Ang isang hayop na wala nang kawala ay magiging desperado na panatilihin ang kanyang sarili na mabuhay. Ganung klaseng hayop ang Emperor. Kahit na alam niyang malapit na siyang mamatay, ayaw niyang mawala ng tahimik. Sinama niya ang kanyang mga tauhan dito at nagtanim ng bomba sa buong paligid. Tumayo ang Emperor at mapanghamon na sumigaw, “Hindi ako mamamatay na parang isang aso! Mabubuhay ako, kahit na anong mangyari!” Umupo ang Hari sa sopa, hindi man lang natinag sa ipinakitang panlalaban ng Emperor. Tahimik lang na nakatayo si Gloom sa kanyang tabi, pinagmamasdan ang nangyayaring eksena. Sinabi ng Hari, “Sumosobra na si Mr. Gabriel. Mali na binuhay niya ang planong inabandona isang siglo na ang nakakaraan. Ipinagbabawal ito dahil sa magandang dahilan. Ngayon na nabunyag na ang lahat, hindi sasalo si Mr. Gabriel ng bala para sa isang kasangkapan na pwedeng itapon na kagaya mo. Sumuko ka na lang, bata.”“Sige kung ganun.” Nagpakita ng isang kakaibang ngiti ang
”Sige.” Tumango si Henry. Pagkatapos, humarap siya sa mga tauhan niya. “Pupunta tayo sa hukuman.”Hele-helerang mga sasakyan ang nakapila at nakahandang umalis sa military region. Isang libong mga sundalo ng Red Flame Army ang sumakay sa mga ito at bumiyahe patungo sa hukuman.Ang hukuman ay isang lugar kung saan nililitis ang mga makapangyarihang tao sa Sol.Kamakailan lang, nilitis si James dito. Noong sandaling bumalik siya sa lugar na ito, nakaramdam ng hindi maganda si James. Gayunpaman, agad niyang isinantabi ang pakiramdam na ito. Tumayo siya sa gitna ng hukuman at tumingin siya sa Blade of Justice na kumikinang sa harap niya. Nasa likod niya ang isang lalaki. Siya ang chief justice na namamahala sa hukuman.Matapos ipaalam sa kanya ang lihim na utos ng hari, pinayagan niya si James na makapasok sa hukuman.Naglakad si James palapit sa Blade of Justice. Habang nakatingin siya sa espada na kumakatawan sa pinakamataas na awtoridad sa buong Sol, bumulong siya, “Sabi
Pagkatapos niyang malaman na kinuha ng mga Johnston ang Emperor, dinala ni James ang Black Dragon Army patungo sa tahanan ng mga Johnston. Iisa lang ang layunin niya sa pagkilos niya─ang idispatya ang Emperor. Balak niyang gamitin ang Blade of Justice upang patayin siya. Kapag patay na siya, ibubunyag ni James ang mga kasalanan ng Emperor sa publiko. Sa isang courtyard sa suburb ng Capital… Ang courtyard ay isang testamento ng kasaysayan at binuo gamit ng pinakamagandang klase ng kahoy. Tatlong metro ang taas ng mga pader nito at kulay pula ang mga ito. Sa loob ng bulwagan ng courtyard… Si Kennedy Johnston, ang sect elder ng mga Johnston, ay nakaupo sa isang pulang upuan. Huminga siya ng malalim mula sa sigarilyo na hawak niya at bumugha siya ng usok. Gaya ng isang batang napagalitan, kabadong nakaupo ang Emperor sa tabi niya. BAM! Hinampas ni Kennedy ang kanyang kamay sa mesa. Umalog ang mesa, at ang mga basong puno ng tubig na nakapatong sa mesa ay natumb
”Naatasan ako upang arestuhin ang isang suspek.” “Naatasan?” Nagtanong si Kennedy habang nakatingin siya kay James ng puno ng pagdududa. “Sinong nag-utos sa’yo?” Alam ni James kung gaano kalawak ang kapangyarihan at awtoridad na taglay ng Ancient Four. Sa kabila nito, hindi siya nagpatinag sa mga pananakot sa kanya ni Kennedy. Tinaas niya ang Blade of Justice at kampante niyang sinabi na, “Ginagawa ko ang aking tungkulin alang-alang sa mga mamamayan ng Sol. Napakaraming krimen ang ginawa ni Theodore Johnston habang hawak niya ang posisyon bilang Emperor. Dahil dito, kailangan siyang dalhin sa hustisya. Sana hindi mo hadlangan ang utos sa’kin. Kung hindi, wala na akong magagawa…”“Wala ka nang magagawa kundi… Ano?” Sinagot siya ni James, “Aarestuhin ko ang lahat ng maglalakas loob na hadlangan ang aming tungkulin.”“Talaga ba…?” Naging seryoso ang mukha ni Kennedy sa pagbabanta ni James.Humarang sa daanan ni James ang apat na babae habang nakatingin sila ng masama sa kanya.T
Palihim na sinusubukan ng apat na nakamaskarang lalaki na naka suot ng itim na balabal na pahabain ang laban. Nahalata ito ni James at alam niya na ito ang perpektong pagkakataon upang isagawa ang plano niya. Sa oras na makahalata si Kennedy, imposibleng magawa pa ni James na patayin ang Emperor. "Halughugin niyo ang buong lugar." Habang hawak niya ang Blade of Justice, sumugod si James patungo sa gitna ng courtyard. Dahil sa natamo nilang pinsala mula sa pag-atake ng apat na lalaki, walang magawa ang mga tauhan ni Kennedy kundi manatiling nakahiga sa lupa. Hindi nila magawang tulungan si Kennedy. Noong makita nila ang armadong Black Dragon Army, hindi alam ng mga guwardiya ng mga Johnston ang gagawin nila. Kapag nanatili silang nakaharang sa daanan nila, siguradong pagpipira-pirasuhin sila ng Black Dragon Army. Ang pinakamabuting gawin nila ay manahimik at hayaan na lumipas ang gulo. Sa huli, mas pinapahalagahan ng mga guwardiyang ito ang kanilang mga sariling buhay.
Tumulo ang dugo mula sa bibig ng Emperor. Nanlaki ang kanyang mga mata, hindi niya maunawaan kunga ano ang nangyari.Hindi siya makapaniwala na nangahas si James na patayin siya sa kanyang kinatatayuan.“Ikaw…” Sumigaw sa galit ang Emperor habang nakatingin siya kay James. “Hinding-hindi kita mapapatawad, James!”“Haha…” “Ang lakas ng loob mo na saksakin ako sa tahanan ng mga Johnston! Kapag namatay ako, hindi magtatagal susunod ka din sa’kin. Hihintayin kita sa impyerno!”Para bang nainis siya sa pagtuligsa sa kanya ng Emperor, binunot ni James ang kanyang espada mula sa katawan ng Emperor.Bumulwak ang dugo mula sa malaking sugat ng Emperor.Kasunod nito, agad na binunot ni James ang kanyang baril.Bang! Bang! Bang! Binaril niya ng ilang ulit ang sugatang lalaki. Bumagsak ang Emperor sa isang lawa ng sarili niyang dugo kasabay ng paglisan niya sa mundo. Huminga ng malalim si James. Sa wakas, patay na ang Emperor. Ang problema ngayon ay ang kaguluhan na posiblen
Sa wakas patay na ang Emperor. Pinili ni James na tapusin na ang mga bagay gamit ng Blade of Justice dahil ayaw niyang magkaroon ng pagkakataon ang Emperor na makatakas. Alam niya na kapag nilitis ang Emperor bago niya siya patayin, siguradong gagamitin ng Emperor ang isa mga tinatago niyang alas upang makaiwas sa batas. Hindi lang siya isang makapangyarihang tao na may koneksyon sa bawat ng lebel ng lipunan, kundi nasa Emperor din ang suporta ng mga Johnston. Ang bawat yugto ng kanyang misyon upang patayin ang Emperor ay puno ng pagsubok. Hindi niya inakala na mangangahas ang mga Johnston na hadlangan siya at atakihin ang Black Dragon Army. Malinaw na paglabag sa batas ang ginawa nila. Dinala ang bangkay ng Emperor sa military region. Sa military region ng Capital… Bumalik ang Black Dragon Army pagkatapos nilang magtagumpay sa kanilang misyon. Personal na ginamot ni James ang kanilang mga sugat. Hindi naman malala ang mga sugat nila at wala naman sa alanganin ang
Sumagot ang Hari ng may pagdududa, “Wala akong ideya kung ano ang God-King Palace, at ngayon ko lang din narinig ang tungkol dito.” Napaisip si James dahil sa biglaang pangyayari na ito.Kung hindi inutusan ng Hari ang God-King Palace upang tulungan siya, kung ganun bakit sila nangialam at bakit nila tinulungan si James? Bakit nila siya hinayaan na patayin ang Emperor? Tumingin ang Hari kay Gloom ng puno ng pagtataka at tinaas niya ang kanyang mga kilay. “Marami kang nabasang impormasyon. May nabasa ka ba na tungkol sa God-King Palace?” Makikita pa rin sa mukha ni Gloom ang pag-aalinlangan. “Wala, ito ang unang pagkakataon na narinig ko ang tungkol sa kanila.” Huminga ng malalim si James. Pinuntahan niya ang Hari upang alamin ang tungkol sa God-King Palace. Subalit, maging ang Hari ay hindi alam ang pagkatao nila o maging ang kanilang layunin. Kaninong panig ba kampi ang God-King Palace? Talaga bang kakampi nila sila? Hindi na inisip pa ng Hari ang tungkol sa bagay na i