Agad na pumasok si Darryl sa mansyon matapos niyang sagutin si Tiffany.‘Ugh! Anak sila ng mayaman at ang laki ng mansyon nila.’Mas namangha si Darryl noong pumasok siya sa loob ng mansyon.Ang buong mansyon ay napakaganda. Mayroong hardin, may swimming pool sa labas at mayroon ding garahe sa ilalim. Ang ganda nito!Sa main hall sa unang palapag, tinuro ni Tiffany ang isang maliit na kwarto sa gilid habang lumingon siya kay Darryl at sinabing, “Dyan ka muna manatili sa kwarto na ‘yan. Kami ng kapatid ko ay nakatira sa ikalawang palapag kaya hindi ka pwedeng umakyat doon na walang paalam, naiintindihan mo ba?”Sobrang bossy nang tunog niya.Ngumiti si Darryl at tumango, “Naiintindihan ko po.”“Oh, oo nga pala, may isa pa akong sasabihin!” Nilagay ni Tiffany ang kanyang kamay sa bewang at nagisip muna bago siya nagpatuloy magsalita, “Hindi mo pwedeng gamitin ang mga facilities sa mansyon kapag walang apruba galing samin. Bawal na bawal mo rin gamitin ang swimming pool.”‘Lahat k
“Sino…sino ka?”Si Ashley ang unang nakapag isip. Tiningnan niya ang lalaking nakamaskara at sumigaw, “Alam mo ba kung anong lugar ‘to? Umalis ka na ngayon din o tatawag ako ng pulis!”Malakas ang kutob ni Ashley na hindi si Darryl ang lalaking ‘yon. Mas mataba siya kaysa sa bagong bodyguard.Sa sandaling ‘yon, bumalik sa ulirat si Tiffany at sumigaw, “Hoy magnanakaw! Anong karapatan mong magnakaw sa bahay namin? Umalis ka na! May bodyguard kami sa baba!”Bodyguard?Noong narinig niya ‘yon, ang lalaking nakasuot ng maskara ay tumawa at inasar sila, “Kayong dalawang babae, wag niyo nga akong takutin. Alam ko ang sitwasyon niyo ngayon. Dalawa lang kayo rito kaya wala kayong bodyguard!”Tumalon ang lalaking nakamaskara galing sa bintana sa ikalawang palapag at hindi niya nakita si Darryl.Habang nagsasalita siya, ang lalaking nakamakaskara ay tinaas ang kanyang kamay at tinuro ang dalawang magkapatid!Ang bilis niya na naging dahilan kung bakit hindi nagkaroon nang reaksyon ang da
Ito ay si Darryl.Ngumiti si Darryl habang tinitingnan niya si Stephen. Hindi siya nakakaramdam nang kaba. Naramdaman na ni Darryl ang presensya nito pagkapasok palang ni Stephen sa loob ng mansyon.Tapos, patago siyang sinundan ni Darryl at gusto niyang patayin agad ang nanghihimasok nang marinig niya na nagsasalita ito tungkol sa Dragon Essence. Natuwa siya na may makakatulong sakanya para malaman ang lugar kung nasaan ito pero nilabas ni Stephen ang kanyang sandata at wala nang nagawa si Darryl kung hindi magpakita.“Darryl, baboy ka ba? Kung matulog ka parang baboy eh! Hindi mo alam kung may nakapasok na ba sa bahay namin! Dali! Iligtas mo kami!”Nag-aalala si Tiffany at nagalit noong lumabas si Darryl kaya naman pinagalitan niya ito. ‘Ang bobo naman ng bodyguard na ‘to! Anong silbi niya rito?!’Nararamdaman ni Darryl ang galit ni Tiffany. Magkasalungat ang ekspresyon ng mukha niya, “Second Young Miss, pinagbawalan mo akong pumunta sa kwarto mo at ni Eldest Young Miss.”“Ikaw
Nakaupo si Darryl sa lupa na para bang malala ang natamo niyang sakit.Tumawa si Stephen. Tumingin siya sa dalawang magkapatid at sinabing, “Ito ba ‘yong bodyguard niyo? Masyadong mahina.”“Ikaw!!!” galit si Tiffany habang inaasar sila nito. Lumingon siya kay Darryl nang may inis sakanyang mga mata. “Wala kang kwenta! Hindi mo kayang talunin ang isang magnanakaw!”“Second Young Miss!”Tumingin si Darryl na parang nahihiya at sumagot, “Hindi ako walang kwenta, mas malakas lang siya kaysa sakin.”Tumawa si Stephen. Tapos, tumingin siya kay Tiffany at inutusan ito, “Sige, kayong dalawang magkapatid, dapat niyong sabihin sakin kung nasaan ang Dragon Essence ngayon na! Nawawalan na ako nang pasensya!” Binuksan ni Darryl ang kanyang tenga habang naghihintay sa sagot ng dalawang magkapatid.Napagdesisyunan niyang na talunin si Stephen pagkatapos sabihin ng dalawang magkapatid kung nasaan ang Dragon Essence. Tapos, pwede na siya agad pumunta roon at kunin ito.Noong nasa bulsa na ni
‘Ano???’‘Sinabi niya bang wala siyang magagawa rito?’Paiyak na si Tiffany, kinagat niya ang kanyang mga labi, “Hmm.. hindi naman kami pwedeng tumayo buong gabi, hindi ba? Tulungan mo kami para makahiga kami sa kama.” Tumawa si Darryl habang yumuko siya para kuhain si Tiffany. Hays! Natuwa si Darryl, naramdaman niya ang sexy na katawan ni Tiffany sa katawan niya. “Wag mong ilagay kung saan saan ang kamay mo…” sumigaw si Tiffany, nahiya siya.Sinubukan ni Darryl pigilan ang kanyang ngiti. Pagkatapos hiniga na niya si Tiffany sa kama at tumalikod siya para pumunta sa maliit na hall sa labas. Nakatayo si Ashley doon, pinunit niya ang kalahati ng puti na damit nito at naging dahilan ito para makita ang kurba nang kanyang katawan. Parang nawala si Darryl sa sarili niya noong nakita niya si Ashley.Tapos, nagpanggap si Darryl na inosente at sinabing, “Eldest Young Miss, dadalhin ko na po kayo sa kwarto niyo.” Namula si Ashley at mahinahong sinabi na, “Wag mo akong hawakan.”
Tumango si Ashley. Kahit na hindi maaasahan na bodyguard si Darryl, nakaya naman niyang paalisin sa bahay nila ang lalaking nakamaskara.Iniisip niya na mas ligtas sila ng kapatid niya kapag nanatili si Darryl sa tabi nila hanggang sa makarating ang tatay nila.Walang nagawa si Darryl. Ngumiti nalang siya at tumango. “Sige po.”Tapos, umupo si Darryl sa upuan malapit sakanila, kung saan maaari niyang bantayan ang dalawang magkapatid.Naisip niya na nakakaakit ang dalawang magkapatid.Pagdating sa itsura at ugali, ang mas matanda na si Ashley ay masungit at makinis. Ang mas bata naman na si Tiffany ay maliit at masiyahin.Kung titingnan silang dalawa, masasabi mo talagang panalo ka. Lalo na kapag nakapangtulog ang dalawang magkapatid.Nakaupo lang doon si Darryl habang hinahangaan ang dalawang magkapatid at patagong hinuhusgahan ito. “Mga anak ko!!!”Bigla nalang silang may narinig na hakbang sa labas kasunod ang isang malalim na boses.Isang matandang lalaki ang nagbukas ng p
Nawalan nang pasensya si Tiffany. Hindi lang mahina ang bodyguard niya pero tamad din. Kinailangan niya pa itong gisingin. “Maghahanda lang ako saglit.” Sagot ni Darryl na inaantok pa.Matapos umalis ni Robert kagabi, nilibot ni Darryl ang buong mansyon habang tulog ang dalawang magkapatid pero hindi niya mahanap ang Dragon Essence kahit saan. Mag uumaga nan ang makatulog siya.Pagkatapos maghanda ni Darryl, lumabas na siya nang kwarto niya at ang dalawang magkapatid ay nasa loob na ng kotse.Nagmadali si Darryl para samahan sila.Bago pa siya makapasok, binaba ni Tiffany ang kanyang bintana at umirap. Sabi niya, “Ano?! Sa tingin mo ba sa isang kotse lang tayo sasakay? Sa tingin mo ba magagawa mo ‘yon? Mag taxi ka papuntang paaralan mag-isa!”Tapos, ngumuso si Tiffany. “Oo nga pala, kapag nasa paaralan tayo, wala kang karapatan sabihin sa kahit na sino na bodyguard ka naming. Bukod sa pag-aalaga samin, hindi ka rin pwedeng makialam sa mga gagawin namin. Naiintindihan mo ba ‘yon?
Kahit na tinawanan ni Tiffany ang pagpapakilala ni Darryl, pinahirapan niya pa ang buhay ni Darryl. “Hoy, bago naming kaklase, may talento ka ba? Pakita mo naman samin.”Tuwang tuwa si Tiffany sa ginawa niya. Gusto niya palagi ang nang-aasar ng ibang tao at nasa mood siya para pagtripan si Darryl.“Oo nga, pakitaan mo naman kami kahit papaano.”“Bakit pangalan mo lang ang sinabi mo samin?”Marami na rin sa klase nila ang nakisali sa pang-aasar.Ang guro ng klase na si Renee ay nakatayo lang doon habang nakangiti. Kahit na istrikto siyang guro, hindi na siya nakisali sap ag-uusap ng klase niya.Maraming nakisali at naki-asar sa klase. Bahagyang ngumiti si Darryl habang tiningnan niya nang masama si Tiffany.‘Sinabi niya talaga ‘yon para mapahiya ako sa harap ng maraming tao? Masyado kang bata para pagtripan ako, babae ka.’Habang iniisip ‘yon ni Darryl, ngumiti siya at tumingin kay Tiffany, “Hoy, klasmeyt! Kaya kong kumanta pero kailangan ko rin nang sasayaw sa kanta ko. Pwede k