Palihim na sinusubukan ng apat na nakamaskarang lalaki na naka suot ng itim na balabal na pahabain ang laban. Nahalata ito ni James at alam niya na ito ang perpektong pagkakataon upang isagawa ang plano niya. Sa oras na makahalata si Kennedy, imposibleng magawa pa ni James na patayin ang Emperor. "Halughugin niyo ang buong lugar." Habang hawak niya ang Blade of Justice, sumugod si James patungo sa gitna ng courtyard. Dahil sa natamo nilang pinsala mula sa pag-atake ng apat na lalaki, walang magawa ang mga tauhan ni Kennedy kundi manatiling nakahiga sa lupa. Hindi nila magawang tulungan si Kennedy. Noong makita nila ang armadong Black Dragon Army, hindi alam ng mga guwardiya ng mga Johnston ang gagawin nila. Kapag nanatili silang nakaharang sa daanan nila, siguradong pagpipira-pirasuhin sila ng Black Dragon Army. Ang pinakamabuting gawin nila ay manahimik at hayaan na lumipas ang gulo. Sa huli, mas pinapahalagahan ng mga guwardiyang ito ang kanilang mga sariling buhay.
Tumulo ang dugo mula sa bibig ng Emperor. Nanlaki ang kanyang mga mata, hindi niya maunawaan kunga ano ang nangyari.Hindi siya makapaniwala na nangahas si James na patayin siya sa kanyang kinatatayuan.“Ikaw…” Sumigaw sa galit ang Emperor habang nakatingin siya kay James. “Hinding-hindi kita mapapatawad, James!”“Haha…” “Ang lakas ng loob mo na saksakin ako sa tahanan ng mga Johnston! Kapag namatay ako, hindi magtatagal susunod ka din sa’kin. Hihintayin kita sa impyerno!”Para bang nainis siya sa pagtuligsa sa kanya ng Emperor, binunot ni James ang kanyang espada mula sa katawan ng Emperor.Bumulwak ang dugo mula sa malaking sugat ng Emperor.Kasunod nito, agad na binunot ni James ang kanyang baril.Bang! Bang! Bang! Binaril niya ng ilang ulit ang sugatang lalaki. Bumagsak ang Emperor sa isang lawa ng sarili niyang dugo kasabay ng paglisan niya sa mundo. Huminga ng malalim si James. Sa wakas, patay na ang Emperor. Ang problema ngayon ay ang kaguluhan na posiblen
Sa wakas patay na ang Emperor. Pinili ni James na tapusin na ang mga bagay gamit ng Blade of Justice dahil ayaw niyang magkaroon ng pagkakataon ang Emperor na makatakas. Alam niya na kapag nilitis ang Emperor bago niya siya patayin, siguradong gagamitin ng Emperor ang isa mga tinatago niyang alas upang makaiwas sa batas. Hindi lang siya isang makapangyarihang tao na may koneksyon sa bawat ng lebel ng lipunan, kundi nasa Emperor din ang suporta ng mga Johnston. Ang bawat yugto ng kanyang misyon upang patayin ang Emperor ay puno ng pagsubok. Hindi niya inakala na mangangahas ang mga Johnston na hadlangan siya at atakihin ang Black Dragon Army. Malinaw na paglabag sa batas ang ginawa nila. Dinala ang bangkay ng Emperor sa military region. Sa military region ng Capital… Bumalik ang Black Dragon Army pagkatapos nilang magtagumpay sa kanilang misyon. Personal na ginamot ni James ang kanilang mga sugat. Hindi naman malala ang mga sugat nila at wala naman sa alanganin ang
Sumagot ang Hari ng may pagdududa, “Wala akong ideya kung ano ang God-King Palace, at ngayon ko lang din narinig ang tungkol dito.” Napaisip si James dahil sa biglaang pangyayari na ito.Kung hindi inutusan ng Hari ang God-King Palace upang tulungan siya, kung ganun bakit sila nangialam at bakit nila tinulungan si James? Bakit nila siya hinayaan na patayin ang Emperor? Tumingin ang Hari kay Gloom ng puno ng pagtataka at tinaas niya ang kanyang mga kilay. “Marami kang nabasang impormasyon. May nabasa ka ba na tungkol sa God-King Palace?” Makikita pa rin sa mukha ni Gloom ang pag-aalinlangan. “Wala, ito ang unang pagkakataon na narinig ko ang tungkol sa kanila.” Huminga ng malalim si James. Pinuntahan niya ang Hari upang alamin ang tungkol sa God-King Palace. Subalit, maging ang Hari ay hindi alam ang pagkatao nila o maging ang kanilang layunin. Kaninong panig ba kampi ang God-King Palace? Talaga bang kakampi nila sila? Hindi na inisip pa ng Hari ang tungkol sa bagay na i
Sa military region nagpalipas ng gabi si James. Sa isang silid sa military region… Nagkalat ang mga plato sa mesa mula sa hapunan kanina. Parehong may hawak na bote ng wine sila James at Henry. Uminom si Henry at sinabing, “Ngayong patay na ang Emperor, sa wakas payapa na ulit ang Capital.” Umiling si James upang kontrahin ang sinabi ni Henry. “Payapa? Ikinalulungkot ko na ito pa lang ang simula ng mas malaking gulo.”Kahit na nagkaroon ng ilang problema sa plano nilang pagpatay sa Emperor, nagtagumpay pa rin si James sa kanyang misyon. Subalit, nararamdaman niya ang nagbabadyang delubyo na parating.Sumulpot ang misteryosong God-King Palace.Bakit bigla silang dumating at tinulungan siya? Kahit na saang angulo pa niya tingnan ito, hindi ito maintindihan ni James. Tumabingi ang ulo ni Henry. "Bakit?" "Kalimutan mo na 'yun. Uminom pa tayo! Ngayong gabi, magpapakasaya tayo." Ayaw nang isipin pa ni James ang isang ganito kakomplikadong bagay. Kasabay nito, sa isang
Dumating ang mga mamamahayag mula sa iba't ibang lupalop ng mundo. Gustong malaman ng lahat ang pinakabagong balita at marinig ang tungkol sa kabayanihan ni James. Ang pagdating ni Henry ang naging hudyat ng pagsisimula ng press conference. Pinaliwanag ni Henry ang mga nangyari kagabi, "Noong una pa lang, lihim nang iniimbestigahan ng Black Dragon Army ang Emperor, ang commander-in-chief ng Red Flame Army. Pagkatapos ng isang masusing imbestigasyon, nakakuha kami ng ebidensya kung saan naka detalye ang mga krimen ng Emperor. Sa kabila ng pagbibigay namin sa kanya ng pagkakataon na isuko ang kanyang sarili ng payapa, nanlaban ang Emperor at sinaktan pa niya ang marami sa ating mga tagapagpatupad ng batas. Dahil dito, kinailangan siyang patayin." Kahit na alam ng lahat na may napakahalagang bagay na isasapubliko ngayong araw, hindi nila inasahan na tungkol ito sa kamatayan ng Emperor. Nagulat ang mga tao sa mga sinabi ni Henry. Isang mataas na opisyal ang agad na tumayo at na
Ang Johnston’s ay isa sa mga pamilya na napapabilang at bumubuo sa Ancient Four. Napagalaman na ang pamilyang ito ay mula pa sa mga opisyal ng korte ng Prince of Orchid Mountain libong taon na ang nakararaan.Simula pa noong unang panahon, ang pamilya Johnston ay isang pamilya na umiikot sa Martial Arts. Kailangani to aralin ng bawat miyembro ng pamilya. Sa kasamaang-palad, talento pa rin ang basehan kung ano ang mararating at kung gaano kagaling ang gumagamit sa Martial Arts. Dahil dito, hindi lahat ng indibidwal ay kaya na magtagumpay. Ang Emperor ang isa sa mga tao na ito sa kanilang pamilya.Sa kabila ng estado at pamana bilang Johnston, wala siya ni katiting na talento na kahit ano.Si Wind, Rain, Thunder at Lightning ay mga pangunahing mga opisyal na espesyal ang pagpapalaki ng mga Johnston. Sa mga nakalipas na taon, sinuyod ng mga Johnston ang mundo at naging partikular sa pagpili ng mga talentadong mga ulila para pagyamanin ang mga talento nila sa murang edad bago italaga sa ka
Sinubukan ni James na tumayo muli pero nahirapan siya. Nabalot ng matinding takot ang puso niya. Hindi niya inaashan ang babaeng ito na mukhang pangkaraniwan ang itsura na magiging ganito kalakas.Si Rain, ngumiti ang babaeng ito a kanya at nagkunwari na pinupuri siya, “Hindi na masama. Nakatayo ka pa din kahit na sinalo mo ng direkta ang atake ko. Sa kasamaang palad, 30% pa lang ng lakas ang ginamit ko kanina. Napapaisip tuloy ako kung buhay ka pa rin kaya kapag ginamit ko ang 50% ng lakas ko.”Habang sinasabi niya ito, inihanda niya ang sarili niya para muling sumugod.Isinara ni James ang mga kamao niya at tumalon din para sumugod.Nagkasalubong ang mga kamao nila.Sa oras na nag kadikit ang mag kamao nila, pakiramdam ni James tinamaan siya ng kidlat. Naparalisa ang braso niya, at ang Blood Energy sa katawan niya ay kumulo ng higit sa kailanman. Sa isang iglap, umubo siya muli ng dugo.Tumalsik siya ulit dahil sa tindi ng puwersa at napahiga sa sahig.Sa pagkakataon na ito, hindi n