni Madelyn ang pabor para sakanya.Nakangiti si Madelyn habang tinaas niya ang maputi niyang braso at hinulog na ang dice. Tapos, maganda siyang ngumiti. “Sinong tataya sa malaki at sinong tataya sa maliit?”Sumigaw si Kai, “Malaki ang sakin!”Habang sinasabi niya ‘yon, tumingin siya kay Darryl na para bang hinahamon niya ito.Sumagot naman si Darryl, “Sige, akin nalang ang maliit.”Noong sinabi niya ‘yon, kinakabahan na si Darryl.‘Ugh! Nakasalalay nalang sa swerte ito ngayon. Pakiusap, wag mo akong ipatalo.’Habang iniisip niya ‘yon, ang mga mata ni Darryl ay nakatingin sa mga kamay ni Madelyn.“Magaling. Buksan na natin.”Ngumiti si Madelyn at pinakita
“Simple lang ang rason kung bakit kita tinulungan.” Seryosong tiningnan ni Madelyn si Darryl. “Gusto kong magtrabaho ka rito sa casino ko. Siguro ay tinago mo ang pandadaya mo sa ibang tao kapag nananalo ka sa 20 na laro laban kay Young Master Xyon pero hindi mo kayang itago ‘yon sa akin. Ang teknik mo ay napakabilis. Ang talentong ganon ay masasayang lang kung bodyguard ka. Kung gusto mong magtrabaho sakin, pwede mo akong sabihan ng requirements mo. Anong masasabi mo?”Punong-puno nang pag-asa ang mukha ni Madelyn.Napansin niya kung paano nanalo si Darryl kay Kai sa security camera room, isang kakaibang teknik ang ginagamit niya para palitan ang halaga ng dice.Matagal nang pinapatakbo ni Madelyn ang casino at marami na siyang nakita iba’t ibang daya ng mga nagsusugal na nananalo. Gayunpaman, unang beses niya nakita ang isang advanced na teknik.Syempre, susubukan niya ang makakaya niya para makuha ang isang talentadong katulad ni Darryl.‘Yon ang dahilan kung bakit niya tinulun
Agad na pumasok si Darryl sa mansyon matapos niyang sagutin si Tiffany.‘Ugh! Anak sila ng mayaman at ang laki ng mansyon nila.’Mas namangha si Darryl noong pumasok siya sa loob ng mansyon.Ang buong mansyon ay napakaganda. Mayroong hardin, may swimming pool sa labas at mayroon ding garahe sa ilalim. Ang ganda nito!Sa main hall sa unang palapag, tinuro ni Tiffany ang isang maliit na kwarto sa gilid habang lumingon siya kay Darryl at sinabing, “Dyan ka muna manatili sa kwarto na ‘yan. Kami ng kapatid ko ay nakatira sa ikalawang palapag kaya hindi ka pwedeng umakyat doon na walang paalam, naiintindihan mo ba?”Sobrang bossy nang tunog niya.Ngumiti si Darryl at tumango, “Naiintindihan ko po.”“Oh, oo nga pala, may isa pa akong sasabihin!” Nilagay ni Tiffany ang kanyang kamay sa bewang at nagisip muna bago siya nagpatuloy magsalita, “Hindi mo pwedeng gamitin ang mga facilities sa mansyon kapag walang apruba galing samin. Bawal na bawal mo rin gamitin ang swimming pool.”‘Lahat k
“Sino…sino ka?”Si Ashley ang unang nakapag isip. Tiningnan niya ang lalaking nakamaskara at sumigaw, “Alam mo ba kung anong lugar ‘to? Umalis ka na ngayon din o tatawag ako ng pulis!”Malakas ang kutob ni Ashley na hindi si Darryl ang lalaking ‘yon. Mas mataba siya kaysa sa bagong bodyguard.Sa sandaling ‘yon, bumalik sa ulirat si Tiffany at sumigaw, “Hoy magnanakaw! Anong karapatan mong magnakaw sa bahay namin? Umalis ka na! May bodyguard kami sa baba!”Bodyguard?Noong narinig niya ‘yon, ang lalaking nakasuot ng maskara ay tumawa at inasar sila, “Kayong dalawang babae, wag niyo nga akong takutin. Alam ko ang sitwasyon niyo ngayon. Dalawa lang kayo rito kaya wala kayong bodyguard!”Tumalon ang lalaking nakamaskara galing sa bintana sa ikalawang palapag at hindi niya nakita si Darryl.Habang nagsasalita siya, ang lalaking nakamakaskara ay tinaas ang kanyang kamay at tinuro ang dalawang magkapatid!Ang bilis niya na naging dahilan kung bakit hindi nagkaroon nang reaksyon ang da